Chapter Thirty-Nine

2K 51 0
                                    

Chrisha's POV

"Hey, babe..." Suyo sa'kin ni Tristan, naiyak ako dahil sa sinabi 'ko kala Monica. Totoo naman eh, and mas worst pa siniraan 'ko daw sila, so mas naniniwala sila kay Aleah, kaysa sa'kin na mismong kabigan nila?

Hindi ako nawalan ng kontrol kanina kaya 'ko nasabi 'yon. I mean it, hindi sila totoong kaibigan. Nakakapanghinayang lang dahil sa maling tao 'ko binigay ang mga effort 'ko. 

"Babe... Wag 'ka na muna kayang pumasok. Duon na tayo sa dorm namin." Tumango nalang ako sa sinabi ni Tristan, pakiramdam 'ko parang napaka-bigat ng loob 'ko. 

Naglakad lang kami ni Tristan papunta sa dorm nila. Hindi 'ko maiwasang maguilt dahil sa sinabi 'ko.

"It's okay, kung totoong kaibigan 'ka nila. They'll understand you despite of what you did." I heard Tristan said. 

"Babe? Sumobra ba ako?" Walang sariling tanong 'ko sakniya, nakita niya ang buong pangyayari kaya tinanong 'ko na.

"To be honest, yes. If I were them, masasaktan ako sa sinabi mo." Aniya.

"Totoo naman kasi eh. Kung totoo sila sa'kin, sana naman hinintay din nila yung sagot 'ko. Hindi lang naman sila yung nasaktan dito eh." Naluluhang komento 'ko.

"Lilipas din yang galit mo, babe." Pagpapakalma ni Tristan. 

Pumasok na kami sa dorm at nahiga na agad ako sa sofa. Pagod na pagod ako ngayon, parang lahat ng lakas 'ko na-drained. 

"Dito 'ka lang. May nakalimutan lang akong sabihin kala Blake." Saka agad na lumabas si Tristan ng dorm.

Nag-unat pa ako at saka dahan-dahang sinara ang aking mga mata, nang biglang....

"Mmmmm!!" Naramdaman 'ko nalang na may tumakip sa bunganga 'ko at nilapat sa ilong 'ko ang isang panyo. Unti-unti akong nawalan ng lakas hanggang...

****

Nagising nalang ako na nasa isang madilim na lugar ako. Gumalaw ako at naramdaman 'kong nakatali ang kamay 'ko at paa 'ko at naka-upo ako sa sahig. Nakaramdam ako ng takot. Nagflashback lahat sa utak 'ko ang mga panahon na sina Tristan pa ang kumidnap sa'kin. Pero? Impossible naman na si Tristan pa din ang kumidnap sa'kin ngayon. 

"Tulong!!" Sigaw 'ko dahil hindi naman naka-takip ang mga bibig 'ko. 

Sigaw lang ako ng sigaw pero parang walang nakakarinig. Nagsimula na akong matakot dahil wala akong makita, malay mo baka may ipis, ahas na dito sa lugar 'ko. Nakakatakot. Tristan? Nasan 'ka na ba? Sigaw lang ako ng sigaw ng maramdaman 'kong nag-crack ang boses 'ko. Hinang-hina ako. Daig 'ko pa ang bugbog sarado na tao. Nakita 'kong may isang maliwanag sa pinakadulo at may tatlong tao. 

"Oh? Gising 'ka na pala."

O_______O!

Literal na nagulat ako dahil sa boses na iyon. Napaka-pamilyar.

"A-Aleah?" Nauutal na tanong 'ko.

"Miss me?" At nakita 'ko siyang papalapit kung saan ako naroroon.

At tuluyan na nga siyang nakalapit sa'kin. Agad naman niyang sinabunutan ang buhok 'ko at pinatagilid na paharap sakaniya. 

"So, kayo na pala ni Tristan?" Naka-ngising tanong niya pero halata sa ekspresiyon niya na gusto niya na akong patayin. "Malandi ka rin eh noh? Alam mo ng may syota na yung tao pero nilandi mo pa din." Dugtong pa niya.

"Hindi 'ko siya nilandi... siya ang kusang lumapit sa'kin." Buong lakas na sagot 'ko.

"Oh really? Hindi 'ka naman kasi papatulan ni Tristan kung hindi mo siya nilandi." Madiin na saad ni Aleah at mas lalong humigpit ang hawak niya sa buhok 'ko. Napadaing naman ako sa sakit.

"Huwag 'kang mag-alala. Papahirapan muna kita, bago kita patayin!" Sigaw niya sa'kin at dali dali akong sinampal. Napasigaw ako ng sampalin niya ako. Ang sakit. Bakit ba lagi nalang akong sinasampal? Si Frenzy tapos ngayon si Aleah naman? Pucha! Maawa naman kayo sa pisnge 'ko. T-T

"Boys!" Sigaw ni Aleah at lumapit naman ang dalawang lalaki. "Pahirapan niyo 'tong malanding babae na 'to hah? Gusto 'ko yung magsisigaw siya sa sakit, a makita 'kong duguan sa harap 'ko. Pero wag niyong papatayin hah?" Nakaramdam naman ako ng takot sa sinabi ni Aleah. 

"Naman, Aleah. Malakas tama mo sa'min eh." Saka nilabas ni kuya ang tubong napaka-kapal. 

Huwag mong sabihin na ipapalo 'yan sa'kin? Juicecolored! Maawa naman kayo! Babae ako, masyado ng malala ang mga pinagdaanan 'ko! Huhuhu. Tristan nasan 'ka na ba?

"Matakot 'ka na, miss." Sabi ni kuya at tinaas sa ere ang tubo napapikit naman ako dahil alam 'kong hahampas iyon sa'kin. 

"Awwww!" Literal akong napasigaw ng ipalo niya yun sa likod 'ko. Napahiga naman ako sa sakit. Para akong fetus na nakahiga sa sahig dahil napakasakit ng palo niya sa'kin. Iyak ako ng iyak dahil sa sakit. 

*PAK!* 

At pinalo naman niya iyon sa binti 'ko. Feeling 'ko magiging Apolinario Mabini na ako ne'to dahil sa lakas ng palo niya sa'kin. Ang sakit. Punong-puno ng galit ang puso 'ko. Gusto 'kong gawin patayin ang dalawang nasa harap 'ko ngayon. Naramdaman 'kong inupo ako ni Aleah at tinitigan ako ng diretso. Galit na galit ako kay Aleah ng tinignan niya ako mata sa mata. Nakita 'kong napalaki ng mata si Aleah at bigla siyang napa-atras sa'kin. 

"Pagsisihan mo 'to." Malamig na sambit 'ko at tinitigan siya ng masama na siyang ikinasuka niya ng dugo. Napalapit naman sakaniya ang dalawang lalaki at tinulungan siya. 

"Aleah! Anong nangyayare sa'yo?!" Sigaw sakaniya nung mga lalaki habang si Aleah nagsusuka pa din ng dugo. 

"P-patayin... n-niy-yo na s-siy-ya.." Nakuha 'pang magsalita ni Aleah. 

Nagbuga ako ng hangin at mistulang naging abo si Aleah. Hindi na ako nakaramdam ng anumang kakaiba sa katawan 'ko ang alam 'ko lang gusto 'ko silang pataying lahat. 

"Aleah!" Sigaw ng lalaki. 

Kinuha naman ng isang lalaki ang isang tubo at akmang ihahampas sa'kin pero ng tinitigan 'ko iyon biglang tumilapon ang tubo at biglang nagkapirapiraso. Nanlaki naman ang mata ng lalaki at susugudin ako. Pero ng titigan 'ko siya bigla siyang tumilapon at napasandal sa pader. 

"Lance!" Sigaw nung lalaking may gusto ata kay Aleah, at bigla siyng tumayo at kinuwelyuhan ako. 

"Hayop 'ka!" Sigaw niya sa'kin. 

Hinipan 'ko siya at bigla siyang naging yelo at nabitawan ako. Nang bumagsak ako sa sahig agad 'kong tinanggal ang mga nakatali sa'kin gamit ang isip 'ko. Duon 'ko nalang napagtanto na... May Powers pala ako.

Agad naman akong tumayo na at parang pilay na naglakad at tumakas sa kwartong iyon.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon