CHAPTER 4

112 4 0
                                    

" Mang Lando pakihanda na po ang kotse"

" Yis Mam!"

Sabi ko kay Mang Lando habang nag aayos ako ng sarili sa kwarto. Dadalhan ko na kasi si Terrence ng pagkain, sabay na rin kami kakain sa office niya dahil namimiss niya na daw agad ako.Ang landi talaga ng asako.Pagkatapos ko ayusin ang sarili ko ay tumingin ako sa orasan.

10:47

Maaga pa naman kaya gagawin ko na ang kailangan kong gawin atsaka hindi naman gaanong traffic dito. Naglabas ako ng Lipstick at pinahid ito sa labi ko. Napangiti ako sa ginawa ko, ang tagal ko ng hindi nasubukan ito.

Ngunit unti unting napalukot ang mukha ko ng makita ko sa salamin ang dating ako.

Isang Riza Martinez ng nakaraan. Isang babae na walang kwenta. Isang Riza na  masamang tao.Naaalala ko nanaman ang mga nakaraang nangyare sa buhay ko na matagal ko ng pinagsisihan.

Kaya kumuha agad ako ng panyo at inalis ang liptsick na ginamit ko kanina. Unti-unting sumungay ang mga luha sa mga mata ko.Mga simpleng bagay na nakakaala ng dati, sobrang lakas paren sakin.

" Mam handa na po ang ang sasakyan"

Tumango ako kay mang Lando at  tumingin ulit  sa salamin, pinilit ko ulit ibalik ang pagiging masaya. At pinunasahan ang luha na dumaloy sa pingi ko.

" Susunod po ako"

***

Nagsimula ng paandarin ni mang lando ang kotse, at nandito lang sa likod na. Minasmasdan ang paligid at ang mga tao na lumilihis sa aking mga mata habang minamaneho ang sasakyan.

Sana ganito nalang ang buhay, yung walang problema. Laging masaya . .

Nagulat ako ng tumunog ang Phone ko. Ang asawa  ko siguro to. Pero nagkamali ako

+369476******

Star coffee, 11:15 am.

Unknown number

Bigla akong kinabahan. Nagsisimulang mamawis ang kamay ko at hindi makapali, hindi ko naman kilala kung sino ang nag text pero parang ang lakas ng pakiramdam ko na siya yon.

Who are you?

Balik ko  sakaniya. Mas magandang itanong ko muna sakaniya kung sino siya baka nagkakamali lang ako at niloloko lang ako , baka isa itong modus. Ngunit ang lakas ng pakiramdam ko.

Kung siya man ito ay ayaw ko na ng kahit anong kumunikasyon sakaniya. Hindi na mauulit ang dati. Hindi na ko papayag na guluhin niya ulit buhay ko.

+369476****** 

Kilala mo ko . Isa. 

Mas lalo akong kinabahan sa  tinext niya.

+369476****** 

Magkita tayo.  

Mga ilang minuto akong nakatitig sa phone kung susundin ko ba siya o hindi. Pero may pumipilit saakin na sundin ko siya, kahit isa siyang delikadong tao parang gusto ng  isip ko na pumunta sa lugar nayon kung saan gusto niyang makipag kita.

Kahit anong mangyari magtatagpo't magtatagpo parin kayo . . .

"Manong pwede po bang dumaan muna tayo sa coffee shop?"

Agad namang tumango si manong at tumungo na sa coffee. Sinabihan ko muna si manong doon muna iparking ang kotse at maghintay muna saglit.

Mga ilang hakbang mula sa pintuan ay tumigil muna ako at bumuntong hininga at pinilit kong itatak sa sarili ko na magiging okay ang lahat. Binuksan ko ang pinto.

Nabungaran ko ang mga kaunting  taong naka upo at ang iba ay nagtatawanan at naglalakad. Pero hindi yon ang hinahanap ng aking mga  mata.

Umupo muna ako sa sulok ng kwarto at kinuha ang phone ko at tinext siya.

Nandito na ko.

Isesend ko na sana ng may maramdaman ako. Parang may ibang presensya na bumalot sakin. Nandito na siya, alam ko dahil ang presensya niya ay kakaiba  at alam kong nandito na siya dahil nararamdam kong kumukulo ang  dugo na bumanalatay sa aming dalawa.

"Long time no see, my little sister"

CORAXZON













The Brave WifeWhere stories live. Discover now