Chapter 10

833 24 0
                                    

Pumasok muna ako sa mansiyon at hinanap si Boss. Pumunta ako sa kusina at nagbabakasakaling nandoon siya ngunit tanging ang kaniyang nobya lamang ang naroroon. Mukhang maghahanda ng meryenda.

"Ahm. Ma'am, nakita niyo po ba si Sir Keji?" magalang kong tanong.

"Umalis siya. Bumalik ng Office." sabi niya ng hindi ako nililingin. I immediately go back to the garden.

"Ma'am Suzanne, Sir Edgar mauuna na po ako. Iniwan po kasi ako ng Boss ko dito. Hindi ko po namalayan." kinamot ko ang batok ko dahil nahihiya ako.

"Ah. Sure Hijo, sige na. You may go. Take care." nginitian ko lang siya at tinanguan lang naman ako ni Sir Edgar. Paalis na sana ako ng may maramdamang yumakap sa bewang ko.

"Unnie... You're leaving?" Bianca pouted. Yumuko ako at hinalikan ang ulo niya.

"I'll be back some other time and we'll sing together." nakita ko namang kumislap ang mga mata niya.

"Promise?!" mas lumaki ang ngisi niya. Nginitian ko siya.

"I promise, pinky swear."


"Damn it! Boss answer the phone!" kanina ko pa siya tinatawagan. I'm here inside his car at kakaalis ko lang sa kompanya niya. I went there pero sabi bg secretary niya hindi pa daw ito bumabalik simula noong umalis kami.

"Where the hell are you Keji!" I shouted with full of frustration. Kinakabahan ako. Baka may masamang nangyari na sa kaniya, I called Nanay Elsa nagbabakasakaling nakauwi na siya pero wala pa daw ito.  Dali-dali kong sinagot ang tawag nang makitang pangalan ni Keji ang nasa Screen.

"Whe--" napakunot ang noo ko nang may pumutol sa sinasabi ko. And this voice is not Keji's voice!

"Hawak namin ngayon ang Boss mo. Sampung tunay na diyamante ang kapalit niya. Hindi mo kami pwedeng lokohin dahil mayroon kaming taong mangdedetect dito kung tunay ba ang mga diyamante. Nandito kami sa pinapatayong gusali sa dulo ng bayan."

"Ako ba pinagloloko niyo!" singhal ko.

"Fuck Gary! Huwag kang susunod, papatayin ka nila!" narinig kong sigaw ni Boss kaya bigla akong kinabahan.

"Sa oras na saktan niyo ang amo ko, wala kayong matatanggap na diyamante. At hahabulin ko kayo hanggang sa kamatayan."

"Sampong diyamante. At dapat mag-isa mo lang na pumunta dito dahil kung hindi, alam mo na ang mangyayari. " binaba niya ang tawag. Dali-dali akong pumunta sa bahay ko at kumuha ng bala ng baril ko. Putangina! Naisahan na! I'm a worthless bodyguard! Myself's a crap!

Habang nasa biyahe ako iniisip ko kung sino ang dumukot kay Keji. Ramdam ko na hindi sila ang nagpapadala ng mga threats sa binata sapagkat kayamanan ang hangad ng mga dumukot. Dahil kung buhay ni Keji ang habol nila, dapat patay na ito ngayon.

Madilim sa lugar na ito. May nakaparadang tatlong sasakyan. Kaagad ko namang binaril ang mga gulong nito. Hindi nila iyon maririnig dahil silencer ang gamit ko. Bukod doon mukhang malayo pa sila dahil wala pa akong naririnig na ingay. Pumasok na ako sa gusali, nagkalat ang mga tira-tirang bakal at may mga semento rin na hindi pa nagagamit. Nakarinig naman ako ng ingay na mukhang nanggaling sa taas kaya pumunta ako doon. May nakita akong nagsusugal, nag-iinuman at mga taong nakatayo lamang sa gilid. Sa bilang ko ay nasa bente sila. Sa gilid, nakita ko ang amo ko. Bigla kong nayukom ang mga palad ko. May pasa ito sa bibig. Mukhang hindi naman siya binugbog.

"Boss... Mukhang ito na ata iyong hinihintay natin." sabi nung lalaking nakatayo sa gilid at tinutukan ako ng baril ganun din ang iba pati ang mga nag-iinuman. Mula sa mga nagsusugal, tumayo ang isa. Humarap naman ang iba pa nitong kalaro sa akin. Lumapit ako sa kanila at nakitang tumingin sa akin ang amo ko.

"Nasaan ang mga diyamante?" tanong nito.

"Masiyado ka naman atang atat, ginoo. Unang-una sinabi ko sa'yo na hwag niyong sasaktan ang amo ko. At dahil may nakita akong pasa niya, babawasan ko ng isa ang mga diyamante."

"Sampo ang usapan tagapagtanggol na di hamak na bodyguard lang naman." ngisi niya. Ngumisi rin ako at inilibot ang mga mata ko.

"Pakawalan niyo siya at ibibigay ko ang hinihingi mo." malamig kong sabi. Kaagad niya namang inutusan ang mga tauhan at pinakawalan si Keji. Hinawakan nila ito sa braso at inilapit sa amin. Nagtinginan kami at dama ko ang pagod sa mga mata niya.

"Nasaan na?! Naiinip na ako!" sigaw niya. Dahan-dahan kong tinanggal ang singsing sa daliri ko at binato sa kaniya. Kaagad niya naman itong sinalo.

"Labindalawa ang diyamante na nariyan sa singsing. Ang ring bond naman nito ay pinaghalong ginto at pilak. Libre ko na sayo." lumapit sa kaniya ang kasugal nito na nakasalamin. May hawak itong mga gamit at sinuri ang singsing. Napatingin siya sa akin at sa amo nito tiyaka pinagpatuloy ang pagsuri dito.

"Tunay iyan. Sa oras na sabihin ng mamang yan na tunay ang singsing, ibigay niyo sa akin ang amo ko." matigas kong sabi. Napangisi ang may hawak ng singsing.

"Pakawalan niyo na, Markos, mababa ang isang daang milyon na halaga ng singsing na ito." kasaby ng sabi niya ay binitawan ang amo ko. Kaagad ko naman itong hinila.

"Mauna na kami." tumalikod na kami at kaagad ko namang inabot kay Keji ang isa kong baril. Kaagad niya naman itong tinanggap.

"Patayin niyo sila!"

"Keji, yuko!"

"Shit!"

Kaagad kong pinaputukan ang malapit habang tumatakbo kami ni Keji. Natamaan ito sa balikat ganun din ang dalawa pa. Pati si Keji ay nakikipagputukan na rin.

"Go outside! Nandiyan na ang mga pulis! Protect yourself!" sigaw ko dito.

"Paano ka?!"

"Just fucking run!"

Tumakbo ako at nakitang tumatakas na ang ang mga nagsusugal kanina. May humarang sa aking limang lalaki at kaagad akong pinaputukan. Umilag ako ng maramdamng may bala galing sa likod, natamaan nito ang isa sa harap ko. Gumulong ako at hinablot ang baril ng lalaking nakabulagta na sa sahig at dali-daling pinaputukan ang kalaban. Pinagpatuloy ko ang pagtakbo at nakitang may humarang nanaman sa akin na isa, pinaputukan ako nito at kaagad naman akong umilag. Binaril ko siya sa kamay at binti. Dumiretso ako sa likod at hinabol ang tatlong unggoy!

"Mga putangina kayo! Maabutan ko din kayo!" sigaw ko sa kanila. Tumalon ako sa mga nakaharang na semento kasabay ng pagpapaputok nila sa direksiyon ko. Fuck! Masakit yon! Nadaganan ko ang siko ko sa pagbagsak ko. Kaagad akong bumangon at hinabol sila.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang hawak na sila ng mga pulis. Kahit papaano pala ay mabilis na rin silang gumalaw. Lumapit sa akin si Ninong at magmamano sana ako sa kaniya nang binatukan ako.

"Aww! Ninong naman iih!"

"Sana hindi mo na sila hinabol kasi bawat labasan naman ng gusaling ito may nakabantay ng mga pulis!"galit na siya.

"Sorna." yumuko ako at kinamot ang ulo ko pero kaagad din akong napadaing dahil sa sakit ng kamay ko.

"Tara na. We'll go to the hospital."




"Boss. Ayos na po kayo?" may benda ngayon sa kaliwa kong kamay. Mga kulang isang buwan pa daw ang kakailanganin bago ito tanggalin.

"I'm fine. Anyway, thanks Gary. You saved my life." sincere niyang sabi. Kaagad naman akong umiwas nang maramdaman ang bilis ng pintig ng puso ko.

"It's my job Boss. At sana po... Hwag niyo na akong iwan o umalis ng nag-iisa. Batid niyo naman pong maraming disgrasya ang nakapalibot sa inyo." tumabi ako sa kaniya at isinandal ang ulo sa pader. Ramdam ko ang pagod dahil madaling araw na rin.

"I'm sorry Gary."

"Ayos lang Boss. I promise to myself that I'll do everything to protect you and to keep you safe hangga't hindi pa nalalaman ang mga nagpapadala sa inyo ng threats." tiningnan ko siya sa mata at nakitang nakatinginn rin siya sakin.


Purpleskyempress

That WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon