VII

2.3K 108 34
                                    

VII: Craziness

---

Chanyeol's Point of View

"Bar later." paalala ko naman sa mga kasama ko. They all grinned at what I said. Gusto lang namin maglaro mamayang gabi.

"Can we join?" tanong ni Hyoyeon. Tsk. As if may magagawa kami kung gusto nilang sumama.

"Sure. Basta KKB." sagot ni Chen. Gago talaga ng isang to. Binatukan naman siya ni Hyoyeon bago umalis kasama yung dalawang babae.

Nakita ko naman yung laptop ni Seohyun. Mukhang naiwan niya dito kasi kanina pa siya umalis. Umupo naman ako sa upuan niya. Ano kayang ginagawa niya dito?

"Hyung, ano yan?" tanong ni Sehun. Mukhang badtrip si maknae dahil sa itsura niya. Mas lalo pa kasing nagsalubong yung kilay niya.

Nagscroll naman ako. Mukhang interesado talaga sila sa mga transferees. "Tsk." I heard Sehun mumbled.

"Anyare?" tanong ko naman. Itinuro naman niya yung babae sa picture. Ah, ito yung nagpatumba kay Luge. Sira ulo talaga si Luhan, halata naman na nagpasuntok ang loko.

First time yun ah.

"That woman is stubborn as hell." He said. Napalingon naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Mukhang may nangyari nga base sa reaksyon niya.

"Mukhang inisnob ka?" I asked in return. Kinuha naman niya yung laptop at iniscroll. Kita namin yung mukha nung limang babae. "Hmmm, hindi ko alam pero mukha silang.."

"Mukha silang nerd?" Nagulat naman ako sa biglaang pagsulpot ni Lay at Kyungsoo. Naglapag naman sila ng paper bag sa harap namin.

"Mukhang pagkain yan. Chicken?" tanong ni Kai. Ibinigay naman namin lahat sa kanya. "Thanks! Wait. Sila yung transferees?"

"Oo nga. Stalker na ba kayo?" natatawang tanong ni Lay sa amin. "Parang pamilyar silang lahat." He mumbled.

"Bakit walang info na nakalagay sa kanila?" takang tanong naman ni Kyungsoo habang dala yung frying pan. Kelan ba siya mahihiwalay sa kusina niya?

"What are you doing?"

Eto na yung mga mainipin na kasamahan namin. Unang pumasok si Baekhyun kasunod si Kris. "Ang liit ni Baekhyun hyung." rinig kong bulong ni Tao. Wow Tao, nasan ang respeto mo sa height ni Baek?

Nagthumbs up naman ako at laking gulat ko na umulan ng pana sa room na to. "Gago ba kayo!" sigaw naman ni Kai habang dala yung box na mukhang natamaan ng mga pana. Buti hindi siya tinamaan. Baka akala ng pana na anino lang siya?

"Shit naman!" rinig kong sabi ni Kyungsoo mula sa kusina. Mukhang pati siya ay nadamay.

Dahil doon ay itinago na namin si Tao bago siya mapatay ni Baekhyun. Kinuha ko naman yung eye liner ng uto na to. "Hoy Baekyunie! Itigil mo yang trip mo kundi papatayin ko tong eye liner mo!" sigaw ko sa kanya.

Papatayin ko talaga ang eyeliner niya!

Lumingon naman siya sa akin. Gotcha! Ipinakita ko naman sa kanya yung hawak ko. Mukhang aasintahin naman niya ako pero inabot sa akin ni Xiumin hyung yung sharpener. "Hawak naman ang buhay niya!" Gusto ko nalang magfacepalm sa sinabi ni Chen.

Bumukas naman yung pinto at pumasok si Suho. Parang wala sa kanya kung matamaan siya. "Why?" He asked. Mga wala ba talaga silang pakiramdam?

Mabuti nalang at mabilis si Sehun at nasa likod na agad siya ni Baekhyun. Walang kahirap-hirap na nakuha niya yung weapon ni Baekhyun. "Hyung, ayokong iconfiscate ang weapon mo." He said.

Half Goddess, Half Hell.Where stories live. Discover now