Chapter 1

47 2 0
                                    

Elisse Love Sarmiento

"Anong nangyari sa'yo Eli?"

Iyan ang paulit ulit na tanong na naririnig ko sa loob pa lamang ng isang linggo kong pagbalik. Hindi ko din naman ito mabigyan ng sagot. I just really can't find the right answer to that.

27 years old na ako ngayon at alam ko na dapat kung sino na nga ba talaga ang tunay na ako sa ngayon. I already established myself for the past 5 years and rebuild the things that for sure I wanted to do before. And it was never an easy path.

"Just a couple of hardwork I know you can do it." I just ignored what she asked me. I maybe rude but nasa workplace kami. Hindi tamang pagchismisan ang mga nangyari sa akin noon dito sa loob pa mismo ng opisina.

Nanatili ang maraming tanong sa mukha ni Agnes nang isara niya ang pinto. Naging kaibigan ko siya dati. And I must admit she did nothing wrong to me. She just did nothing.

Nagscan pa ako ng maraming papeles na kelangan aprubahan bago dumating ang mga bagong clients ng kompanya bukas. And as an acting CEO, I must do it in perfection as possible.

"Hi." bati ko sa kausap sa kabilang linya. Ayoko bumakas sa boses ang pagod sa buong maghapon.

"Good afternoon there, Miss Busy." at nagpakawala siya ng isang malutong na tawa.

"Oh shut it, Gabe." umirap ako sa kawalan. Binuksan ko ang makapal na kurtina ng glass wall. Mula dito sa kinatatayuan ko ay tanaw ang maraming sasakyan dumadaan sa baba pati na din ang ibang buildings na katabi at katapat nito. Tapos na ang trabaho para sa araw na ito at abala na ang lahat sa paguwi. Ngunit sa puntong ito marami pa akong dapat tapusin. "Its 5am in the morning there. Bakit ang aga mo naman nagising?"

Naramdam ko ang pag ngisi niya kahit hindi ko siya nakikita. "You should call it a day, Miss."

"No. I have still many things to fill in. Nahihiya na nga lang ako magtawag ng mga secretaries ng mga clients ninyo para sa meeting bukas dahil tapos na ang office hours. So I'll just do it definitely the first thing tomorrow."

"Whoah?! Eli, hindi kita nilagay diyan para maging work maniac." tumawa siyang muli ngunit hindi ko iyon nakuha kung may nakakatawa ba sa mga nasabi ko. "I sent you there just to check. Wag mong kalimutan I'm still the CEO. Kaya don't tire yourself too much. And besides I really miss you."

Thats it! That's the main reason why he calls me this early. How can someone sounds so obnoxious and sweet at the same time?

"Hindi naman sa ganoon. Ayaw ko lang mapahiya ang kompanya ninyo ngayong ako ang nandito. I dont want to put your credibility in jeopardy, Gabe."

"I get your point, Eli. But don't forget I put you there because you have all my utmost respect not as your boyfriend but as a co-worker. I know you're the perfect person I can trust there."

The words of Gabriel Isaac Velez.

Natapos ang usapan namin sa isang malutong na tawanan. I really miss him too.

Sana ay nandito na lang siya para hindi na din mahirap sa akin ang mga gawaing mas karapat dapat na siya ang nagdedesisyon. He's the real CEO afterall.

Sa huli ay napapayag na din ako ni Gabe umuwi sa lumang condo na inookupahan niya dati. Sa una ay gusto pa niya akong ibili ng bago ngunit mas nagmatigas ako na hindi ako titira sa kahit saang bahay na pag mamay-ari niya kung patuloy siyang bibili ng mga bagay na hindi na kelangan pa.

Bumili na muna ako ng pagkain sa labas para hindi na ako magluluto paguwi. Alam kong mas madami pang oras ang kelangan kong ilaan sa pagrereview ng ilan pang details sa magaganap na meeting ng bagong clients bukas.

What Happened To Us?Where stories live. Discover now