CHAPTER 1

227 5 0
                                    



CHAPTER ONE

" Wife, i love you"


Napatingin naman ako kung sino nagsalita. Ang asawa ko pala. Hindi man lang nag inform nandito na pala sya sa likod ko.


" I love you too"


Humarap ako sakanya at kinabig ang dalawang kamay sa leeg at hinalikan. Nakikita ko talaga sa mukha nya kung gaano nya ako kamahal, kung gaano namin kamahal ang isa't isa.

"Date tayo?"


"Huh? pero kadarating mo lang sa trabaho, staka alam kong pagod ka na--"


" Hindi na ko pagod"


"Huh? bakit naman--"


" Nandito ka na kasi sa tabi ko"


Napangiti nanaman ako ng abot tainga dahil sa sinabi nya. Kahit anong oras talaga pinapakilig nya ko. Napaka lambing nyang tayo, sya na yata ang pinaka perpektong asawa na nakilala ko at naging asawa ko. Mayaman. Matalino. Gwapo. Mabait. May ABS. At higit sa lahat, mapag mahal.


Dahil sa sobrang gwapo ng asawa ko, napapayag nya kong makipagdate sakanya. Dali dali naman kami nag punta sa kotse at sya ng nag maneho.Wala akong alam kung san kami pupunta.


Hanggang sa makarating kami sa isang mataas na bundok kung saan makikita mo ang buong lugar. Ni walang taong dumadaan.


" Babe bakit nandito tayo?"


Napatingin lang ako sakanya.Nakatitig lang sya sa buong paligid. Hindi ko talaga alam kung anong gagawain namin o anong pumasok sa isip nya at dinala nya ko rito. Lagi kasi kami nag d-date sa mga restaurant kaya hindi ko inakala na dadalhin nya ako dito.


"Ayaw mo ba dito?"


Actually gustong gusto ko dito. Mahangin at walang tao, feeling mo malaya ka sa lahat, parang gusto ko nga tumira dito dahil sa ganda ng view


" Ito ang pinaka magandang date na binigay mo saken"


Nasilayan ko sa kanyang mata ang pagka galak. Napangiti na naman ako ng halikan nya ang noo ko.

~~*~~


Nakaupo na kami ngayon sa likod ng kotse. kung saan pwede kaming matulog at masilayan ang view. Naglagay din kami ng sapin para kami ay komportable at naglagay rin kami ng Chi-chirya at beer.


Hindi naman kami nag iimikan, pinapakiramdam namin ang hangin at ang paligid. Pipikit na sana ako ng magsalita sya.


"Babe"


"hm?"


" Do you see that car?"


Napatingin naman ako sa malayung highway at nakita ko ang isang durog na kotse na nakabunggo sa puno. At ang mga ambulance na inaalis ang taong naka sakay doon.


"Bakit anung problema?"


" Baka isang araw maging ganiyan tayo . ."


" H-huh?


" We are just like the car, we keep continuing and passing the highway straight to our home but  there are trees blocking on our way , their waiting for us to crash on them and  break  us"



Hindi ko maintihan sa una, pero ng makita ko ang mga mata na nakatingin sa kotse unti-unti kong naiitindihan ang mga sinasabi nya. Tumingin siya saaken ng may lungkot sa mata.


"Sana hindi tayo katulad ng kotseng yan na madudurog kapag may problemang dumating---"



" Shhh-babe, hindi tayo magiging ganyan."


Nag alanganin ako tumingin sa nabundol na kotse at tumingin ulit sakanya. Hinawakan ko ang buong mukha nya na parang inaalo sya.


" Hindi tayo magiging ganyan, dahil mahal kita. At kahit anung mangyari. . . mamahalin parin kita."


Walang atubiling hinalikan ko siya. Agad naman siyang tumugon. Matagal naming ninamnam ang sandaling yun at mas lalong lumalim iyon ng ipasok nya ang dila nya sakin, patuloy lang iyon.


Hanggang sa humiwalay na kami sa isa't isa ngunit hinawakan nya ang buong pisngi ko.


"I fuck'in love you babe" sabi nya naparang nahihirapan.


Pero napangiti parin ako.


"I love you too wife"

CORAXZON

The Brave WifeWhere stories live. Discover now