Idinilat ko yung mata ko at naka kita ako ng iba't ibang kulay..

Teka...

Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko si Jimin na naka bagsak yung ulo sa table..

Shit!

Kinuha ko yung phone sa bulsa ko at umaga na! Napa mura uli ako bago ko nilagay uli yung phone sa bulsa ko at ginising si Jimin.

"Pre, gising! May pupuntahan pa tayo debut!" Sabi ko at triny siya ibangon.

Dumilat siya, kumurap kurap tapos ay natulog uli.

"Aish! Ano ba!" Irita kong sigaw kasi papatayin talaga ako ni Jennie pag hindi ako dumating doon.

"Shhh! Wag ka ngang maingay nakikipag tagay pako sa mga kalahi mo!" Sigaw niya, mga ilang segundo pa ay narinig ko na siyang humihilik.

Argh!!

Pilit ko parin siyang binuhan at nilagay yung braso niya sa balikat ko para hindi siya mahulog.

"Pasalamat ka kaibigan kitang gago ka." Inis ko na sabi sakanya. Narinig ko namang tumawa siya.

***

Jennie's POV

Pag kadating namin doon ay 7 na ng gabi. Napa aga kami ng isang oras.

Sa 24th floor ang venue. Yun ang pinaka mataas na floor dito sa building.

Pag kadating namin sa venue ay agad na hinanap ng mata ko sila Taehying o dikaya si Lisa.

Nakita ko si Lisa na kumakaway na naka upo sa isang table kasama yung iba... Naka black dress din si Lisa..

At halos makompleto na yung mga bisita dito...

Pero...

Asan na si Taehyung?

Umupo ako sa tabi ni Lisa at ganon din si Jisoo.

"Asan si Taehyung?" Tanong ko.

"Hindi naman alam eh, siguro kasama niya si Jimin." Sabi ni Lisa at nag kibit balikat. Oo nga..

Wala din kasi dito si Jimin..

Kunuha ko yung phone ko at tinawagan si Taehyung pero naka patay at yung phone niya.

Nag simula na kong kabahan dahil wala parin siya... Gusto ko na siyang makita..

Napatingin ako kay Lisa ng bigla niyang itap yung balikat ko.

"Don't worry... Dadating dim 'yon.. Trust me.." Sabi niya. Nginitian ko nalang siya.

Binaling ko nalang ang atensyon ko sa buong venue at maganda naman ang theme ng debut niya...

May nakita din ako na ka classmate namin... Yung iba naman ay kaibigan ni Fiona...

Napa tingin naman ako sa malaking chandelier na nasa gitna sa may dance floor..

Siguro doon isasayaw si Fiona pag oras na ng 18 roses niya.

Nakita ko sa invitation na kasali si Taehyung sa 18 roses... Nasabi din kasi sakin nila Jisoo na crush daw ni Fiona si Taehyung..

Pero hindi man lang ako nag selos...

Hindi ako nag selos..

Kasi alam kong ako yung mahal niya...

Mga ilang oras din ako nag hintay bago may nag salita at nag pakilala siya, sabi niya na siya daw ang mag hohost sa debut ni Fiona at mag sisimula na 'to ng mga ilang minuto..

"Oh pre!"

"Nandito na pala si Taehyung eh."

Nakita ko siyang umupo sa tabi ko at hingal na hingal at inayos pa yung damit niya.

"Asan ka nag punta?" Hindi ko maiwasang hindi mairita ng tanungin siya dahil nag alala ako.

Ayoko...

Ayoko ko kasing nag aalala sa kanya.

"Sorry, hinatid ko pa kasi si Jimin sa condo niya." Sabi niya pero napa kunot yung noo ko.

"You've been to a bar?" Tanong ko dahil amoy ko sakanya ang pinag halong alak at pabango.

"Si Jimin kasi.." Sabi niya at napa kamot sa batok niya...

"Asan nga pala si Jimin?" Tanong ni Hoseok.

"Uhm.. Nalasing kasi siya kagabi.. So may hangover pa siya ngayon.. Kaya hindi siya makakapunta." Pag papaliwanag samin ni Taehyung..

Natahimik uli kaming lahat ng mag salita yung host..

"Kindly all rise..." Sabi niya kaya nag tayuan kaming lahat...

Biglang bumukas yung pinto at nakita namin si Fiona... Naka white gown siya at nakapusod yung buhok niya...

Ang ganda niya.. Ngayon alam ko na kung bakit black ang pina suot samin..

Although ang weird parin kasi nagets ko na black and white ang theme...

Lahat kaming guest ay naka black at si Fiona lang ang naka white..

Lahat ng mata ay nakatingin sakanya kahit ako..

Hindi ko maalis ang tingin ko sakanya..

Siya lang ang naiiba..

WHISTLE (BTS X BLACKPINK FF)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt