Chapter 5

32 1 0
                                    

Hiling

Hindi ko malunok ang natirang pagkain sa bibig ko. Hindi gaya ko, ngayon ay nakapagpalit na si Axel ng damit. He's wearing a white v-neck shirt and a faded jeans. It's a normal attire but god!.. He looks so goddamn hot.

Hindi lang ako ang naiwang nakatunganga dito kundi maging si Ate Chinky ay muntikan pang mapaubo dahil sa kasama ng asawa niya.

"Chink, may dala pa akong mga tilapia para pwede din natin ihawin mamaya. Pangpulutan din." wika ni Kuya Arthur na parang wala lang iyong kasama niya. "By the way, isinama ko na nga pala dito si Axel. Nagkita kami kanina sa mall na tagpuan namin nina Ruel. Might as well isama ko na din siya dito."

Unti unti na siyang lumapit kung nasaan ako. Hindi ako kumibo. Gusto ko lang batukan ang pinsan ko dahil sa kagaguhang ginawa niya. Is he making a prank to me? Hindi ko naman ito birthday di ba? Damn!

Napahawak na lamang sa sintido si Ate Chinky at matalim na tiningnan si Kuya Arthur. Siguro ay pareho kami ng nasa isip. Isang malaking kalokohan itong ginawa ni Kuya Arthur. Of all places, bakit dito pa? Ano 'to? Mini reunion? Nagpapatawa ba siya? Pwes, hindi ako natatawa!

"Good afternoon, Ate Chinky." walang effort na bati ni Axel. His english still sounds so damn sexy to my ears.

"G-good afternoon din." balik ni ate.

Spell A.W.K.W.A.R.D.??

"Dito ka na kumain." panimula ni Ate Chinky. Tumingin siya sa akin. "Eli, tulungan mo na lang akong kumuha pa ng mga pagkain."

That's the signal I've been waiting for. Alam kong hindi hahayaan ni Ate Chinky na mapag isa kaming dalawa ni Axel.

Mabilis akong tumayo at nilagpasan siya doon. Nakakasindak na tingin naman ang binigay nito sa asawa kaya sumunod din ito sa amin.

"Arth, bakit mo dinala yan dito?!" nasa loob na kami ng kusina at parang may pinagmimeetingan kaming napakaseryosong bagay. This is a big deal right?

"E anong masama? Matagal na natin siyang kakilala. At may mga mabuting bagay siyang nagawa para sa pamilya natin noon diba?" paliwanag ni Kuya Arthur na mukhang hanggang ngayon ay clueless pa din kung bakit ganito na lang ang mga reaksyon namin.

"Noon 'yon, Arth! Hindi ka man lang ba nahihiya kay Eli at itinaon mong andito ang maraming tao sa pagsama mo sa kanya dito." tinuro pa si Axel na nasa labas na walang kamuwang muwang na siya na pala ang pinagtatalunan namin dito.

"Chinks, diyos ko naman! Malamang ay nakamove on na doon si Eli. Di ba Eli?" sa akin naman ito nakatingin. "Limang taon! Five years na ang nakakaraan, lahat ay nagbago na. Hindi pa din ba ninyo kayang makalimot?"

"Kahit na. Sana ay hindi mo na lang sinama Arthur!"

"What's the big deal about it? Malaki na tayo sa ganang bagay, Chinky naman!"

Hindi ko na alam kung saan pupunta ang usapang ito. Para akong batang nanunuod sa pag aaway ng mag asawa. Isang 'tennis match' na hindi nagpapatalo sa pagpalo ng bola.

Unang una sa lahat hindi naman nila kelangang pasanin ang mga problema ko pati na din ang personal na pinagdaanan ko noon.

Napapikit ako sa sobrang pagkainis. Hindi naman aabot sa ganito kung hindi lang nagpakita si Axel.

"Ate, kuya! Okay na. This is not a big deal okay? Birthday naman ni Charlie kaya kung pwede maging masaya na lang muna tayo para sa pamangkin ko." sabi ko sabay irap.

Enough. Now I can't handle their fight over something that was already on the past.

Hindi ko lang masabi sa pagkakataong ito na nagkita na kami ni Axel kanina pa lang sa opisina.

What Happened To Us?Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum