XXXVI

779 29 18
                                    

XXXVI: The Truth Untold

----

Sooyoung's Point of View

"What's the plan?" tanong ko having kumakain ng chips. May tawag kasi kami galing kay master. "Bakit ba laging itim ang suot natin?" random kong tanong sa kanya.

Umirap naman yung kapatid kong shokoy. Kahit na magkapatid kami ay mas pretty naman si ako.  "Bakit hindi ka mag pink?" sagot niya sa akin. I gave her a middle finger. Gumanti naman siya at hinagis yung kutsilyo ko.

Yung gamit ko pa talaga yung ginamit niya!

"Damn it! Sino yung bumato ng kutsilyo? Nasira yung damit ko!" Natawa naman kami sa sinabi ni Taeyeon. Nahiwa yung mangas ng damit niya. "Tigilan niyo yan." bawal niya sa amin.

"Bomba ba yung gusto niyong ibato niya? " alok naman ni Jessica. Agad kaming umiling dahil mukhang susunod si Yoona na magbato ng bomba.

Pinagtatuloy ko yung pagkain ko. Nagflash naman sa mirror yung mukha ni Jimin. Muntik ko nang maibuga yung pagkain ko. "Ganyan ba ako kagwapo?" tanong ng walangya.

"Sira ulo." sagot ni Sunny. Nag high five namannaman kami sa sinabi niya. Nalukot yung mukha ni Jimin boy.

"What's up?" tanong ni Taeyeon.

"Gang war." Yun lang ang sinabi ni Jimin. Pinakita niya pa yung mga pictures ng Exo. "They know about us." pamaya-maya niyang sabi. Sus, syempre di naman slow yung Exo na yun.

"Walang tayo, gago." sabay-sabay naming sabi. He chuckled. "Anong ganap niyan?" tanong ko naman.

Mukhang hindi naman siya kinakabahan kahit na sinabi niya yung tungkol sa gang war. Hindi naman kami natatakot. Medyo kinakabahan lang kasi baka madamay sila Fany dito.

"Princesses of the West? Kasali ba sila?" tanong ni Yuri habang inaayos yung sapatos niya.

Jimin nodded. "Yes. You know them, they adore Exo that much." He said as a matter of fact.

Napasimangot naman ako dahil ayoko talaga na madamay sila. "Bakit ganyan ang suot niyo?" Bakit ba epal tong si Jimin, madalas? Ang ganda ng outfit namin.

"Misis! Bakit ganyan ang suot mo? Damn it. Pupunta na ako dyan!" Isa pa tong si Taehyung na galing pa sa Mars. Kita ko naman yung inis ni Yoona. "Magpalit ka ng damit." utos niyavkay Yoona.

"Really?" tanging sagot ni Yoona. She just shrugged. "Get lost, Kim." utos naman niya. Para silang mag-asawa na ewan ko ba! Sila nalang tanungin niyo sa super complicated na relationship nila. Isama mo pa yung nasa listahan ko. Oo, may listahan kas ang dami!

Pinaalis naman ni Jimin si Taehyung sa harap ni mirror. Feels ko, nakukulitan na yung gadget ni Jessica sa amin. "Exo will surely capture you, witches." komento ni Namjoon. Mas okay pa siyang kausap kaysa sa ibang members niya. Siya naman yung leader.

You know their gang name? They called themselves Bulletproof Boyscouts. Sus, eh mga duwag naman yung iba sa kanila. Pero secret lang naman iyon. Ayoko makaharap ang nagger na si Jin. "They think you're the traitors." natatawang sabi ni Jimin.

Traitor? Ganoon ba talaga kami kasama sa paningin nila?

"Lotus Org wants you back." Medyo natigilan kami sa sinabi ni Yoongi. Mabuti at gising na siya ngayon. Medyo nagulat kami ng makita namin na nakatali si Hoseok sa may upuan at may tape yung bibig niya. "Well, don't mind this fck. He's annoying."

Nakakatakot si Yoongi. Mas okay kapag tulog siya. "Back? No way." sabi naman ni Taeyeon. If master will know this, sure ako na balik agad kami sa Korea. Ayaw na niya madawit ang pangalan namin sa Lotus Org. "They had us years ago. Sana pinahalagahan nila kami." pagpapatuloy niya.

Half Goddess, Half Hell.Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora