Chapter 25: Hatred /edited/

2.3K 60 1
                                    

Chrisha's POV

"Paano ba 'yan, Chrisha? Kayo nalang ni Kurt ang hinihintay na maging couples." Literal naman akong namula dahil sa sinabi ni Dustin. Kinurot naman ito ni Monica sa tagiliran.

"Ouch naman babe." Saka nag-pout si Dustin kay Monica.

"Wag mo ngang prine-pressure sila Kurt and Chrisha." Suway ni Monica.

"Kaya nga, Dustin. Alam mo namang hindi lang si Kurt ang nagkakagusto kay Chrisha." Natatawang sambit ni Bella.

"Ano ibig mong sabihin, love?" Tanong sakaniya ni Kean na ngayon ay naka-akbay na kay Bella.

"Kasi si Chrisha... Ang haba ng hair, pati si Tristan nagkakagusto diyan eh." Kinikilig na pahayag ni Bella na siyang ikina-gulat 'ko.

Agad namang napa-tingin lahat ng lalaki sa'kin, as in yung atensyon nila nasa akin.

"Really?" Walang halong emosyon na tanong ni Kurt.

"A-ahhh. D-don't mind... Bella. Nagbibiro lang siya." Nauutal ako? Oo. Nauutal nga ako.

"Aysus.." Iling-iling na saad ni Bella "Eh ano, ibig sabihin nung binuhat 'ka niya na parang newlywe----"

"Wala yun kaya. Kaibigan lang talaga kami ni Tristan." Putol 'ko kay Bella.

Tinitigan 'ko nga ng masama, kung ano-ano lumalabas sa bunganga eh. Sarap putulin ng dila niya.

"Ano 'ka ba, Chrisha. Ikinakahiya mo ba si Tristan?" Saad ni Bella.

Lahat naman kami natuon ang atensyon kay Kurt na padabog na tumayo at padabog na pumasok sa kwarto ng mga boys.

Nagkatitigan kaming lahat na natira, napawi ang tingin 'ko kay Bella at inirapan siya. Mukhang nakita naman niya iyon, kaya nakita 'ko sa expression niya ang guilt.

"You should've stayed quite, Bella." I hissed and head to our room.

Agad naman akong humiga agad para makapag-pahinga. I am really little bit annoyed kay Bella, kung sana sinara niya na yung bunganga edi sana hindi na niya nabanggit si Tristan, at hindi nagalit si Kurt, halata namang nagselos si Kurt.

Sinubukan 'kong ipikit ang mga mata 'ko pero hindi ako maka-tulog.

Hindi talaga ako maka-tulog, lahat na ng posisyon na pantulog nagawa 'ko na pero hindi pa rin ako nakaka-tulog. Magpa-hangin na nga muna.

Agad 'kong kinuha ang jacket 'ko at lumabas ng room.

"Saan 'ka pupunta, Chrisha?" Tanong ni Monica ng mapagtanto na ako ay lalabas.

"Sa labas, magpapahangin lang." Sabi ko at lumabas na ng kwarto.

Nagtuloy-tuloy lang akong mag-lakad. Hangga't sa may nakita akong taong paparating. Heto ata ang sinasabi nila na Demon's Gang.

Agad akong humanap nang matataguan. Nang may makita ako agad akong nag-tago.

"Pare, balita 'ko daw malapit na raw dumating ang mga scientist." Rinig 'kong usapang nila.

"Oo."

"Edi pati tayo, kasama duon sa papatayin?"

"Hindi---"

"Ahhhh!" Sigaw 'ko nang may gumapang sa paa 'ko na ipis. Waahhh! Jusko! Ayaw na ayaw 'ko ang ipis. Lumabas ako sa tinataguan 'ko para magtatalon para kung sakaling malaglag man ang ipis.

Nang mapagod ako huminto ako.

O_______o

Duon 'ko nalang na napag-tanto na.... Ang Demon's Gang----

Haharap na sana ako sa likuran nang...

"Don't you dare move any nerves on you." Lumiyab ang mga mata ng lalaki sa harapan, para silang mga demonyo.

Sa sobrang takot 'ko, para akong nag-yelo sa kinatatayuan 'ko. Hindi ako maka-galaw.

"Sa tingin mo, pre may alam 'to?" Tanong nung lalaki, sa kaibigan niya.

"Hmm. Hindi 'ko alam, pero maganda ganyan ang taste ni Master Jeremih." Tumindig ang balahibo 'ko ng marinig 'ko ang Jeremih.

"Dalhin na'tin?" Tanong nung lalaki.

Tumango naman ang lalaki at kinuha ako nang pwersahan.

"Tulong!!! Ahhhh!!" Sumigaw ako na parang puputok na yung ugat 'ko leeg.

"Tumahimik 'kang babae 'ka!" Sigaw nung lalaki at sinampal ako.

Napa-ngiwi naman ako sa sakit.

Pinilit 'ko pa ring sumigaw...

"Tulong!!!" Sigaw 'ko. Naiiyak ako, ba't walang makarinig sa'kin?

"Sabi nang tumahimik eh!" Saka niya ako siniko kaya nawalan ako ng balanse sa katawan.

"Aray~" Daing 'ko sa sakit. Kumurba ako na parang fetus dahil ang ansakit talaga nung siko niya. Nagsimula nang umagos ang luha 'ko.

"Tristan? Nasan 'kana?" Mahinang bulong 'ko at umubo nang dugo.

Agad nila akong tinayo na dalawa. Nagpupumiglas ako kahit wala na akong lakas.

Ang isang lalaki pumunta sa likod 'ko at hinawakan patalikod ang mga kamay 'ko. At ang isang lalaki naman ay pumunta sa harapan 'ko. Naubusan na ako nang lakas para lumaban.

"This is what you get for being naughty, little girl." Hinawi niya ang buhok ko, at inamoy ang pisngi ko, saka niya ako sinampal.

Tumalsik ang laway 'ko ng sampalin niya ako at kumaliwa ng bahagya ang ulo 'ko.

Iyak lang ako ng iyak.

Wala ba talagang nakakarinig sakin? Ba't walang tumutulong sakin?

"Sandali lang hah?  Papatulugin muna kita." Kita 'ko ang pag-ngisi nang lalaking nasa harapan 'ko.

Tinutok niya ang kamay niya sakin, at naglabas hindi ng kapangyarihan at ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko, lumalabo ang paningin ko, and everything I knew was.... Total black.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Where stories live. Discover now