CHAPTER 17

110 2 0
                                    

May mga tao talaga na handang siraan ang relasyon nyo, kaibigan o pamilya handang paghiwalayin kayong dalawa. Mga pagsubok na kailangan tiwala lang ang makakapag ayos sa inyong dalawa, kahit na mahal niyo ang isa't isa may haharang parin sa inyong dalawa, haharang upang wakasan ang inyong pagmamahalan

Kung pagsubok man ito sana kaya namin itong lutasin.

FLASHBACK

Malabo pa ang paningin ko ng magising ako, pumikit ako ng ilang beses para mas malinaw. Kinapa ko ang gilid ng kama, napansin kong wala na ang asawa ko. Pumikit muna ako ng matagal dahil medyo naaantok pa ako dahil hindi ako masyadong nakatulog kagabi.

Kasalanan to Terrence.

Naalala ko ang nangyari sa amin ni Terrence kagabi, mga segundo't oras na pinagsaluhan namin ang aming pagmamahalan. Parang pantasya na nababasa sa mga libro, hindi inaakalang mangyayari iyon sa buhay mo.

Mga ilang segundo ay binuksan ko na ang mga mata ko, tama nga wala na si Terrence sa tabi ko. Siguro ay naghahanda na ito papasok sa kompaniya, ngunit kumunot ang noo ko para yatang may nakakalimutan ako.

Shit! nakalimutan kong mag luto ng agahan!

Tumingin ako sa orasan na katabi lang aming higaan, napa mura ako ng matignan ko ang oras. Dali-dali akong bumangon at  bumaba ng hagdanan upang bilisan ang pag luto ng almusal. Siguradong gutom na yung mokong na yun.

Ngunit nagulat ako ng masilayan ko ang lamesa,ang daming pagkain, bacon,omelet, itlog, sandwich at mga tinapay. Tumingin ako sa paligid, nakita ko si manang na nag aayos ng pagkain.

" Manang kayo pu ba ang nag handa nito?"

Natigilan ito sa pag aayos at tumingin saakin. Minsan kasi ay siya ang nagluluto ng aming agahan o hapunan ni Terrence tuwing busy kami. Sya rin minsan ang Nagluluto kapag tinatamad akong maghanda ng pagkain haha. Maasahan talaga si manang.

" Mam, si Ser Terrence ang naghanda sa inyo niyan."

" Ah- okay po. Asan po si Terrence?"

" Pomunta po sa taa--"

" Wife"

Napalingon ako sa likod at nakita ko ang asawa ko na naka ayos na, amoy na amoy ko ang panlalaki at mahahalin niyang pabango. Ngunit inaayos niya parin ang kaniyang Tie na gulo-gulo.

"Goodmorning"

" Goodmorning wife"

Lumapit  ako sakaniya upang ayusin ang kaniyang Tie, hinayaan niya naman akong galawin ito.

" How's your day?"

" Good "

Napangiti ito habang tinitignan ako.

" By the way wife, we will be having a family reunion, nextweek. Pupunta tayo."

Natigilan ako sa pag aayos ng tie niya. Lumungkut ang mukha ko. Naisip ko na, kung pupunta ako ay baka maka gulo lang ako sa pamilya nila. Nakakahiya, hindi pa ako tanggap ng magulang niya dahil sa nakaraan ko.

"Wife,  don't worry we'll fix this . Aayusin natin to."

" Baka kasi magkagulo dun kung pupunta pa ako"

"don't be scared. I'm here okay. Hindi kita hahayaang masaktan okay?"

Napatango naman ako. Tinanggal niya ang kamay ko sa kaniyang dibdib, at kinuha niya ang ulo papunta sa kaniyang dibdib at naramdaman ko ang malambot at mainit niyang labi sa aking noo.

The Brave WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon