Chapter 9

35 3 0
                                    

Drunk

Umaga ng Sabado ay maaga akong nagising. Maaga kasi kami pinauwi ni Sir Jack kagabi kaya naging mahaba ang tulog ko.

Naisipan ko na ako na lang ulit ang mag luluto ng almusal namin ngayong umaga. Halos magkasunod lang kami ni Tiyo Arnel na umuwi kagabi kaya siguro hanggang ngayon ay tulog pa din siya. Nagbabawi sa ilang gabing pagpupuyat sa trabaho niya.

"O kuya, ang aga mo yata nagising?" tanong ko kay Kuya Arthur na kasalukuyang pababa na ng hagdan.

Nakaayos na siya at mukhang may importanteng pupuntahan. Masyadong matapang ang amoy ng pabango niya kaya muntikan pa akong maubo.

"May interview kasi ako. Pasabi na din kay Papa na gagamitin ko ang Pajero." wika niya habang naghihirap sa pagkakabit ng necktie.

"Kumain ka na muna." nag lalatag na ako ng pinggan sa may lamesa.

"Hindi na. Sa labas na lang siguro ako kakain."

Hindi ko na siya pinilit at mukhang nagmamadali na talaga siya.

Mamaya pang gabi ang pasok ko sa bar kaya napagdesisyunan ko na muna ang maglinis ng bahay nina tiyo. Inuna ko ang kusina hanggang sa salas. Nakuha ko pang linisin ang sapatos na ginagamit ni Tiyo Arnel sa duty. Sinunod ko na ang kwarto na tinutulugan ko.

Maliit lang ang kwarto kung tutuusin kumpara sa kwarto ko sa bahay namin sa probinsya. Ngunit sobrang ayos na ayos na ito sa akin. Ito ang dating kwarto ni Kuya Arthur ngunit nang tumira ako dito, sinabi ni Tiyo Arnel na sa lumang kwarto na si Kuya Arthur matutulog. Hindi naman kumontra si kuya dahil siguro naisip niya din ang nasabi ng ama na babae ako kaya dapat ay dito na lang ako matulog.

Nakadikit pa din sa pader ang mga posters ng mga paboritong basketball player ni kuya. Pati ang mga libro na ginamit nito noong nag aaral ay maayos na nakalagay sa isang book shelf. Isang maliit na electric fan at isang single bed ang gamit ko na kama at katapat noon ang bintana. Kaya pamula dito sa taas ay kita ang kabuuan ng komunidad nina tiyo na halos siksikan na bahay.

Naipagkumpara ko tuloy kung ano ang itsura ng probinsya namin sa kung ano ang mayroon dito. Noon tuwing umaga ay naamoy ko ang nagsisiga ng mga dahon sa kapitbahay, ngayon ay chismisan at amoy ng usok ng sasakyan ang gumigising sa akin sa umaga.

Maayos kong tiniklop ang kakaunti kong damit at inilagay iyon sa maliit na cabinet. Sa isang gilid naman ay ang isang maliit na lamesa. Inayos ko doon ang ilang gamit na mayroon ako kabilang na ang polbo na siyang natatangi na ginagamit ko sa mukha.

Kahit noon pa man ay hindi ako lumaki na makolorete sa mukha at katawan. Naniniwala ako na 'simplicity is beauty'.

Sa maliit na lamesa sa gilid ng kama ay nakapatong ang huling litrato na meron ako na kasama si Mama. Ang litrato ay kuha sa ospital. Masaya kaming nakangiti doon kahit mahahalata na ang labis na pamamayat ni Mama. Makulay ang suot niyang turban dahil sa panglalagas ng kanyang buhok dahil sa chemotherapy. Pinunasan ko ng may pagiingat ang frame nito.

Marami ang nagsasabing malaki ang nakuha kong features kay Mama. Sa pagiging maputi nito hanggang sa kulay ng mata ni Mama na medyo may pagkabrown dahil ang sabi niya ay may lahing Kastila ang kanyang lola.

Sa makalawa ay ang ikadalawang buwan ng pagkamatay niya. Naalala ko pa noon, wala ng luha ang lumabas sa akin nang mamatay si Mama. Ilang buwan din kami sa ospital noon dahil sa breast cancer niya. Kaya ang lupa at bahay na nabili ni Papa para sa amin ni Mama ay napilitan kong ibenta para sa pagpapagamot ni Mama.

It was the darkest days of my life. Halos sa araw-araw na lang ay nananalangin ako sa Diyos na sana ay isang araw ko pa makasama ang aking ina. Binigyan siya ng taning ng doktor noon na ilang buwan na lang ang inanatili niya sa mundo. Kaya nang malaman namin iyon ay si Mama na mismo ang nagnais na manatili na lang kami sa bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

What Happened To Us?Where stories live. Discover now