Chapter 20: True Colors /edited/

2.5K 71 0
                                    

Chrisha's POV

"San ka nanggaling hah?" Muntikan na akong napatalon sa gulat.

"Monica naman, ginulat mo naman ako eh." Sambit 'ko.

"Tinatanong 'ko kung saan 'ka nanggaling. Bloody night na, gusto mo ba mamatay agad?" Seryosong saad ni Monica.

"Nagpahangin lang ako sa labas, don't worry wala namang masamang nangyari, kasama 'ko kasi si Trist---" agad akong napa-takip sa bibig 'ko. Hala, andami-dami kasing sinasabi. Pahamak 'kang bibig 'ka eh.

"Kasama naman pala niya si Tristan eh. Bayaan mo na, Monica." Tanggol sakin ni Bella.

"Tss. Wag na wag 'ka nang lalabas ulit ng ganitong oras hah? Hindi mo alam ang pwedeng mangyari." Paalala ni Monica.

Tumango nalang ako.

"Oh siya, tulog na ulit tayo." Akmang hihiga na siya sa kama pero...

"Teka.. May tanong ako." -Ako

"Ano?" At umupo siya pa-indian sit sa kama niya. Nakita 'kong nag-indian sit na din si Bella sa kama niya.

At ako naman yung nakatayo sa harapan nila.

"Sino ang Demon's Gang?" Tanong 'ko.

Nakita 'kong nagkatinginan silang dalawa ni Monica sa isa't isa at humarap sa'kin.

"Kanino mo nalaman 'yan?" Tanong ni Bella.

"Wow. Nagtatanong ako, tanong din sinagot eh." Saad 'ko.

"Ang Demon's Gang ay isang grupo or in short Gang, kung sila Tristan ay Devil's God, yun naman ay Demon's Gang. Si Jeremih ang pinaka-pinuno nila duon, siya ang rank 2 sa pinaka-kinakatakutan dito sa DGU (Devil's God University) siya din ang pinsan ni Tristan, ang alam ni Jeremih ginago siya ni Tristan kasi ang alam niya inagaw ni Tristan si Aleah sakaniya." Explained ni Monica.

"Huh? Inagaw ni Tristan si Aleah kay Jeremih?" Nagtatakang tanong 'ko.

"Ayun ang alam ni Jeremih, at dahil dun nagtanim siya ng galit kay Tristan. Pero ang totoo, si Aleah mismo ang lumalapit kay Tristan. And then one day, nahuli ni Jeremih sina Tristan at Aleah na magkahalikan, masakit man kay Jeremih kasi tinuring niya si Tristan na parang kapatid pero nahuli niya lang sila na magkahalikan, ang masaklap pa girlfriend pa ni Jeremih ang kahalikan ni Tristan." Dugtong ni Bella.

"So, you mean, naging sila ni Aleah and Jeremih? Then ngayon, sila naman ni Tristan and Aleah?" Naguguluhan pa din ako.

"Oo. Ayun kasing si Aleah makating babae 'yon. Tignan mo magpinsan pa ang pinuntirya. Pero ang totoo, sabi nila ang totoong mahal daw talaga ni Aleah si Tristan, ginamit niya lang daw si Jeremih kasi si Jeremih may gusto siya kay Aleah. Then 'yon, ginamit ni Aleah si Jeremih para mapa-lapit siya kay Tristan. Hindi 'ko naman masisisi si Jeremih kasi sobra niyang minahal si Aleah eh at sobra din siyang nasaktan." -Bella

Ngayon naintindihan 'ko na. Kaya pala gustong patayin ni Jeremih si Tristan. Ngayon 'ko lang nalaman ang totoong ugali ni Aleah.

"I see. Pero yung kissing scene nila ni Tristan and Aleah? Baka naman kasi ginusto din 'yon ni Tristan." Sambit 'ko.

"Base sa pagkaka-alam 'ko. Sinadya talaga ni Aleah ang halikan si Tristan para malaman na ni Jeremih na niloloko lang siya ni Aleah, pero lalaki lang din si Tristan hindi niya sinasadyang halikan pabalik si Aleah." Saad ni Bella.

Ba't parang nakaramdam ako ng inis?

Agad 'ko namang pinunasan ang labi 'ko gamit ang palad 'ko. Pwee, madaming laway na nang babae ang andun sa labi niya tapos hahalikan niya ako? Kadiri -.-

"Ngayon? Alam mo na siguro ugali ni Aleah?" Natatawang tanong ni Monica.

"Malandi?" Saad 'ko.

"Nadali mo. Hahahahaha" At saka kami tumawang tatlo.

"Ngayon alam mo na, tara matulog na tayo." -Monica.

"Tara na nga. Tulog na tayo." Sambit 'ko at pumunta na sa kama 'ko at humiga.

Nakakainis lang kasi sa isang taong madumi pa ang labi napunta ang first kiss 'ko, second and third. Sarap magwala. -.-

---

A/N: Sorry kung maiksi lang. Hihihi, try 'ko ulit mag-update mamaya.♡

Btw, si Jeremih Montefalco yung nasa picture. Kaya po naging pinsan ni Jeremih si Tristan kasi, ang middle name ni Jeremih is Lee and yung tatay ni Tristan ay kapatid niya ang nanay ni Jeremih.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon