CHAPTER 5

112 3 0
                                    

"Long time no see, my little sister"

Naglakad siya sa harapan ko at umupo. Nag iba na siya, hindi na siya yung dating Yna Martinez na kilala ko. Hindi na siya ang ate ko

Umiba ang muka niya, may nakaukit na sakanyang mga balat at may halong kulay narin ang kaniyang buhok. Makakapal na make up ang tumatakip sa kanyang mukha na nagpapahiwatig saakin na kung gaano ka tapang ang kanyang mukha.

"What do you want?"


Agad naman siyang napahalakhak, hindi ako umimik nanatili akong tahimik sa harapan niya at naging matapang. Hanggang pahina ng pahina ang tawa niya nanatili parin akong tahimik.

"Hindi mo manlang ako kakamustahin? kung okay lang ako? C'mon Isa we're sisters!"


" Your not my sister anymore.Hindi na ikaw ang Yna na nakilala ko. Isa ka ng demonyo ."

Pero imbis na magalit siya, ngumiti pa siya lalo na ikinainis ko. Demonyo talaga siya.


"So what do you want?"


"Gusto ko lang kamustahin ka masama ba yun?"



" Okay lang ako. Okay lang kame ng asawa ko."



"Haha! So asawa mo na pala siya ngayon? Well . . .Congrats!"

"So did he knows your past? i bet no. Dahil hindi ka nila tatanggapin dahil sa--"




"Nakaraan na yon ate at pinag sisisihan ko na yun. Pinagsisisihan ko na sumama ako sayo. Dahil sayo nag kanda leche-leche buhay ko."



"Hah! Isa. Wala ka rin namang choice kundi sumama saakin dahil wala ka ng aagapay sayo."



" Kaya nga pinagsisihan ko na eh. Sana hinayaan mo nalang akong mamatay sa gutom kesa-"



"Sweetie, hindi mo makikilala ang asawa mo kung hindi ka sumama saken."

Napatingil ako. Tama siya. Napairap ako ng ngumisi siya saakin na para bang ang laki ng tulong na ginawa niya sa buhay ko.



" So, alam niya ba?" lumaki ang ngiti niya na parang nang aasar.



" Alam niya lahat ng tungkol sakin"

Sandaling napatigil ang pag uusap namin. Tinitigan niya ako ng matalim na para bang may gagawin siyang masama siyang gagawin. Kilala ko ang ate ko, mahirap siyang kalabanin.Gagawin niya ang lahat, makuha niya lang ang gusto niya.

Pero nagulat ako ng magbago ang mukha niya.Kanina para siyang tigre na mangangain,ngayon biglang nagbago. Naging maamo ang mukha at parang may gusto pang sabihin.

Pero hindi na ako nag atubili pang kausapin siya.Mabilis kong kinuha ang bag ko .

" Yan lang ba gusto mong malaman? Aalis na ko."

Akma na akong aalis ng mag salita siya. Napatigil ako sa pag lalakad. Biglang ng init at nanginig ang buong katawan ko dahil sa mga sinabi niya. Mga salitang ayaw kong marinig sa tanang buhay ko.

"Iiwan ka rin niya"

Pinaka masakit na salita ayaw marinig ng tenga ko mula sa kaniya. Lumihis ako sakaniya,mas kumabog ang puso ko dahil ibang Yna ang nasa harapan ko ngayon. Parang si Yna na ate ko, noong walong sampung na ang nakakaraan. Nakikita ko sa mga mata niya ang sinseridad at pag aalaga saakin.

Napatawa ako sa sinabi niya.

"Anong karapatan mong husgahan kami. Kapatid lang kita"

"Oo nga kapatid kita,kaya kahit anong mangyari hindi kita hahayaang masaktan"

"Hindi  ako sasaktan ni Terrence! Staka ano bang pinagsasabi mo? diba ikaw ang dahilan kung bakit kami ni Terrence ngayon?"

"Hindi ako, Siya! LIZA BINILI KA LANG NIYA!"

"Ginawa niya yon dahil sayo! Dahil sa pinag gagagawa mo sakin!"

"Liza, ginawa niya yon dahil may kailangan siya sayo.At ngayong nakuha na niya, alam kong may gagawin siyang masama sayo"

Pinigilang kong mag salita. Dahil kapag nagpatuloy pa ito lalo pang gugulo ang buhay ko. Alam ko namang nag sisinungaling lang siya, dahil gusto niyang guluhin kami ng asawa ko at hindi ako papayag don.

Napasinghap ako ng kinuha niya ang kamay ko at may nilagay doon. Isang card kung saan nakasulat ang number at pangalan niya doon.

"  Just call  if  you need me "

Hindi ako nag salita. Nilagay ko sa bag ko ang card, tumalikod sakanya at umalis.

" Tandaan mo Isa, kapatid mo parin ako at hindi magbabago yon"



CORAXZON

The Brave WifeWhere stories live. Discover now