Chapter 2

1.8K 43 7
                                    

Maagang nagising si Gary at naghanda para sa kaniyang trabaho. Nakapagtapos naman ng kolehiyo si Gary sa kursong HRM. Pinag -aral siya ng kaniyang ama nung nabubuhay pa ito. Noong nakapagtapos naman na ay kaagad siyang naghanap ng trabaho upang sana'y makatulong sa ama ngunit sakto namang pinaslang ito. Naging Manager siya sa isang Food Chain sa karatig bayan habang nag-aaral ng Culinary. Sa gabi nama'y isa siyang Bartender at kapag walang ginagawa ay isang kusinera sa karinderya ni Aling Ana. Hindi alam ng mga kabaranggayan niya na siya'y may maayos na trabaho. Ang alam lang nila ay kung ano-anong raket ang sinusubok nito kaya palaging wala.

Maya-maya pa'y may tumawag sa a kaniya.

"Hel--" ngunit kaagad 'ding pinutol ng kausap.

"Honey sorry na ple--" at kaagad niya din namang pinutol.

"Wag mga ako ang landiin mo!"sigaw niya sa kausap. Ito ay ang long time na may hard desire sa kaniya na promo girl sa pinapasukang bar. Kaagad niya ring pinatay ang tawag.

Ngayon,siya'y isang Chef sa isang Cafe and Restaurant sa karatig bayan.At tanging ang may-ari lamang ang nakakaalam nito. Buong lugar at mga costumer ng KID O Kapeng Ibibigay ng may Desert Cafe and Restaurant ay nahihiwagahan sa pagkatao ng Chef at Baker ng KID. Tinatago niya ang kaniyang pagkatao dahil... Trip niya lang. Ang may ari naman ay kaniyang matalik na kaibigan at ang nakakaalam sa kaniyang tunay na pagkatao.

Sinuot niya ang dapat na isuot at itago ang mga dapat itago. Nang matapos ay kinuha niya ang checkered na long sleeves at sinuot. Hindi niya na ibinutones upang makita ang printed na superman sa tshirt na panloob. Kinuha niya ang kaniyang helmet at lumabas na ng kaniyang bahay. Ang bahay niya ay di gaanong kalakihan. May dalawang kwarto,isang banyo. At mga nasa 300 square meters naman ang lawak ng kinatatayuan ng kanilang bahay. Kinuha niya ang kaniyang Rider at lumabas na. Nagtilian naman ang mga kababaihan ng makita siya.

Ang iingay talaga ng mga babae. Akala mo hinihila yung singit nila. Tss.

Nang makasigurong nakalock na ang gate ay umalis na siya at pumunta na sa KID. Ang Alam ng mga empleyado dito ay kasintahan siya ng may-ari. Bihira lang siyang makita ng mga empleyado dahil hindi naman ito lumalabas sa opisina nila ni Gale,ang kaniyang kaibigan.

Pinarada niya ang motor sa parking lot at pumasok sa KID dala ang helmet.

"GIIIIIRLIEEE mylaaabs!"salubong sa kaniya  ni Gale nang makita siya.

"Ayiiie! Nandiyan na si Gary mylabs ni Ma'am!" pansin naman ng crew sa counter ng nakita ito.

"Nagkiss pa!"

Kunwari nama'y hinalikan siya ito. Diring diri naman si Gary sa inaakto ng kaibigan. Inangkla pa nito ang kamay sa braso niya. Di niya na lang pinansin at pumunta na ng opisina.

"Kadiri ka Gale! Ako nga eh tigil-tigilan mo sa kahibangan mo!" At iniwan na niya ito at pumunta sa pribadong kusina na nakakonekta sa talagang kusina ng KID. Ngunit sinundan naman siya ni Gale.

"Hahaha. Paanong 'di mandidiri eh ka-babaihan kita! Tapos crush ka pa ng mga empleyado ko. Umamin ka na kasi! Tomboy ka no?"

"Kahit kailan talaga bwisit tong babaeng to!" Sinuot niya ang proper attire ng isang Chef.

"You're fired!"

"Really?"malumanay niyang tanong sa kausap at tinrap ito. Nilapit niya ang mukha dito.

"Yaks Gary! Hindi ako Aiza Seguerra!" Marahan niya namang tinulak ang kaibigan at humalukipkip sa harap ng kaibigan.

"Pero kamukha mo si Charice!"tatawa-tawang asar nito.

"Pempengco?"nakasimangot niyang tanong.

"De Belen! Hahahahahahahaha!"

"Janice 'yon! I hate you!" At nagmamartsang lumabas ng kusina. Si Gary naman ay natatawang sinimulang magluto.

That WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon