CHAPTER 9

99 2 0
                                    


Humangos ako papuntang hospital, nag patulong ako kay mang lando na makapunta sa bataan. Sobrang kaba ko, hindi ko na alam ang pinaggagawa ko. Muntik na nga akong madapa dahil sa sobrang pagmamadali papunta sa kinaroroonan ni Terrence.



Paano kung may mangyaring masama sakaniya?



Paano kung hindi ko na siya makita pa?



Kung ano-ano ang pumapasok sa utak ko. Mga bagay na makakasira samin Terrence.


Diyos ko sana walang masamang mangyari kay Terrence, marami pa kaming kailangan gawin sa buhay. Kailangan pa namin mag sama habang buhay. Lord please, save him...


Nang maka hakbang ako sa hospital na kinalalagyan ni Terrence ay nagmadali ako pumunta sa may nurse kung saan ang room ng asawa ko. Tumakbo ang tumakbo patungo sa elevator ngunit nag sisiksikan na at wala ng space kaya wala ng choice kundi maghandanan na lang.



Para sa asawa ko..


Mabilis kong hinakbangan ang hagdanan, sobrang hingal na hingal na ako at pagod na pagod ngunit patuloy pa rin ako sa paghakbang at pagtakbo . Kahit na ikakasama ko to. Pero mas lalo akong kinabahan ng makapunta na ako sa kwarto ng asawa ko ay may dalawang rebulto akong nakita.


Pagkaraan ay may lumapat na palad sa aking mukha. Na ikina bigla ko naman.


Pak!


Isang nakakabinging tunog ang namayani sa paligid.


Nabungaran ko na ang dalawang rebulto na nasa harap ng kwarto ni Terrence ang kanyang ina si Mrs. Montecillo kasama ang kanyang isang bodyguard.


Katahimikan lang ang bumabalot sa aming paligid. Hinihintay kong magsalita siya. Sobrang sakit ng sampal niya saakin ngunit hindi ko iyon inintindi sa halip, ang sobrang sakit para saakin ay ang hindi niya pagtanggap sakin bilang asawa ni Terrence.


" Wala kang kwentang asawa"


Biglang may tumusok sa aking puso na ikina luha ko. Gusto ko ng humikbi ngunit pinipigilan ko lang. Masakit para saakin na sabihan ako ng ganung bagay, dahil ginagawa ko naman ang lahat para maging mabuti akong asawa kay Terrence.


" Kung hindi sumama sayo si Terrence ay hindi siya magkakaganto"



"Sorry po"



" Sorry? SORRY LANG?! Buti nga't galos at pasa lang ang natamo ng anak ko pano pakaya kung naging masama ang lagay niya?! Ang sasabihin mo rin ay sorry? What a irresponsible wife!!"


Mas lalong dumaloy ang mga luha ko sa pisngi. Siguro tama lang na napagalitan niya ako dahil paubayang asawa talaga ko, sobrang baba na ng tingin sa aking sarili.



Isang bagay na ngalang ang na kailangan kong gawin sa aking asawa , ang alagaan siya. Pero hindi ko pa magawa..


"Mom"


Isang baritanong boses ang narinig ko.



Nakita ko si Terrence na nakatayo sa pintuan, meron siyang cast sa kanyang braso at mga pasa, nakita ko rin na hawak niya ang kanyang IV na nakaturok sa kanyang kamay.




" Terrence"



" Terrence please rest, you're still weak" Mrs Montecillo



" We're going home now"


Bahagya akong hinila ni Terrence ngunit mahina pasiya at pa ika- kaya pinigilan ko muna siya.


"Hindi ka uuwi sa babaeng yan!!"


" What the Fuck?"


Nagulat ako sa kanyang sinabi kahit na ganito ang kalagayan ng asawa ko at nagagawa nya paring mang angas


"Terrence you out of your mind! tingnan mo ang nagawa ng babaeng yan sayo? She's careless to you!"


" Then what about you?"


Napatigil ang mama ni Terrence


Pinisil ko ang kamay ni Terrence ngunit hindi siya umalma, kahit ganoon ang trato ng mama niya saakin ay dapat may respeto parin siya dito. Minsan na kasing nai kwento ni Terrence ang tungkul sa mama niya, minsan lang ito umuuwi ng bahay pupunta lang kung may emergency.


Siguro narin ay nag tatampo siya rito.



"Mom I love Riza she's the one who filled your love that you should, so don't blame her because you are the one who neglected me in the first place!"



Tumahimik si Mrs. Montecillo at kita sa kanyang mukha ang pag ka Guilty at pagkalungkot sa sinabi ng kanyang anak.



" Mom, Riza is my home now and you are never gonna change that"


CORAXZON

The Brave WifeWhere stories live. Discover now