Dirty Fairytale [#13]

Start from the beginning
                                    

“Oi, di lang yun habol ko a? Syempre, gusto ko rin yung mamahalin din ako.” natawa siya sa sinabi ko. Taena. Kala na naman niya joke? :[

“Weh, di nga? Pero may tanong ako, Skype. Siryoso ah?” kinabahan ako nun sa sinabi niya. Minsan lang kasi magtanong sakin to e. Tapos tingin ko pa, itatanong na niya  na kung pwedeng maging totoong girlfriend ko na. xD

“Ano yun?” umiwas siya ng tingin sakin.

“Di ka pa ba talaga nagkakagf?”  Sht. Sabi na e. Bumubwelo na o. Panigurado ang sunod niyang tanong diyan, “Pwede bang totoo nang  girlfriend mo ko?” xD

“Di pa.” napatingin ulit siya sakin na parang ayaw maniwala.

“Weh? Bakit? Ang dami daming nagkakagusto sayo a?” tumawa siya habang nakatingin ako nang seryoso sa kanya.

“Mahal kasi kita e.” pagkasabi ko nun, saktong kumidlat kaya nagtakip siya ng tenga. Taena. Kupal na kidlat yan. Wrong timing.

“Ha? Ano ulit yun?” sabi niya na parang medyo natakot.

“Sabi ko ma-“ di ko na natapos yung sasabihin ko dahil may humintong kotse sa harap namin. Tapos nun, bumaba si Eron na may dalang payong. Taena. Kupal talaga to o. Tatanungin ko na si Vivi kung pwedeng manligaw ng totoo e. 

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Vivi paglapit ni Eron.

“Wag kang feeling. Inutos lang ni Tito Victor na hanapin ka. Tara, uuwi na kita.” hinawakan ni Eron si Vivi sa braso pagkasabi nun. Taena. Gagu talaga to no? Walang respeto sa babae e.

“Oi, pre. Nasasaktan yung girlfriend ko.” sabi ko kaya tinignan ako ni Eron nang maangas.

“Wala kong pake.” Pagkasabi niya nun, susuntukin ko dapat siya kaso humarang si Vivi sa harap niya. Nag-smile naman nang pang-asar yung kupal kaya mas nabadtrip ako.

“Babe, calm down. Ayokong madumihan yung kamay mong pang-holding hands natin.” Natawa ako nun dahil biglang nabadtrip yung itsura ni Eron. Wahaha. Basag e. Kala pinagtatanggol siya. 

“Tara, Eron. Hatid mo na ko. Baka magalit pa si Tito Pete pag nalaman niyang di mo sinunod yung utos ni Dad ko.” Lol. Daddy’s boy pala tong kupal na to e. Pete dela Cruz kasi pangalan nung ama niya tapos Victor Reyes naman pangalan nung father-in-law ko. xD

“Bye, Babe. See you bukas sa school.” Humalik sakin si Vivi sa pisngi  tapos sumama na siya kay Eron. Sumunod naman agad ako dahil gusto ko pa ng kiss. Wahaha. Joke lang. Ayoko lang maiwan siya mag-isa kasama si Eron at baka balikan niya pa nang di oras.

Pagsakay nila ng kotse, binukas ko yung pinto para sumakay din.

“Hoy Villanueva, ano sa tingin mo ginagawa mo?” sabi ni Eron dun sa harap habang nakaupo kami ni Vivi sa likod.

“Hinahatid yung girlfriend ko.” parang nabadtrip si Eron sa sinabi ko.

“Ay oo nga pala, Babe. Babawi ka nga pala sa di paghatid sakin ng buong taon dahil may epal na nagpanggap na boyfriend ko.”Sabi ni Vivi kaya di nakapalag si Eron at nagdrive na. 

Habang nasa byahe kami, kinuha ko yung kamay ni Vivi para asarin si Eron.

“Babe, holding hands tayo. Ginaginaw ako e.” sabi ko nang malakas tapos tinignan ko si Eron dun sa salamin sa taas. Wahaha. Badtrip na badtrip si  kupal o.

“Aww. Gusto mo ng yakap?” sabi naman ni Vivi na sinandal pa yung ulo sa balikat ko.

“Hindi. Alam mo namang kung anong gusto ko diba?” pagkasabi ko nun, pinisil ni Vivi nang mahigpit yung kamay ko. Taena.

“Joke lang. Eto talaga. Alam mo namang makasama lang kita kuntento na ko e.”  pinigil ni Vivi yung tawa niya dahil yun nga lagi sinasabi ni Eron sa kanya.

“Aww. Ang sweet talaga ng Babe ko o. Kaya mahal na mahal kita e.” pagkasabi ni Vivi nun, tinigil ni Eron yung kotse niya tapos humarap siya samin.

“Taena! Kung maglalampungan nga kayo,wag sa kotse ko.” sobrang badtrip yung itsura ni Eron kaya pinigil ko yung tawa ako.

“E san mo gusto? Sa office ng council mo?” asar ko dahil yun yung lugar nung nasa pic na galing  kay J.

“Oo nga, tas dapat nakaluhod ako?” natawa ako nun kay Vivi kaya tumingin ako sa bintana. Basag na basag si Eron e. Wahaha.

“Fck. Ewan.” Nagdrive lang ulit si Eron nun kaya nanahimik na kami.

Nung makarating na kami sa bahay nila Vivi, tumigil nadin yun ulan kaya bumaba na kami agad.

Pagpasok namin ng gate, pinigilan ako ni Vivi.

“Teka,Babe. Saka ka na pumasok. Badmood si Dad e.” natawa nun si Eron na pinigil niya pa tapos tumigil siya nung nagkiss sakin ulit si Vivi sa pisngi. Wahaha. Tawa ka pa a?

“Bye ulit, Babe. Ingat pag-uwe a? Ayoko mawalan ng loyal na boyfriend e.” pagkasabi ni Vivi nun, pumasok na siya. Si Eron naman, nagsmirk lang sakin tapos nung papasok din siya sa loob, pinagsarahan siya ni Vivi ng pinto. Wahaha.

“Papasok ka, pre?” asar ko. Di lang naman ako pinansin ni kupal kaya natawa ako.

“Tito Victor, uwe na po ako.” sigaw ni Eron tapos tumingin siya nang badtrip sakin.

Pagtapos nun, lumabas na kami pareho. Nung pasakay na siya ng kotse niya,tinawag niya ko kaya tinignan ko siya.

“Akala mo ba, magiging masaya kayong dalawa? Spell asa, bro. Kasi, trust me. Pagdating sa huli, sakin parin mapupunta si Vivi.”  Sumakay na siya ng kotse niya nun pagtapos magsmile ng maangas. Taena. Pa-spell spell asa pa. Bakit?

Spelling bee ba to?

Mahal lang naman ako ni BeeBee diba? xD

Dirty Fairytale [Completed]Where stories live. Discover now