The Secret Agent: 7

Comenzar desde el principio
                                    


"Good morning, Nikko." Gusto kong umiwas para sana pumunta sa banyo pero agad itong humarang sa harap ko.


"I said, good morning. Wala man lang bang sagot?" Aniya bago ngumiti at ngumit ako bumalik pero gusto ko siyang sapakin dahil naalala ko naman yung ginawa niya kagabi.


"Good morning rin!" Padabog kong bati rito at nang dadaan ako sa papunta sa banyo ay nakita ko ang mga pagkain na nakahain sa mesa.


"Lahat 'yan niluto ko and dahil diyan, tara na at kumain!" Medyo masiglang pag-aalok nito at parang may kung anong kiliti akong naramdaman sa loob ko.


Ngumiti na lang ako rito bago napaupo sa lamesa. "Bakit mo 'to ginagawa, Ahron? Bakit mo ginawa yung nangyari kagabi?" Sunod-sunod na tanong ko pagkaupo at doon biglang sumeryoso ang mukha niya.


"Hindi ko rin alam, Nikko. Masyado na akong occupied ng mga bagay na related sa'yo lalo na sa nangyari kagabi kaya let me do the things I want to do kahit na nawawala na ako sa control para magawa ko ang misyon ko." Dama ko ang frustration sa mga sinabi nito at wala akong masagot.


"Bakla ka ba?" Tanong ko rito at natawa siya, "Simula sa hinalikan kita ngayon ay hindi ko na alam sana nga maramdaman mo rin 'tong nararamdaman ko para ma-sort natin kung ano ba talaga 'to. Kasi maski ako naguguluhan na."


Hindi na ako sumagot at naiwan ako sa katanungan na kung nababakla na rin ba ako?


Biglang naputol ang pagkain naming dalawa ng nakita namin ang bulto ng bunsong Dela Fuente na si Paulo.


"Kuya Ahron! Nagyayaya si Kuya Ethan ng inuman mamaya. Hindi ko macontact si Kuya Howard eh and hindi ko rin siya nakausap kahapon dahil palagi na siyang almost midnight umuwi." Pambungad nito sabay upo sa lamesa at kuha ng tasty.


"Pass muna ako. May pupuntahan kami nito ni Nikko." Ani Ahron at napatingin ako sa kanya at walang tingin na ibinalik sa'kin ito.


**


Hapon ng bumalik si Ahron galing trabaho at pinasakay niya kaagad ako sa kotse. Kasalukuyan kaming nasa mall ngayon at marami siyang biniling damit na lahat daw ay sa akin. Hindi ko lubos akalain na ganito ang nangyayari sa pagitan naming dalawa.


Dapat ba akong maniwala sa sinasabi nito kaninang umaga o ginagawa niya lang 'to dahil sa trabaho at misyon niya na mahuli si Gerardo. Pero kahit na ganito may parte sa puso ko na napapaputang ina dahil mayroon talagang tama sa'kin na kakaiba.


Nababakla na ba talaga ako?


"Ano ayaw mo ba nitong pantalon, Nikko?" Nawala ako sa pagmumuni at napatingin sa gwapong pigura ni Ahron sa harap ko.


Tumango na lang ako at laking gulat ko ng inilapit nito ang mga dalawang kamay niya sa bewang ko at isinukat ang haba ng pantalon. Nang umangat ang mukha niya ay lumakas ang tibok ng puso ko dahil parang nag-iba ang pagtingin ko rito.


"Don't stare at me na parang kakainin mo 'ko dahil baka magulat ka na lang at nauna na akong kumain sa'yo." Aniya at napalunok ako.


Bakla ka na talaga, Ahron.


Nang matapos ang pagliibot namin sa malaking mall na 'yon ay nag-take out si Ahron ng pizza at inumin at tsaka pumunta kami sa sea side. Papalubog na ang araw noon at umupo kaming dalawa kung saan papaharap sa papalubog na haring araw.


"May naging girlfriend ako na kaugali mo, Nikko." Panimula ni Ahron nang makaupo kaming dalawa.


Malungkot ang lumabas ng ekspresyon sa mukha nito, "Bakit kayo nagkahiwalay?" Tanong ko pabalik at tumingin lang siya sa'kin.


"Nagkasakit siya noong nasa bagong pasok ako sa DOS and she died. Matapos niyang mamatay sinabi ko sa sarili ko na siya lang ang babaeng mamahalin ko ng ganon. At technically mukhang siya nga lang ang babaeng 'yon 'cause you came into my life." Dagdag niya pa.


"Baka nakikita mo lang siya sa'kin, Ahron. Wala namang nagkakagusto sa kapwa niya lalo pa't alam mo sa sarili mong tuwid ka." Giit ko.


"Fuck being straight. I have two brothers at may partner sila na same sex na noon eh nandidiri talaga ako but now narerealize ko na tama nga si Paulo na maybe love is really worth risking for."


Sasagot sana ako pero bigla nitong kinuha ang cellphone niya at sinagot ang tawag, "Del Fiero, anong balita?"


MAGNUS:


Life is full of unwanted ironies at ngayon ko napatunayan 'yon. It's very funny na ang taong gusto kong tulungan at dahilan ng ilang araw kong pagkapuyat ay makikita kong kahalikan ang taong karibal ko sa karera ko.


Andoon ako sa may pinto kagabi at patagong nakatingin sa mga nangyayari at dahil sa hindi ako makatagal ay mabilis na rin akong umalis. Hindi ko matanggap na ganito ang nangyayari pero bakit ganito?


Alam ko sa sarili kong lalaki ako pero puta ka, Nikko. Dahil sa'yo mukhang nag-iiba ang pananaw ko sa sekswalidad ko.


Nang makarating ako naman ako ngayon sa mall kung saan ko trinack ang sasakyan ni Ahron na kasalukuyan ngayong kasama si Nikko sa may tabing dagat ay doon ko na naman naramdaman ang galit na kagabi ko pa kinikimkim.


Aaminin ko na at suko na ako.. Mahal ko na yata si Nikko Francisco kahit sa sandali naming pagkakakilala at pag-uusap. Wala naman kasing pinipili si Kupido kung kaning stupido titibok ang puso mo.


Pumasok ako sa loob ng kotse at doon ko naisip naang dapat na matagal ko ng ginawa. I was thinking about this simula noong nakita ko ang usapan sa pagitan ng Daddy ko at Ninong Gerardo ko.. ang lider ng sindikato.


Kinuha ko ang cellphone ko at denial ang number ni Ahron Dela Fuente at agad niya rin itong sinagot, "Del Fiero, anong balita?" Agarang tanong niya.


Huminga ako ng malalim at tsaka ko tinignan si Nikko na katabi nito. Kahit namang sinong nagmamahal ay maiintindihan ang gagawin ko.


"I made a plan for Nikko, Dela Fuente."   



//COMMENTS// 

PS:  Ano ang plano ni Magnus Del Fiero? 


The Secret Agent (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora