The Secret Agent: 5

Începe de la început
                                    

"Binuhat na kita papunta dito sa kwarto mo." Napatingin ako sa pintuan kung saan nanggaling ang boses at nakita ko ang pigura ni Agent Ahron Dela Fuente, nakasuot ito ng kulay pulang polo at kupas na blue jeans.


Medyo sumama ang interpretasyon ko sa sinabi nito, "Sana ginising mo na lang ako!" Tugon ko dito. Pumasok ito sa loob at humarap sa akin.


"Ngayon magsisimula ang trabaho mo. You're going to clean the house at tapos non ay may pupuntahan tayo mamayang gabi." Seryosong litanya niya.


"Saan tayo pupunta?" Balik ko.


"Kung saan ang kuta ng 'boss' mo. Pumayag ka naman na kahit ano ang gawin natin ay gagawin mo 'di ba?"


Hindi ako makasagot at parang nakagat ko na ang dila ko. Naalala ko kasi ang sinabi ni boss na, "Kapag may nakaalam na kahit isa sa mga autoridad kung sino ako.. buhay niyo ang kukunin ko."


"Seems like hindi ka payag sa gusto kong mangyari. Mukhang gusto mong ikaw ang makulong?" Pagbabanta nito sa'kin na ikinakunot ng noo ko.


"May banta sa'min si boss na kung sino ang makaalam kung sino at kung saan siya naroon, papatayin niya kami." Medyo may takot kong sagot sa kanya at napakamot siya sa ulo.


"Hindi ko alam kung bakit ka matatakot, Nikko. Halika, sumunod ka sa'kin." Aniya at tumayo ako sa higaan ko para sumunod sa kanya.


Medyo mahaba ang pasilyo bago pumasok si Ahron sa isa sa mga kwarto. PAgkasunod ko rito ay literal na napanganga ako sa nakita ko. Isang cabinet na puno ng iba't-ibang klase ng baril ang nandoon. Mukhang hindi pa nga gamit ang iba dahil nakalagay pa sa parang briefcase.


"I can fire a gun using left and right hand. At sa left o right na 'yon, walang mintis ang pagtama ko sa kung saan ang target ko." Pagmamayabang nito at tsaka mabilis na hinawakan ang baril at itinutok sa isang vase na nasa tabi ng bintana.


"Seryoso kang ipuputok mo 'yan?" Tanong ko sa kanya at bago pa siya sumagot ay nakarinig ako ng malakas na 'boom' at nabasag ang vase na nasa likod ko.


Umismid ito sa'kin dahil nakita niyang napatakip ako ng tenga sa ginawa niya, "So, sasama ka na sa'kin mamaya. I'm a man capable of doing many things, Nikko." Aniya at tsaka iiling-iling na naglakad papalayo.


"Bumaba ka na pala doon at mag-almusal ka muna. Ako ang nagluto non kaya dapat maubos mo. After that, simulan mo ng ayusin ang garden." Sigaw niya habang ako ay nakatingin sa papawala niyang pigura.


AHRON:


Dumating ako sa opisina at nakasalubong ko si Agent Angelo Custodio at tinignan ako nito na parang may kakaibang nangyari sa'kin.


"Something's odd, Dela Fuente.." Pansin nito at saktong dumagdag sa tabi nito si Agent Amiel Hustiano. "'Di ba?" Tanong ni Angelo kay Amiel.


"He's smiling. May milagro bang nangyari, Dela Fuente? Nasa kamay mo na ba yung pinapahanap ni Head na 'yung Nikko ba 'yon?" Sunod-sunod na pagbomba nito ng tanong na ikinatawa ko.


"Mga baliw!" Pambuyo ko rito at nagtawanan kami.


"Pero feel ko mayroon kang tinatago, Dela Fuente. Mukhang mananalo ka laban kay Magnus ah! Mukhang missing in action palagi 'yon." Ani Amiel at napaisimid na lang ako.


"Sinong missing in action, Hustiniano? Tumabi nga kayo." Napatabi ang dalawa na nasa harap ko at dumaan ang bulto ni Magnus na halos kasing laki lang rin ng katawan ko.


"Grabe! Kahit na galit ang boses ni Del Fiero, mukhang masaya siya. Puta, anong nangyayari sa inyong dalawa?"


Hindi na lang ako sumagot at tumalikod na lang. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako nagiging ganito kay Nikko. Kagabi noong buhat-buhat ko siya papunta sa guest room ng bahay namin ay nakita ko ang mukha nito.


He looks like an angel.


Parang medyo parehas sila ng ugali ng ex ko at parang may ewan akong nararamdaman sa tuwing tinitignan niya ko.


Stop it, Ahron.


Umupo ako sa cubicle ko at nakita ko ang kadarating lang na message sa computer ko na galing sa kapwa kong agent na kani-kanina lang eh binabara ang mga kakwentuhan ko.


From: Magnus Del Fiero

Let's talk, Dela Fuente. Meet me after seeing this message, nasa fire exit ako.


Anong trip nito? Nasa puder ko na si Nikko kaya siguro gusto niyang malaman ang nangyayari sa pagi-imbestiga ko. Pero dahil naghihintay siya ay tumayo ako sa upuan ko at lumabas ng opisina para pumunta sa fire exit.


Nakita ko itong nakaupo sa isa sa mga baitang ng hagdanan at nakatingin sa'kin. Amoy usok din ng sigarilyo ang loob na siya ring mga nasa daliri nito.


"Anong gusto mong pag-usapan, Del Fiero?" Paunang tanong ko at tsaka ito tumayo at itinapon ang sigarilyo.


"We need to work as a team, Ahron."


Nakita ko sa mukha niya ang kakaibang determinasyon na ngayon ko lang nakita, "Work for what?"


"For Nikko. Kilala ko na kung sino ang leader ng sindikato!" Bunyag niya na siyang ikinalunok ko.


"Sino?"


Tumingin ito sa'kin bago magsalita. At doon pa lang alam ko na.. Mukhang kakaiba nga ang pinasok ni Nikko.  Napaisip ako sa kung ano ang gustong mangyari ni Magnus kaya ayun ang itinanong ko.


"Wala tayong choice, Ahron. We need to let Nikko out of the scene dahil siya lang ang makakapagdala sa'tin ng mga ebidensya para makulong ang leader na 'to at kailangan walang makakaalam ng gagawin nating dalawa." Konklusyon nya na siyang sinang-ayunan ko.


"Think of a plan, Magnus. I'll do the work. Deal?"


Inilahad ko ang kamay ko at tinangggap niya ito, "Deal." Sagot niya at ngumiti na lang ako bilang tugon.  



//COMMENTS// 

PS:  Thank you for reading!  hahaha :D 

The Secret Agent (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum