II

2.4K 116 5
                                    

II: Reset

---

Taeyeon's Point of View

"What are we doing here?" mataray na sabi ni Jessica. Lumapit naman ako sa kanya at tinutok yung pistol na hawak ko. She just rolled her eyes at me.

"Isa pang daldal ay papasabugin ko yang ulo mo." I said to her. Hindi naman siya natinag kaya nagkibit balikat nalang ako.

"Can you please shut up?" tanong naman ni Yuri kay Sooyoung. Heto na naman yung dalawang magkapatid na walang ibang ginawa kundi ang magpatayan.

"Naghahanap ba tayo ng sirena dito?" tanong ni Sooyoung habang nakatingin sa tubig.

Hinagisan naman siya ni Jessica ng dart pero naiwasan niya ito. "Yah! Ceasefire muna tayo." She yelled. Trip kasi naming saktan ang isa't isa in a friendly way. Friendly na yung tawag ko sa ganyang bagay.

I smiled at them. "Pinapatawag tayo ni master." pagpapaliwanag ko sa kanila. Inilapag ko naman yung hawak kong pistol at kinuha yung telescope.

Naramdaman ko namang tinapik ako ni Jessica sa balikat. "Mamaya na Jess." sabi ko sa kanya. Kitang busy yung tao eh.

"There's a floating body." She informed us. Ibinaba ko naman yung telescope at hinarap siya. "I said there's a floating body." ulit naman niya.

Tumalon naman si Yuri sa tubig to get the body. We helped her to get into the yacht. Inihiga niya yung babae at tiningnan ni Sooyoung kung may pulso yung babae.

"She's not breathing." She said. She did all the first aid she knows.

"One..two..three." We are trying to revive her. Ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa ding response.

"We should bury her." suggest ni Jessica. Poor girl.

"Guys! She has a pulse!" Natatarantang sabi ni Yuri. We all looked at the girl. Hinawi ni Sooyoung yung buhok niya. We all stunned at what we saw.

"Yoona?" I asked her. She opened her eyes and stared at me. "You're alive."

Yinakap naman namin siya. "Saan ka bang nagpunta gaga ka? Akala namin ay patay ka na. Look at you, hindi ka na fab!" masungit na sabi ni Jessica.

"W-Who are you?" mahinang sabi niya.

Say what?

---

/one week later/

Yoona's Point of View

Tinitingnan ko lang silang lahat. Nakarating kami sa isang isolated na bahay sa gitna ng dagat.

Huminga naman ako ng malalim dahil ang hirap tanggapin na buhay pa ako. Akala ko pa naman ay mamatay na ako pero hindi na naman nangyari. "Hindi magandang biro Yoona." sabi nung matangkad na babae.

Hindi ko nga talaga sila kilala. Bakit ipinagpipilitan nila na kilala ko sila? Ang gulo ah. "Hindi ko kayo kilala." mahinang sabi ko.

"Yah! Pang famas ang acting mo girl." Tinapik naman ako sa braso nung isang babae.

Tumahimik naman sila nang pumasok yung isang matandang lalaki. Isinara nito ang pinto at humarap sa amin. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

Mukhang ginamot nila ang lahat ng sugat ko. "Maayos naman po. Salamat po." I said. Tumango naman siya.

"Master, hindi niya kami naaalala." pagsusumbong ng isa sa kanila. Siya yung may hawak ng telescope sa pagkakatanda ko.

"She's not Yoona." sabi naman nung sinasabi nilang master.

Itinaas ko naman yung right hand ko kahit medyo nahihirapan ako. "I'm Yoona. I mean, Yoona ang pangalan ko." pagpapaliwanag ko. "Hindi ko talaga po kayo kilala." Sinabi ko na yung totoo.

"Seryoso ba? Eh kamukhang kamukha mo siya! Minus the girly part and you're eyes are not the same. Sa pagkakaalam ko ang mata mo ay brown bakit medyo gray at ewan!? "

Hindi ba ako babae? At kelan pa naging brown ang mata ko? "Silly. We are saying na magkamukha kayo ni Yoona but you two are different. She died a long time ago. Then, bigla ka nalang nagpakita out of nowhere kaya we assume na ikaw si Yoona. By the way I'm Yuri." pagpapakilala niya.

"I'm Sooyoung at your service." She said with a smile.

"Jessica Jung." She said with a grin.

"I'm their leader, Taeyeon." pagpapakilala niya sa akin. Tinaguan ko naman silang lahat.

"I'm Yoona." pagpapakilala ko naman.

"Girls, can I talk to her first?" pakiusap nung master nila. Lumabas naman yung apat na babae at naiwan kaming dalawa ng master nila.

"Call me master." He said. Ano daw?

"Ahm, salamat po m-master." Sht. This is awkward. "Pero kailangan ko na pong umalis dito. Ayoko pong makaabala sa inyo." sabi ko sa kanya.

Tumawa naman siya na ikinabigla ko. "You're different from her. She's right, you're stubborn." Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. "I'm referring to your twin sister."

Twin sister?

"K-kakambal ko?" takang tanong ko.

Tumango naman siya. "Lagi ka niyang binabantayan." Natigilan naman ako bigla. Joke ba yon? "Unfortunately, she died in a gang war."

Napahigpit naman yung hawak ko sa kumot ko. "Maraming napatay sa gang war na naganap two years ago at isa na siya doon. There's a foul play during that time. Inaalam pa din nila Taeyeon kung sino yung nasa likod ng pangyayaring iyon."

"Bakit mo sinasabi sa akin ito?" I asked him. Mahirap tanggapin lahat ng sinasabi niya. If I have a twin sister siguro ay mas naging okay yung buhay ko.

"Join Taeyeon's team. Pretend to be your sister. In that case ay malalaman mo kung anong nangyari sa kapatid mo." He stated.

"I'm weak. Hindi niya ako katulad." mahinang sabi ko sa kanya. Ni hindi ko nga kayang ipagtanggol yung sarili ko tapos magpanggap pa na isang tao?

"That's why I'm here. I will show and teach you how to fight. To fight with justice."

Hindi naman ako kumibo. "Erase all your painful past. This will be a new start for you. A reset." He said.

Tumango naman ako at sakto na pumasok na yung apat na babae sa kwarto. "Don't worry, hindi ka naming gagawing extension ng ate mo. You will have your own identity. Irerespeto namin iyon. We love your sister. We really do kahit na maarte yon." Jessica said.

"T-Thank you." sincere na sabi ko sa kanila.

I will do everything for her. Even if I will die again.

"Group hug?" pamaya-mayang sabi ni Yuri. Lumapit naman sila sa akin at dahan-dahan akong yinakap.

"Okay girls. Tama na yan. Kailangan ko nang ayusin ang papers niya. She's going to Korea."

Naloka naman ako sa sinabi ni master. Nakigaya nalang ako sa tawag nila sa kanya. "That fast? Akala ko makakapagbonding na kami huhu." Natawa naman ako kay Sooyoung.

"See you soon Yoong." Taeyeon said with a wink.

"Make sure to come back alive." paalala ni Jessica kaya kinabahan naman ako.

Siniko naman siya ni Yuri. "Tsk. Wag kang makinig sa kanya. Kita kits Yoongie."

Maybe this is for the best. Hahanapin ko at pagbabayarin ang gumawa nito sa kakambal ko, sisiguraduhin ko yan.

---
A/N: Hello guys. Whatcha think? Been busy writing and creating twists para sa story na ito? Are you excited for the next update? Because I am. ;)

Vote, Share and Comment guys. Love lots.

Laters XX

Half Goddess, Half Hell.Where stories live. Discover now