Chapter Thirty-Seven

2K 46 0
                                    


"Babe... Sorry na kasi."

"Pwede ba, Tristan. Wag muna ngayon." Suway 'ko at nauna ng naglakad para sa classroom namin. Dapat kanina pa 'tong naka-alis si Tristan eh, hindi daw niya ako lulubayan hangga't di pa daw kami nagkaka-ayos. Kasalanan niya rin naman eh, kinuwento-kuwento pa kasi.

"Hindi kita tatantanan, babe. Kahit na nasa loob 'ka na ng classroom niyo." Sagot ni Tristan.

Nakatingin naman sa'min yung lima, si Blake nga natatawa sa'ming dalawa ni Tristan eh. Tss. Eh basta! Naiinis pa din ako kay Tristan, tsss. Siya kaya sa pwesto 'ko! Malamang maiinis din siya.

"Babe naman..." Buntot pa rin ng buntot si Tristan, pumasok na ako sa classroom...  Pumasok din si Tristan?!!

"Ano ba, Tristan!" Harap 'ko sakaniya, lahat ng atensyon ng mga kaklase 'ko nasa aming dalawa ni Tristan. "Wag mo na nga akong sundan! Alis 'ka na!" Sigaw 'ko sakaniya.

"Hindi ako aalis dito hangga't di mo ako pinapatawad." Aniya.

Bumuntunghininga ako at tinalikuran siya at pumunta na sa upuan 'ko.

"Calvin, alis 'ka nga diyan sa upuan. Uupo ako." Ay aba! Pinalis pa si Calvin eh.

Hinawakan 'ko sa braso si Calvin, humarap ako sakaniya at sinamaan ng tingin. "Wag 'kang aalis, Calvin." Seryosong sabi 'ko.

"Aalis 'ka Calvin o hindi?!" Naggagalaiti na din si Tristan, pero wala akong pakialam.

Akmang aalis na si Calvin pero hinatak 'ko siya paupo.

"Sabing hindi 'ka aalis Calvin eh!" Galit na saad 'ko.

"Puta! Kanina pa ako naguguluhan sainyong dalawa! Bakit ako dinadamay niyo hah?! Aalis ba ako o hindi?! Letche!" Nagulat naman ako sa pagsigaw ni Calvin, at bigla siyang tumayo at umalis ng classroom.

Hala? Nagalit 'ko ata? Ay hindi! Kasalanan naman ni Tristan! Kung sana hindi niya pinaalis eh. Agad naman umupo si Tristan sa upuan ni Calvin. Lihim akong napa-irap at humarap kay Blake. Ang loko tumatawa pa!

"Anong tinatawa mo diyan?" Taray 'ko kay Blake.

"Wala. Para kasi kayong mga bata." Saka siya tumawa.

"Tss." I hissed and roll my eyes.

Sa buong class time lang akong nakabusangot. Minsan nga nararamdaman 'ko yung braso ni Tristan na umaakbay sa'kin pero kinukurot 'ko siya sa tagiliran kaya agad niyang inaalis ang braso niya. Hanggang sa dismissal naka-busangot pa din ako.

***

"Calvs. Sorry kanina hah?" Paumanhin 'ko ng makita 'ko siya sa canteen, nag-iisang kumakain.

"Ayos lang." Saka siya ngumite sa'kin.

Inakbayan 'ko lang siya at tumabi sakaniya. Nang maka-upo na silang lahat, nakita 'ko ang pagkunot ng noo ni Tristan. Hmp! Tama 'yan, magselos 'ka diyan! Hindi pa ako nakuntento, pinisil 'ko pa sa pisnge si Calvin at sabing... "Ang cute mo!" Sabi 'ko sabay pisil nanaman.

Nakita 'kong ang sama ng tingin ni Tristan kay Calvin. Napatingin naman si Tristan sa gilid niya at may dumaan na isang... Magandang babae?

"Hey, sugar." Uminit ang ulo 'ko ng marinig 'ko yan sa bibig ni Tristan. Aba! Kelandi naman ng lalaking ire! Bwisit!

"T-tristan? Uhhh... Hi." Ay aba! Nagpacute pa si ate kay Tristan! Ansarap lang pag-untugin netong dalawang ito!

"Uhmmm... Pwede bang favor." Nag-iinit na talaga ako! Pigilan niyo ako kundi sasabunutan 'ko talagang dalawang ito! Ang lakas ng loob maglandian sa harap 'ko!

"Sige.. Ano ba yon---"

"Tumigil nga kayong dalawa diyan! Kung gusto niyo maglandian, dun kayo sa walang tao! Nakakadiri, tignan!" Sigaw 'ko at agad na tumayo at naglakad paalis duon sa canteen.

Naglakad lang ako ng naglakad, naiinis ako at the same time nagagalit kay Tristan! Bwisit na Tristan! Duon siya sa babaeng 'yon! Bwisit! Ughh!

"Chrisha?" Napa-harap ako sa gilid 'ko at nakita si.... Kurt. Lalong nag-init yung ulo 'ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" Dugtong pa nito.

"Ano bang pag-uusapin na'tin?" Naiinis na tanong 'ko. Nakita 'ko ang pag-iwas niya ng tingin sa'kin, ni hindi man lang siya makatingin sa'kin ng diretso.

"Sorry.." Sincere na sambit niya.

"Sorry? Hindi 'ko kailangan ng sorry niyo." Saka ako tumalikod at aalis na sana pero hinawakan niya ang braso 'ko. Napaharap ako sakaniya at winasiwas ang braso 'ko para matanggal ang kamay niya.

"Tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa braso 'ko." Galit na utos 'ko sakaniya. Agad naman niya iyong inalis at humingi nanaman ng paumanhin.

"Chrisha, nasaktan din kami nung pinalayas 'ka namin. Kung nakikita mo lang sana ang mga girls gabi-gabi lagi silang umiiyak dahil sa ginawa namin saiyo. Chrisha---" pinahinto 'ko siya sa pagsasalita dahil naiiyak ako. Alam 'kong OA pero ang hirap lang kasi balikan ang nakaraan.

"Oo, tanggap 'ko na. Hindi na kayo dapat pang mag-explain." Sagot 'ko.

"Chrisha, kailangan mo kasing makinig--"

"Ano ba! Kung sino man ang mas nasasaktan sa'tin ngayon, AKO 'yon! Salamat nalang sa araw na naging part kayo ng buhay 'ko. Salamat din sa mga alaala. Salamat dahil kahit papaano, napasaya niyo ako. Salamat sa lahat!" Galit na sambit 'ko at tuluyan ng umalis. Mabigat 'yung loob 'ko ngayon, gusto 'kong sumigaw.

Nang pakiramdam 'ko'y nanginginig na ang tuhod 'ko naupo ako sa sahig. Iyak ako ng iyak na parang wala ng bukas. Sige, iiyak mo lang, Chrisha.

"Shhh. Don't cry, babe. I'm always here for you." Naramdaman 'ko ang braso niya na pumulupot sa baywang 'ko.

Isinandal 'ko ang ulo 'ko sa dibdib niya, alam na alam 'ko na si Tristan eto. Kaya mahal na mahal 'ko ito eh, kahit marami akong pagkukulang sakaniya andiyan pa din siya sa tabi 'ko. Kaya girls, tanungin niyo po si Tristan kung may kapatid pa po siya, baka sakaling iyon na ka-forever niyo.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Where stories live. Discover now