Chapter 1 [edited]

9.2K 161 5
                                    

Third Person's POV

*Flashback*

"Nana? Mababait po ba bata rin doon?" Tanong ni Chrisha sa kaniyang Lola na si Norma 'Nana'.

"Oo naman apo. Mabilis kang makakahanap ng friends doon." Aniya ni Lola Norma.

"Yeheyy! Madadagdagan na rin ang friends ko! Chimmy, hindi kana nag-iisa, may magiging friends tayo doon sa school." Pumapalakpak na sabi ni Chrisha habang tinataas niya sa ere ang laruan niyang teddybear na panda na nag-iisa niyang kaibigan na pinapangalanan niyang 'Chimmy'.

Humarap si Norma kay Chrisha na nilalaro ang kaniyang kaisa-isang kaibigan na teddy bear. Naawa si Norma sakaniyang apo dahil ito'y nag-iisang anak. Ang kaniyang magulang ay nagtra-trabaho sa abroad para may pangkain sila ni Chrisha.

Hindi naman nabigo si Norma dahil malusog ang pangangatawan ni Chrisha. Sa katunayan mama ni Chrisha ang nagmamay-ari nang mga swimming pools na nagkalat sa Pilipinas. Samantalang ang papa ni Chrisha ang nagmamay-ari nang mga Restaurants na nagkalat sa Luzon.

Ngumiti ng mapait si Norma dahil nagmana sakaniya si Chrisha.

"Ma'am andito na po tayo." Sabi ng driver.

Binuksan ni Norma ang pintuan nang van at binuhat si Chrisha na hawak-hawak si Chimmy para ibaba.

"High Class School"

Pangalan ng eskwelahan na papasukan ni Chrisha. Pangalan palang pang-mayaman na.

Titig na titig si Chrisha sa kaniyang papasukan na eskwelahan.

"Nana? Ang laki po. Baka po may ghost dito." Takot na tanong ni Chrisha kay Norma.

Mahinang natawa si Norma sa inakto ng kaniyang apo. Hinimas-himas ni Norma ang ulo ni Chrisha.

"Walang ghost dito, apo." Saad ni Norma sa kaniyang apo.

"Pasok na tayo, apo? Manong.." At humarap si Norma kay manong driver "Paki-dala lahat ng bag sa sasakyan." Utos ni Norma sa manong driver.

Tumango naman ang driver at sinunod ang utos ni Norma. Sinundan ni manong driver kung saan papunta si Norma at Chrisha.

"Wow! Ang laki po, Nana. Maliligaw po ako dito eh." Nag-aalalang tanong ni Chrisha sa kaniyang Lola.


"May magbabantay sa'yo dito. Hindi ka maliligaw. Halika't ipapa-enroll kita." Aniya ni Norma at binuhat si Chrisha papuntang principal office para ipa-enroll siya.

***

"Ano pong pangalan ng batang ipapa-enroll niyo?" Tanong nang principal.


"Chrisha Stewart." Sagot ni Norma.

"Age." Dugtong ng principal.

"7 years old." Aniya ni Norma

May nilabas na papel ang principal at may pinirmahan ito.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon