Chapter Forty-One

2.3K 51 0
                                    

A/N: MAYBE this is the last chapter...

Chrisha's POV

Nakita 'ko sina Tristan ang mga kasamahan niya na nagkumpul-kumpulan sa sofa. Para bang may seryosong usapan. Lahat sila naka-kunot ang noo.

"No fucking way! Hindi niyo siya papatayin! Dude! Hinding-hindi niyo siya papatayin!" Nabigla ako sa sinabi ni Tristan. Sino ang papatayin?

"Pero dude---"

"Kill her or I'll kill you all." Seryosong sagot ni Tristan. Napaka-lalim ng tingin niya kay Dexter. Sa titig pa lang ni Tristan para niya ng pinapatay si Dexter.

"Dude. If we don't kill her, the scientist will kill all of us!" Pati si Blake napasigaw na din.

"I'm warning you. If you ever kill her, I promise to burn your soul in hell." Saka tumayo si Tristan agad naman akong napatakbo papunta sa room namin at agad na sinarado ang pinto at humiga sa kama at nagkunwaring natulog.

Maya-maya'y bumukas ang pinto at alam 'kong si Tristan iyon. Rinig 'ko ang mga yabag ng paa niya papalapit sa'kin, narinig 'kong tumunog ang kama senyales na humiga siya doon.

"I'm never gonna let that happen." Saka niya kiniss ang leeg 'ko at niyakap.

Ano ba kasi 'yon? May tinatago ba sila sa'kin?

****

"Babe... Tara na. Kain na." Yaya sa'kin ni Tristan at lumabas na kami sa kwarto. Sakto namang nakita 'kong naka-upo na mga kasamahan ni Tristan at tila ba kakain na.

Umupo na din ako sa upuan. Habang kumakain kami napakatahimik. Nakakabingi dahil wala man lang umiimik, pati na rin ang pag-nguya nila hindi nila nilalakasan at ang pagtunog ng kutsara kapag naglalapat sa platito ay iniiwasan nilang ipatunog. At dahil na rin siguro sa nakakabinging katahimikan ako unang nagbasag ng yelo.

"May problema ba?" Tanong 'ko at saka sumubo ulit.

"Wala naman." Sagot naman ni Gabriel.

"Eh ba't ang tahimik niyo?" Takang tanong 'ko.

"Uhhh.... May naisip lang." Saad ni Paul at kumain na.

"Pinapatawag daw tayo sa gymnasium." Singit ni Dexter. Lahat naman kami napatingin sakaniya.

"Bakit daw?" Tanong 'ko.

"Dumating na ang mga scientist." Lahat sila napa-buntunghininga maliban sa'kin.

Pero teka? Hindi ba sinabi ni Bella at Monica na.... Kapag daw hindi nila napatay ang taong may kapangyarihan na 'Life' kaming lahat ang papatayin? Nakaramdam ako bigla ng takot. Eto na ba? Dito na ba magtatapos ang aking buhay? Napatingin ako kay Tristan at laking gulat 'ko ng nakatingin din siya sa'kin na puno ng..... pag-aalala?

"7:00 P.M kailangan andoon na tayo." Usad ni Dexter. Napatingin ako sa orasan at 6:30 P.M na. So... 30 minutes wala na... Lagok na ang buhay namin? Patay na kaming lahat?

Kahit na tapos na kaming kumain hindi pa din mawala sa dibdib 'ko ang kaba.

"Babe... May pag-uusapan tayo." Sambit ni Tristan at pumasok na sa kwarto.

Pumasok na rin ako tutal may pag-uusapan naman kami. Nang makapasok ako nakita 'ko siyang naka-upo sa gilid ng kama at naka-yuko, ng mapansin niya atang papalapit ako sakaniya duon siya tumingala. Umupo naman ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Babe... Promise me. Kahit anong mangyari hindi 'ka aamin." Nakita 'ko ang kumikinang na mata niya para siyang naiiyak?

"Hindi kita naiintindihan." Wika 'ko.

"Babe... Ikaw.. Ikaw ang taong may kapangyarihan na 'Life'..." Nalaglag ang panga 'ko dahil sa sinabi niya. A-ako? So, all this time ako dapat ang patayin? "Babe... Ikaw.. Ikaw ang kailangan... Kailangan naming patayin... Pero babe... I love you. Mahal kita. Mahal kita... So promise me.. Hindi 'ka aamin. I told you, 'til death do us apart. Kung papatayin 'ka nila, dapat patayin na din nila ako." At kusang tumulo ang luha niya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso 'ko. Agad 'ko namang pinawi ang kamay 'ko sa pisngi ni Tristan at pinunasan ang luhang pumapatak sa pisnge niya. "B-babe.... *sob* I love you.." Saka niya ako hinalikan.. Kahit na nalalasahan 'ko ang luha niya hinalikan 'ko din siya pabalik.

I love you most, Tristan.

Lumabas na kami ni Tristan na magkahawak ang kamay. Lahat ng kasamahan ni Tristan nakaready na.... Unti-unti na kaming lumabas at kita 'ko ang mga ibang estudyante na lumalabas na din at naglilinya, may linya ang boys meron din ang girls. At kahit labag sa loob 'ko na ayaw 'kong bitawan si Tristan bumitaw ako at hinalikan ang pisnge niya at luminya na sa mga babae.

"C-chrisha?" Nagulat ako dahil sa napaka-pamilyar na boses ang narinig 'ko.

"Monica?"

"I miss you." Saka niya ako niyakap, niyakap 'ko naman siya pabalik at yumakap na din si Bella.

"Sorry." Malungkot na paumanhin 'ko.

"Shhh. We're the one who's sorry. Wala 'kang kasalanan." Ngumite naman ako at niyakap silang dalawa. Pumila na naman kami sa linya. At kita 'ko ang mga tinutusok sa leeg nila. I cringed kasi kita 'ko ang pagtabingi ng leeg nila kapag tinutusukan sila, para bang sobrang nasasaktan.

"Anong ginagawa nila, Monica?" Tanong 'ko kay Monica dahil nasa harap 'ko siya.

"Base sa pagkakaintindi 'ko, pampahina daw 'yan, pampahina ng kapangyarihan." Aniya.

Nang malapit na kaming sumunod ni Monica at ako na ang susunod napapikit ako ng bonggang-bongga. Arayyy! Hindi pa nangangalahati ang tinuturok na vitamins sa leeg 'ko para na akong maiiyak na ewan. Huhuhuhu! Bilisan niyo naman! At naramdaman 'kong tinap ako ng tumurok sa'kin simbolo na tapos na akong turukan. Bigla naman akong nahilo pero kaya 'ko naman ikontrol ang sarili 'ko.

Lahat kami pumunta sa gymnasium at nakita 'kong naka-upo lahat ng mga estudyante duon, naka-upo sila sa sahig. Umupo na si Bella at umupo na din ako at sumunod si Monica. Bale nasa gitna ako nila.

"Chrisha... Sayang noh? Kung kailan malapit na ang katapusan na'tin, duon tayo magkakabati-bati." Narinig 'kong parang naiiyak na si Bella.

Niyakap 'ko siya na patagilid at sinandal ang ulo 'ko sa balikat niya.

"Matagal 'ko na kayong pinatawad. Yun nga lang, hindi niyo alam. Nalaman niyo lang kung kailan... Malapit na.." Takte. Pati ako naiiyak eh. At ramdam 'ko rin ang yakap ni Monica sa'kin.

"Magsasama-sama na tayong lahat sa heaven."

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Where stories live. Discover now