Chapter 18: Suitors Agad? /edited/

2.5K 81 1
                                    

Chrisha's POV

*TOK TOK*

Narinig 'ko nalang ang isang katok sa pintuan sa restroom, baka si Kurt na 'yon. Agad akong lumabas sa cubicle at binuksan ang pintuan. Tama nga, si Kurt nga.

"Sorry kung matagal ako hah? Here." Saka niya inabot ang isang plastic bag.

"Thank you so much, Kurt." Pagpapasalamat 'ko at sinarado na ang pinto.

Pumasok naman ako sa cubicle para magpalit.

Nang matapos ako, magpalit agad 'kong nilagay ang underwear 'ko na may dugo sa plastic bag at nilagay sa bag 'ko.

Uuwi muna ako sa dorm.

Paglabas 'ko sa restroom nakita 'ko si Kurt na nakasandal sa pader sa gilid nang restroom nang girl, hinihintay ata ako? Papalapit siya sa'kin, seryoso! Papalapit nga siya!

"Ano? Are you okay? Nahihilo 'ka ba? Do you have cramps?" Sunod-sunod na tanong niya nang maka-harap niya na ako.

"I'm good. Samahan mo 'ko sa dorm. Ibabalik 'ko lang yung..." Hindi 'ko na pinatapos yung sasabihin 'ko masyado ng awkward.

Tumango lang siya at umakbay na sa'kin. Nagsimula na kaming maglakad.

"Salamat, Kurt hah?" -Ako.

"Maliit na bagay eh." Sagot niya.

"Maliit na bagay? Lalaki ka, dapat nga nandidiri 'ka kapag nakakakita or nakakahawak ka ng ganun eh." Saad 'ko. Totoo naman eh.

"Hindi naman ako ganun, and menstruation is normal, kaya it's okay." He said and face me.

"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?" Sabi 'ko habang nakatingala at nakaharap sakaniya.

"Nothing, mas maganda 'ka kasi sa malapitan." And he smiled at humarap sa dinadaanan namin.

Humarap na rin ako sa dinadaanan namin. Bakit ang sweet ngayon ni Kurt? *___*

"Tanong 'ko lang, sanay kana ba sa ganun?" Tanong 'ko.

"Yup. Minsan kasi alam mo na sila Monica at Bella nagkakaPMS din kaya nasasanay na din kaming mga lalaki." He replied.

"Sabagay." I said.

"Antayin nalang kita dito sa labas." He said, andito na pala kami sa dorm? Ang bilis.

Pumasok na ako at nilagay sa maruming damit 'ko ang underwear 'ko, mamaya 'ko nalang siya lalabhan.

Lumabas na ako ng dorm.

"Tara, let's eat?" Aya ni Kurt.

"Sige, nagugutom na din ako eh." Sabi 'ko.

Dumeretso na kami sa canteen para kumain.

"Ano order mo?" Tanong sa'kin ni Kurt.

"Yung pancit nalang and drinks kahit anong drinks na." Saad 'ko at umupo na bakanteng upuan, tumango nalang siya at pumila na.

"Hi, Chrisha!" Humarap ako sa gilid 'ko at si..

"Hi, Aleah." Bati 'ko.

"I just saw you and Tristan an hour ago. Are you that close?" Tanong niya.

Bigla namang nag-init ang pisngi 'ko sa tinanong niya, I just hope na hindi niya nakita yung nag-*toot* kami nung bwisit na Tristan na 'yon.

"Y-yes, actually we are...uhmmm, we are friends, hehe." Sambit 'ko, Chrisha umayos 'ka.

"I see." Saka siya tumango-tango.

"Uhhh. Wala ka na bang... Ibang nakita?" Tanong 'ko.

"What​ do you mean?" At saka tumaas ang kaliwang kilay niya.

"W-wala, wala." Naiilang na sabi 'ko.

"Why? Is there something going on between you and MY BOYFRIEND TRISTAN?" Talagang diniinan niya yung salita na 'My boyfriend Tristan' eh, kala mo nama aagawin 'ko eh.

"W-wala noh." Tanggi 'ko.

"Good. You know what, I'm willing to kill someone just for Tristan, whoever flirt with my boyfriend *smirk* I'm going to break her face." O-okay, speechless.

"Ohh. Hi Aleah." Buti nalang eh, dumating na si Kurt. Nakakatakot 'tong Aleah na 'to eh.

"Hi. So, see you again, Chrisha. I gotta go." Then she walked away.

"Did I miss anything? Parang ang seryoso niyo hah?" Natatawang sinubo ni Kurt ang burger.

"Wala 'yon." Saad 'ko nalang at kumain na ng pancit.

*****

"Saan 'ka ba nanggaling, Chrisha?" Tanong ni Bella.

"Nakatagos kasi ako kanina, buti nalang Kurt helped me, then 'yon kumain lang kami." I said.

"Really? Kurt did that?" Hindi makapaniwalang sambit ni Bella.

Tumango nalang ako.

"Akala 'kasi namin ni Monica hate na hate niya pag-usapan ang ganung topic kasi akala namin nandidiri siya. Pero akalain mo 'yun, hindi pala. So, did he bring you tinapay? Ganun ba ibig mong sabihin?" -Bella.

"Yes, and underwear, too." Saad 'ko.

"Mygosh. Dalawa ang suitors mo, Chrisha! Haba ng hair!" Sigaw ni Bella.

Pinandilatan 'ko nalang siya ng mata.

"Dinalhan lang ako ng panty, suitor na agad?!" I hissed.

"Hindi basta-basta papayag 'yon kung ganun. Pero ikaw? Payag agad? Tell me, Chrisha, paano ba magpa-haba ng hair?!" Natawa nalang ako sa inasta ni Bella.

Suitor agad? Tss. Basta ang alam 'ko Kurt is caring, loving and gentle. Kaysa naman dun kay Tristan, halikan ba naman ako bigla-bigla? Bwisit lang.


///
A/N: Sorry readers kung Turtle UD madami pa kasing kelangan gawin sa school eh, kahit bakasyon na. Hahahaha. Ewan ba, daming kailangan eh. Sorry din po kung maiksi lang yung kwento. Keep Voting nalang. Iloveu readers. Mwa. Mwa.

Devil's God University [COMPLETED] //Still on editing//Where stories live. Discover now