Paper Planes XXIX

Start from the beginning
                                    

"Okay so hihintayin lang natin gumaling si Ly tas yun na." Gretch.

"Salamat guys. Kinakabahan na'ko." Sabi ni Vic.

"Kaya mo yan." Sabi naman ng lahat kaya napangiti si Vic.

-----

Nakalabas na sa ospital si Kian kaya nakauwi na silang dalawa ni Nanay Celia. Masaya ang tatlo una dahil magaling na si Kian, pangalawa, dahil makakakain na sila ng matinong pagkain.

Si Aly naman todo asikaso kay Kian pagkauwi nito, pinatitigil lang siya nila Nanay Celia at pinakakalma.

-----

"Ly pansin ko lang. You're not playing paper planes anymore." Sabi ni Laura sabay tingin kay Aly na nakasandal sa gilid ng pinto ng locker room at napatingin din dahil sa sinabi niya. Si Laura naman ay ni-zipper na ang bag niya at isinukbit na ito sa balikat niya. Napaiwas naman ng tingin si Aly.

"You noticed." Sabi ni Aly at lumapit na sa kanya si Lau. Umayos na ng tayo si Aly.

"Well, everyone does. Unusual kasi. Can I ask why?" Tanong ni Lau at lumabas na sila sa locker room. Naglakad na sila para lumabas ng gym.

"Uhm." Sabi ni Aly na nag iisip ng dahilan.

What should I say? Oh I stopped playing it because it reminds me of my revealed secret. Or that Dennise made me hate it. Or puberty hit me and made me realize it was too childish.

Damn thoughts.

"Hmm?" Naalala naman niyang may kasama pala siya kaya nag-isip ulit siya ng pwedeng idahilan.

"Uhm. Medyo naging busy kasi ako kaya uhm di na'ko nakakalaro non." Sabi na lang niya. Mental facepalm.

Seriously Ly? Are you that too busy that a minute making a paper plane is a hard thing to do? Lame excuse.

"Yeah?" Tanging nasabi ni Laura then she giggled. Maybe trying not to laugh at Ly's lame excuse.

"A-ah o-oo." Sabi na lang ni Aly at nahihiyang tumawa. Laura chuckled.

"Par!" Parehas naman silang napatingin sa tumawag. Si Vic, patakbong lumalapit sa kanila. Kasama nito si Sheila. "Oh hi Lau."

"Hi Vic." Nakangiting bati naman ni Lau.

"Pauwi na kayo? Gusto niyo bang samahan kaming kumain?" Tanong ni Vic.

"Hi Sheila." Aly and Lau.

"Hi guys." Nakangiting bati naman ni Sheila.

"Sure Vic." Sagot naman ni Laura habang nakangiti pa rin at tumingin kay Ly.

"S-sige."

-----

Kelan nga ba 'ko huling gumawa ng paper plane?

Nasa kwarto na niya si Aly at nakaupo sa harap ng study table niya habang tinitignan ng masinsinan ang garapon niyang puno ng maliliit na paper planes.

"You keep reminding me of Dennise." Kinakausap niya ang garapon na parang may buhay ito at sasagot. "And bakit si Den pa." Yamot na sabi niya.

Hinawakan niya ang garapon sa takip at kinuha. Inikot niya ito upang makita ng buo. Akmang bubuksan na niya ito nang tumunog ang phone niya na nasa table din. Ibinalik niya ang garapon sa sulok ng study table niya at kinuha ang phone niya. Nagmessage si Vic kaya binuksan niya ito.

From Vic:

Salamat sa pagsama niyo kanina Par. Kinakabahan talaga ko pag kasama ko si Sheila dahil sa plano ko.

Paper Planes (AD) [COMPLETE]Where stories live. Discover now