Chapter 11

885 28 0
                                    

Keji's P.O.V.

"Ayos lang Boss. I promise to myself that I'll do everything to protect you and to keep you safe hangga't hindi pa nalalaman ang mga nagpapadala sa inyo ng threats." nakatingin lang siya sa mga mata ko habang sinasabi iyon. Damn it! Bakit kabilis ng tibok ng puso ko? Hindi pwede ito! He's a man for pete's sake.

"Ah. Ehem. Thank you for saving me. Tara na, uwi na tayo. Magpahinga ka na rin." nauna na akong tumayo at naramdaman ko namang sumunod siya. I don't know but... Kanina labis ang kaba ko noong nakita siyang nakikipagpalitan ng putok. Para akong mamamatay sa sobrang kaba. I hate the feeling. The last time I felt it was the time na kinuha si Ariela sa amin. And again... I feel useless.

"Ah Gary may itatanong lang sana ako sa'yo." pigil ko sa kaniya ng pupunta na siya sa kaniyang silid.

"Ano iyon Boss?" napakunot ang noo ko sa boses na gamit niya. Alam kong inaantok na siya dahil bakas iyon sa mukha niya.

"Ah. B-bukas na lang. Mukhang pagod ka na. Take a rest for now Gary."

"Silly. Mamaya Boss ang sabihin mo, ilang oras na lang sisikat na ang araw. Sige po una na ako." naglakad na siya ngunit huminto rin at lumingon sa akin. Nakapikit ang mata niya at nakangiti siya.

"GoodMornight Boss..." What the fuck. He sounds so... girly. Hindi manly ang boses niya, walang halong lamig ito kung hindi puno ng lambing. Damn it! What the hell are you doing to me Gary!

I woke up because of the sunlight streamed through the window. Hindi naman nito natatamaan ang kama ko pero dahil na rin sa repleksiyon ng makinis na tiles ng aking silid. I glanced at the clock on the wall.

"Argh... " Alas diyes na ng umaga. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin.

GoodMornight Boss...

"Damn!" What's with him? Bakla ba 'yun? At bakit ganito ang pakiramdam ko! This... I should feel this feeling towards Althea. But... I couldn't. And honestly speaking, wala na yung same attraction na nararamdaman ko kay Althea gaya noong mga bata pa kami. It's this because I used to call her Ariela? Argh. No... Maybe puppy love lang yung noon or ngayon? Aish ewan!





"Goodmorning Hijo, sandali at ipag-iinit kita ng makakain." bungad sa akin ni Nanay elsa nang pumunta ako sa kusina.
"Salamat po." umupo ako sa isang stool at hinintay siyang matapos.

"Si Gary po?"

"Pumuntang KID kaninang mga alas otso. May imemeet daw siya." Bakit hindi man lang nagpaalam sa akin?

"Ginising niyo ho sana ako, Nay." nilagay niya na sa harap ko ang mga ukam at pinagsandok ako ng kaninn. Nagpasalamat naman ako.

"Ayaw ka niyang abalahin kasi alam niyang pagod ka." Pero bodyguard ko siya!

"Alam niya naman pong delikado ang buhay ko, dapat nandito lang siya sa tabi ko."

"Ah. Iyon ba? Siniguro niya namang ligtas tayo dahil may dalawang pulis na nakabantay dito sa loob bukod pa sa mga bodyguard mo."

"Pulis?"

"Bago siya umalis, may dalawang pulis siyang kinausap. Yung isa... Mukhang tomboy ata. Tapos yung isa lalaki. Nagtatrabaho daw ito sa ninong niya. Nasa hardin yung isa samantalang nasa may entrance yung isa pa." pagkasabi niya nun ay umalis na siya at iniwan ako dito. Pagkatapos kong kumain ay tinawagan ko si Gary.

"Hello?" Sinagot niya na yung tawag pero hindi man lang nagsalita.

"Op? Boss? Napatawag ka?"

"Bakit hindi ka man lang nagpaalam?"

"I'm sorry Boss. Ayaw lang kitang gisingin kasi alam ko namang pagod po kayo."

"Where are you?"

"Nasa KID, Boss."

"Why are you there?"

"Ah-Ahm. You know, something happened to me and Gale. I just want to talk to her in person and fix this mess." Napakunot ang noo ko. Ganito kaaga pupuntahan niya? Pwede niya namang tawagan na lang. Alam niyang delika--. Nag-iwan naman siya ng pulis Keji! Ano ba iniisip mo!

"Okay. Be in my office exactly 1:00 pm."

"Boss, mas okay po ata na hwag muna kayong pumasok ngayon. Palamigin niyo na muna yung sitwasyon. Bukod po doon, baka sugurin kayo ng media sa kompanya." suhestiyon niya. Oo nga. What the hell is happening to me? Ni hindi na ako makapag-isip ng maayos!

"Boss?"

"Ah okay. Anyway, may itatanong sana ako sa'yo pero mamaya na lang pagdating mo. Bye." Hindi ko na siya hinnintay pang sumagot at pinutol na ang tawag. I called my secretary and told her to cancel all my meetings and other appointments today. Sinabi niya ring may media ngang naghihintay pero nandoon naman daw si Chief Dela Nueva and handled the media properly. I wonder why he's there. Pero baka hinahanap ako. Nang matapos ang tawag ay biglang nagring ang phone ko.

Althea calling...

"Hey..." I answered.

"Hon! How are you? I heard about what happened to you last night!" naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya.

"I'm fine, Gary saved me."  napangiti na lang ako sa kaastigan niya kagabi pero hindi pa rin nawawala yung kabang nararamdaman ko. Althea wants to go here pero hindi niya magawa kasi daw may imemeet siya ngayon. I told her its fine. Then after how many minutes, I ended the call.

Habang hinihintay si Gary. I mean habang wala akong ginagawa and I'm too lazy to do office works I decided to go to my painting room. Nakausap ko na rin ang dalawang pulis at sinabing kaibigan daw nila si Gary at dapat ay kasama na rin sa trabaho pero ayaw daw kasi ng tatay nito na magpulis siya.

Pagkapasok ko dito ay kaagad kong natanaw ang magulong silid. Sa isang malaking cabinet, nandoon ang mga canvas, paints, paint brushes at iba pa na hindi pa nagagamit. Sa sahig naman ay nagkalat ang mga paint brushes na siguradong matigas na at hindi na magagamit pa, nandoon rin ang mga paint na ubos na. Ang mga natapos ko naman na paintings ay nakasandal sa pader oh di kaya ay nakasabit. I'm planning to have an exhibit pero masiyado pang magulo ang sitwasyon para doon.

Nilinis ko ang silid at nilagyan ng panibagong mga diyaryo ang sahig. Tinapon ko na rin ang mga hindi na kakailanganin pa. Nang matapos ay bumaba ako upang kumuha ng meryenda at kaagad ding pumanhik dito sa painting room. After my snack, I decided to paint something... new. Puro abstract kasi ang paintings ko. Sinimulan ko na hanggang hindi ko na namalayan ang oras.

"Forlorn."

"Jesus Christ!" I whispered then I sighed. Mabuti na lang at tapos ko na. Tinignan ko siya ng masama pero kaagad ding nawala nang makita ang cast niya sa kamay. Nakasandal siya sa pader at lumapit dito.

"Are you trying to kill me?" I hissed. He grinned.

"Why? You afraid? Over reacting ka Boss." napakunot lang ang noo ko. Sino ang hindi magugulat kung may bigla-biglang magsasalita habang nakatulala ka. "Forlorn Ayun ang perfect title ng painting mo." sabi niya.

"Forlorn?"

"Yes. Your painting explains why." Napatingin naman ako sa painting ko. Isang batang lalaki na nakatingin lamang sa kalangitan habang nakaupo sa swing sa isang playground.

"The painting speaks about a kid being sad and lonely.  Being left by someone and nearly hopeless that, that someone will never come back again." napatingin ako sa kaniya. Kaagad din akong umiwas nang malamang napakalapit niya. Pumikit ako at nilanghap ang amoy niya. Damn! He smells something. Napakafresh and sweet at the same time. What the hell is happening to me?





Purpleskyempress

That WomanWhere stories live. Discover now