KABANATA WALO: Ang Mga Taga Garnaya

456 18 0
                                    

NATANAW ng mga taga Garnaya ang bangkang papalapit sa kanila.

"Narito ang mga taga Tribu Suhbar. Mukhang malaki ang kailangan nilang ginto sapagka't halos mapuno na ng prutas ang kanilang bangka," komento ng isang parisa na nakakita sa bangka ng mga Suhbaryan.

Nang makadaong ang bangka ay nilakad na nina Himena, Lator, at Mido ang mala-disyertong Garnaya.

Nang makalapit sa mga taga Garnaya ay nagwika si Himena, "Ipagpaumanhin ninyo subali't kami ay nagmamadali," sabi nito habang nakatingin sa ilang Garnaya na kinukuha na ang mga prutas sa bangka, "kailangang-kailangan na ng aking amang makainom ng gamot. Kaya't 'wag sana ninyong mamasamain kung hihingin ko na kaagad ang gintong kapalit ng mga prutas," maamong pahayag nito.


Isa ang Tribu Suhbar sa may maraming kuhaan ng prutas hindi gaya sa kaharian ng Bilona na ang mga prutas dito ay para lamang talaga sa mga taga Bilona.

"Huwag kang mag-alala, Himena. Heto, tanggapin mo. Sadyang lagi ng nakahanda ang gintong kailangan mo. Tatlong supot iyan sapagka't marami ang dala mong prutas," nakangiting sabi ng isang pariso sa kaniya.

Napangiti silang tatlo nang abutin ang mga ginto. Iyon ang isang hinahangaan ng Tribu Suhbar sa mga taga Garnaya. Hindi nanlalamang ang mga ito hindi gaya ng mga taga Morne na labis humingi ng ginto kapalit ng isang tangkay lamang ng gamot.

"Maraming salamat sa inyo. Nawa'y patnubayan pa kayong lalo ng inyong mga Ado at Ada," pasasalamat naman ni Lator.

Yumukod sina Himena bago tumalikod.

"Sandali lamang," biglang pagpigil ng isang pariso. Yumukod ito kay Mido. "Hindi ko akalaing may anak pala kayo Himena, Lator. Ano ang pangalan mo, bata?"


"Mido po," sagot naman agad ng anak nina Himena at Lator.

"Hmmmm... Mido. Napakagandang pangalan kasing ganda mo rin," puri ng pariso kay Mido.

Ngumiti si Mido sa tinuran nito bago nagsalita. Likas na madaldal si Mido.

"Mana po kasi ako sa aking nakatatandang kapatid na si Miyela," natutuwa nitong sagot.

Tumingin ang dalawang taga Garnaya kina Himena.

"May isa pa pala kayong anak? Bakit hindi namin nakikitang isinasama ninyo rito kahit noon pa?" simpleng pagtatanong ng pariso.

Naging malikot ang paningin ng mag-asawa.

"Abala ang aming anak sa pag-e-ensayo. Nais lang naming maging handa sandaling may gulong mangyari," sagot ni Himena at pagkasabi niyon ay hinila na nito si Mido.


"Ipagpaumanhin ninyo, subali't sadyang nagmamadali kami dahil magtutungo pa kami sa Morne. Magpapaalam na kami. Maraming salamat," magalang na paalam naman ni Lator.

Pagkatapos yumukod ay naglakad na ang mga ito.

"Huwag mo ng uulitin ang ganoong pakikipag-usap sa mga taga Garnaya, Mido!" may bahid ng galit na sabi dito ni Himena.

Tale Of The Crowned Queens (High Fantasy - PiP Collaboration Series)Where stories live. Discover now