Chapter 7

995 31 5
                                    

Nandito ako ngayon sa labas ng mansiyon, pinapanood ang mga taong nagtratrabaho. Paniguradong maraming dadalo mamaya at hindi na ako magtataka kung puro politiko ang mga ito. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya kanina, matapos kong malaman yun ay nagpaalam akong mag-ccr muna. Pero ang totoo hindi ko na kayang pigilan ang mga naramdaman ko. Pagpasok ko sa banyo, tuloy-tuloy lang ang luha na umaagos sa mukha ko. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Lungkot. Takot. Galit. At matinding pagtataka. Sigurado akong ako ang anak niya. Kahit papaano ay unti-unti ko ng naaalala ang mga ala-ala kasama siya, maliban lang kung ano ang nangyari noong nakidnap ako ng hayop na Eduardo na 'yon. May mga gabi na binabangungot ako o magigising dahil sa mga pangyayari noong bata ako. Sigurado ako na nanay ko siya. Ang pinagtataka ko lang, paano nangyari na si Althea ang nawawala niyang anak? Unang-una, wala akong makita na pagkakahawig nila at mukhang malayo ang ugali nila. Ma'am Suzanne is a serious and kind woman while Althea is like a spoiled brat and a bitch. Yeah! A fucking bitch! Sino siya para magpanggap na nawawalang anak ng nanay ko? Anong kailangan niya? Pera? My goodness!

"Kalma." Argh. Noah. Lumingon ako sa kaniya at mas kumunot pa ang noo ko. Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Mukhang may galit ka sa kung sino man ang iniisip mo. Nakakunot ang noo mo at malalim ang paghinga mo plus yung kamao mo mahigpit na nakayukom." paliwanag niya. Napataas naman ang kilay ko at unti-unting umangat ang sulok ng labi ko. Ibinulsa ko ang kamay ko at tumingin sa kulay putik niyang mga mata.

"Wow. Hindi ko alam na napaka-observant mo pala. Mukhang kanina mo pa ako pinagmamasdan." hindi siya umiwas ng tingin bagkus ay napangisi pa. He shrugged his shoulder before talking.

"I won't deny it. Nakuha mo na ang atensyon ko from the very start. Got to go." mas lumawak ang ngisi niya ng nakitang kumunot ang noo ko. Sinundan ko lang siya ng tingin nang may tumapik sa balikat ko.

"Alis na tayo." si Boss lang pala. Nauna na akong naglakad dahil busy siya kakakalikot sa sariling phone.

"Boss." tawag ko sa kaniya habang nasa biyahe kami pauwi. Lumingon naman sa akin at tinanong ako kung bakit.

"I assumed na maraming bodyguard mamaya, pwede bang hindi na ako sumama?" tanong ko sa kaniya at binalingan ng tingin. Nakita ko naman na nagtataka siya.

"Why?" he asked.

"Err... Monthsary namin ni Gale." What the fuck Gary?

"Oh. May girlfriend ka pala." sabi niya at napatango. "Okay you can go. You can use my car." sabi niya at tiningnan ang relo.

"Sige Boss, salamat." sabi ko at tinuon ang atensyion sa daan. Pagdating namin sa bahay ay naaubutan kong nagbabalat ng singkamas si Nanay Elsa. Nginitian ko lang ito ng makita ko at dumiretso na sa kwarto upang matawagan si Gale.

"Hi Beeeeeeeyb! Hmp! Bakit ngayon ka lang tumawag?! Nakakatampo ka ha!" napairap na lang ako sa kadramahan ng kaibigan.

"Be prepared Gale, I'll be there in less than 30 minutes." bago pa makasagot ito ay binabaan ko na. Tumawag ulit ito pero hindi ko na pinansin at nagbihis na. Bumaba na ako at nakasalubong ang amo. Ibinigay niya ang susi ng sasakyan.

"Sige Boss." Didiretso na sana ako nang magsalita si Keji.

"Just don't forget to use protection." biro niya. Napangisi naman ako.

"No need. I want it hot." umalis na ako at narinig ang tawa ni Keji. Napailing na lang ako at umalis na.

"Ang tagal mo." Andito ako sa loob ng kotse ni boss at hinihintay si Gale.

"Grabe! 10 minutes late lang naman." sigaw niya. Babae nga naman,oo. Ay. Babae din pala ako.

"Teka, saan ba tayo pupunta?" takang tanong niya.

That WomanWhere stories live. Discover now