Chapter Thirty-Eight

2K 52 0
                                    

Monica's POV

"Where's Ms. Stewart?" Tanong ni Mrs. Miranda.

"May pinuntahan po sila ni Tristan, Ma'am." Ligtas 'ko kay Chrisha. Takot naman kasi lahat ng guro dito kay Tristan eh. Paano? Siya ang rank 1 sa pinakakinakatakutan dito sa DGU.

"Ahhh. Okay." Aniya.

Hindi naming maiwasang magalit sa sarili namin, napaka-babaw ng rason kung bakit namin pinalayas si Chrisha. Alam 'kong nasaktan siya, pero.... Hindi lang naman siya yung nasaktan eh. Kaming lahat ng kaibigan niya. Masiyado lang kaming nadala sa sinabi ni Aleah.

*Flashback*

Heto yung oras na nag-away sila ni Bella at Chrisha dahil hindi umuwi si Chrisha sa dorm namin, masiyado niya kaming pinag-alala.

"Tara. Pasok na tayo. Baka pagod lang din talaga si Chrisha." Yaya 'ko kay Bella at halata mong bigat na bigat na siya sa paghinga. Tutal at nakaligo na din at nakabihis na kami, napagpasiyahan nalang namin na pumasok na muna.

Habang naglalakad kami ni Bella sa hallway, binunggo kami ng mga alipores ni Aleah. Lima sila, at si Aleah ang pinuno nila.

"Looks who's here." Sambit ng mga isa sa alipores niya.

"Hoy mga basura." Kusa namang nag-init ang ulo 'ko ng sabihan kami ni Aleah ng 'basura'

"May sasabihin ako sainyo." Dugtong pa nito.

"Wala kaming time sa ganyan." Akmang aalis na kami ni Bella pero hinatak kami ng apat niyang alipores. Dalawa sa'kin, dalawa din kay Bella. Hinawakan nila ang braso't kamay 'ko para hindi ako makagalaw, ganoon din ang ginawa nila kay Bella.

"Pakawalan niyo nga kami!" Sigaw 'ko at pilit na kumakawala.

"Makinig muna kasi kayo!" Sigaw pabalik saakin ni Aleah.

Hinawakan ni Aleah ang panga 'ko at bigla niya itong binitawan.

"Traydor ang isa niyong kaibigan." Aniya.

"Wala kaming traydor na kaibigan!" Sigaw ni Bella.

"Ano pa bang tawag niyo kay Chrisha? Plastic?" At saka siya tumawa ng peke. Ang sarap niyang sabunutan! Anong karapatan niyang sabihan ng traydor at plastic si Chrisha?!

"Chrisha's not a plastic nor a traitor." Seryosong sagot 'ko.

"Really? Think about it. She just said to us na, ampangit niyo daw kasama. And she said na... Ang lalandi niyo daw. Lalo 'ka na Bella, ikaw pa mismo nanligaw kay Kean. Tss. See? Alam 'ko lahat, kasi nga traydor 'yang kaibigan niyo!" Nabigla naman ako sa sinabi niya. Bakit niya alam? Totoo ba?

"And she also said that you're both pathetic!" Ayokong maniwala sa mga sinasabi ni Aleah, alam 'ko ugali ni Aleah... Storymaker.

"Well, kailangan niyo nang palayasin si Chrisha." Aniya.

"At bakit naman namin gagawin 'yon?" Mataray na tanong ni Bella.

"Baka nakakalimutan mo, Bella. Grupo kami ng mga Demon's Gang. Kung ayaw niyong si Chrisha ang mahirapan, kayo namang limang magkakaibigan ang pahihirapan 'ko." Ngisi ni Aleah. Tila ba kinilabutan ako sa sinabi niya. "Magdesisyon na kayo." Saka tumalikod si Aleah.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang