CHAPTER 19

176 3 0
                                    

Huminga ako ng malalim at pumikit. Parang may mali, may mali sa akin. Sumandal ako sa pader para suportahan ang aking sarili at muling huminga ng malalim.

Lumalawak ang mundo ko, para kong lumilipad na hindi ko alam. Alam kong naramdaman ko na ito dati pa, noong mga panahong basura ang tingin sa akin ng mga tao. Bakit ganto ang nararamdaman ko? Napapikit ako, ngunit ganon parin.

" Mam? okay lang pu ba kayo? gusto mo po ba ulit ng maiinum?"

"Uhh. . hindi na, salamat na lang"

Naalala ko na yung juice lang naman ang ininum ko bago ko maramdaman ito, siguro masyado lang ako nagulat sa mga pangyayari. Pero mga ilang oras ay umiinit ang katawan ko at mas lalo kong naramdaman ang katawan ko na parang lumulutang.

Kaya napag desisyonan ko na pumunta munang comfort room para mag hilamos at mahimasmassan. Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko nakita ang asawa ko kaya dumeretso na ako ng CR.

"Where are you going?"

Nagulat ako ng magsalita si Terrence mula sa likod ko.

" Uhm. Mag Cr lang ako . . "

Palakad na ko ng muli siyang magsalita. Ramdam ko ang lamig ng boses niya sa akin ngunit hindi naman nawawala ang pakiramdam ang pag aalala niya sa akin.

" Are you okay?"

" O-oo . . . Okay lang ako."

Tumahimik siya ng kaunti, kaya naisipan kong umalis na.

" Tell me Riza, kulang pa ang pagmamahal ko sayo kaya ginaganito mo ko?"

Mahinahon ngunit malamig niyang sabi sa akin.

Napatigil naman ulit ako at napa singhap, sa mga salitang yun parang may karayom na tumusok sa puso ko. Unti unting sumisilip na ang mga luha sa mga mata ko. Buti na lang at nandito kami sa di mataong lugar kung hindi, ay may mga taong makakakita sakin.

Lumingon ako sa kaniya.

" I'm sorry" hikbi ko ko sa kaniya.

Tumawa siya ng kaunti.

" Yeah. Sorry. So guilty ka nga. Sabi ko na eh, wala kang pinagkaiba sa kanila Riza"

" Pakinggan mo kasi ako. Kaya ko namang mag paliwanag, bakit hindi mo pakinggan yung nararamdaman ko."

" Ganun naman yun eh. Magpapaliwanag ka tapos sa huli papatawarin kita, ganun tayo lagi Riza! Tapos ganto! Nakita ko na may shabu sa drawer ng asawa ko! What do you expect me say?! na papatawarin kita?! Na okay na ang lahat?!"

Napahagulhol na lang ako.Gustong gusto ng magpaliwanag pero sobrang hagulhol ko hindi ako makasalita. Gusto sabihin sakaniya na hindi ako gumamit na may nag plano ng lahat ng ito.

" Tama na Riza. Sobrang tanga ko na sayo. Sana hanggang dun na lang yon"

Patuloy lang ako sa pag iyak. Gustong gusto kong lumapit sa kaniya upang yumakap ngunit nung papalapit na ako ay biglang siyang umalis at nagsalita.

" Ayusin mo sarili mo. Aalis tayo maya maya."

***

Hanggang ngayon ramdam ko parin ang pagkahilo, na parang lumulutang ako at nag iinit . Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko, kaya pinilit ko nalang humalabilo sa kanila.

"Hi! Riza Sorry talaga sa nangyari nung last week."

" Okay lang Shane . . ."

Pinilit kong ngumiti na lang sakaniya kahit gusto ko  na sigawan. Hindi naman sa judgemental ako pero pakiramdam ko talaga na plano niya talaga yon. Ngayon ay mas lalong kumulo ang dugo ko dagdag pa yung nangyari kanina sa amin ni Terrence.

Du hast das Ende der veröffentlichten Teile erreicht.

⏰ Letzte Aktualisierung: Jun 03, 2018 ⏰

Füge diese Geschichte zu deiner Bibliothek hinzu, um über neue Kapitel informiert zu werden!

The Brave WifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt