Chapter 5

1.1K 33 6
                                    

...
Arci Muños as Gary!
...

Pagkagising ni Gary ay kaagad ginawa ang morning rituals. Naisipan niyang magsuot ng isang simpleng khaki shorts at pull over na may nakaprint na mickey mouse at pumunta na sa baba. Naabutan niya ang isang katulong na may katandaan na at abala sa pagtingin kung anong maaating lutuin. Napansin naman ang kaniyang pagdating.

"Hija--ay Hijo,akala ko babae ka. Nagugutom ka na ba? Magluluto pa lang sana ako." Sabi nito at namutla naman ang kausap. Huminga ito ng malalim bago nagsalita.

"Ako po si Gary,Nay. Bago pong bodyguard ng konsehal." Magalang niyang pagpapakilala.

"Tawagin mo na lang akong Nanay Elsa,ako ang katulong ni Keji simula pa bata siya. Anong gusto mong kainin Hijo?" Tanong niya.

"Mukhang marami pa ho kayong gagawin,Nay. Ako na po ang magluto." Alok nito.

"Oh sige. Ikaw na ang bahala. Hindi naman mapili ang alaga ko. Timplahan mo na lang siya ng kape. Ako'y mauuna na at pupunta pa akong tutulong na mamalengke dahil may salo-salo mamaya sa mansiyon nila Ma'am Suzanne." Banggit nito at tinanggal na ang apron at binigay kay Gary.

"Ah-ahm... Nay,bakit po sila naghiwalay ni Gov. Eduardo?" Takang tanong nito. Kumuha naman ng tubig ang kausap bago sinagot. "Confidential ito... May isa pa kasing anak si Ma'am Suzanne,babae. Ay mali! Ayun ang kaisa-isa niyang anak." Sabi ng matanda at uminom muna bago nagpatuloy.

"Si Sir Edgar,pamangkin niya iyon. Ulila na ang bata kaya ito ang tumayong magulang niya. Mahal na mahal naman ni Sir Eduardo si Ma'am Suzanne kaya tinanggap niya ito. Pero bago iyon, nagpakasal ang dalawa ng hindi mahal ang isa't isa. May mahal si Ma'am,si Sir Garry,kapangalan mo pa ano? Isa itong anak ng yumaong senador. Nagmahalan ang dalawa kahit na hindi matanggap ng magkabilang panig ang relasiyon. Hindi iyon matanggap ni Sir Eduardo kaya siniraan niya si Sir Garry, sinabing may naanakan ito dahilan ng hiwalayan ng dalawa. Tinago ni Sir Eduardo si Ma'am Suzanne dito at napagtantong nagdadalang tao si Ma'am kaya kaagad silang nagpakasal at pinalabas na anak ito ni Sir Eduardo. Pero isang araw,nawala ang bata. Usap usapan noon na pinapatay o winala ito ni Sir dahil hindi niya matanggap kasi kahawig nito ang ama ngunit kaniya itong tinanggi. Ngayon,kaya sila nagkahiwalay kasi nalaman ni Ma'am na si Sir nga ang nagwala sa anak. Tinanggal ito ng LP dahil na rin sa maling pamamalakad." Mahabang kwento niya. Nakatulala lamang si Gary sa matanda.

"Nay... nasaan na ho si-si... Sir Garry?" Kinakabahang tanong niya.

"Ayon sa balita'y nasa ibang bansa ito. At yung sinasabing nabuntis niya daw ay asawa ng pinsan niya. Magkalapit lang ang dalawa dahil si Sir Garry pala ang pinaglilihian. Oh siya,mauuna na ako ha? Ikaw na bahala dito." Sabi niya at kinuha ang bayong. Napainom naman si Gary at ilang sandali pa'y naisipan ng magluto.

Hinahanda na ni Gary ang Petchay with Scrabbled eggs,bacon,at noodles nang bumaba na ang amo.

"Morning boss." Simpleng bati niya.

"Morning... Why'd you cook?" Takang tanong niya at umupo na sa silya. Nilapag naman ni Gary ang kape na kagaya ng best seller ng KID sa harap ni Keji. "Nanay Elsa went out." Simpleng sagot nito at pumuntang kusina.

"Join me!" Sigaw niya upang marinig ni Gary. Napansin niya kasing iisang plato lang ang nasa hapag. Sumunod naman si Gary sa utos nito.

"Same taste as KID's coffee huh?" Banggit ni Keji nang makahigop sa kape. "How'd you know it?" Tanong nito.

"I worked there. Kaya nakuha ko na yung timpla." Sagot niya habang naglalagay ng pagkain sa plato."Who's that mysterious chef?" Tanong nito bago isubo ang pagkain.

Sarap.

"Secret." Sagot niya. "Okay,today we will visit the police station to check the security for tonight." Sabi niya at pinagpatuloy na ang pagkain.

That WomanWhere stories live. Discover now