Chapter 3

29 0 0
                                    

Changed

"I need to go to the restroom. Sunshine, will you take over here for a while after ng AV presentation?" hindi ko na napigilan.

"Yes, mam. Are you sure you're alright?" kita  ko  sa  mga  mata  niya  ang  pag  aalala.

Tumango lamang ako. This is impossible! I just need a break. Hindi pwedeng sa pagkakataong ito masisira niya ang lahat ng pinagpaguran ko sa loob ng limang taon. He can't just ruin everything  I  planned.

I just need some time to calm my nerves. Nagulat lang ako sa muli niyang pagpapakita. Iyon lang yon.

Dali dali akong lumbas ng kwarto ngunit maingat pa din para hindi magtaka ang mga bisita namin sa pag alis ko. I can feel he's still looking at me without a blink. Hindi ko man iyon nakikita pero ibang kilabot ang nadudulot kahit presensya pa lang niya. Para naman akong lumulutang habang naglalakad. Hindi ko maramdaman ang mga sariling paa habang papaalis doon. Fuck! Does he still has that effect on me?!

Ano ba, Eli? Go back to your senses! Hindi ka umalis ng bansa sa loob ng limang taon para lang sa wala.

Nakarating ako sa nag iisang comfort room dito sa floor ng CEO.

Ang magkabilang kamay ko'y napahawak sa gilid ng sink. I can feel that I'm shaking to death. Tinitigan kong maige ang sarili sa salamin. Kung hindi dahil sa red lipstick na inilagay ko kanina, masasabi kong labis na ngayon ang pamumutla ko. Ang pawis na kanina ay namumuo, ngayon ay unti unti nang tumutulo sa gilid ng aking pisngi.

"Why?" iyon na lamang ang naibulalas ko. Fuck this! Of all places and time bakit ngayon pa siya nagpakita? At anong kinalaman niya sa mga kliyente namin? The last time I checked, he didn't even bother looking at his books para lang makapag aral ng business. Wala siyang pakielam sa kahit anong related sa negosyo. E ano itong ginagawa niya ngayon?

Naghugas na lamang ako ng kamay baka sakaling bumaba ang tensyong nararamdaman ko ngayon. Kinuha ko ang maliit na kit sa bag ko para makapag retouch. Hindi ako maaaring magpakita na apektado pa din ako hanggang ngayon sa kanya. Am I?

Kinuha ko ang cellphone. I need Gabe right now! Ngunit agad kong napagtantong baka mahimbing na ang kanyang tulog. For godsake! Hatinggabi na sa New York, Eli. Naisip kong kelangan ni Gabe magpahinga.

Nakapagdesisyon na akong I need to do it by myself.

Ano naman kung para siyang multo na bigla na lang magpapakita dito? Let's face it. Hindi kayang takasan ni Axel ang mundo ng pagnenegosyo. At some point, naisip ko na noon na maaring magsanga muli ang mga landas namin. And I prepared myself for that. Ang magagawa ko na lamang ay huwag magpatinag sa dala niyang nakaraan. This is the new Eli and no one can detest to that.

Taas noong nagbalik ako sa conference room. Ang mga inaral ko sa loob ng limang taon ay aking isinapuso. This is the time to prove not only to them but also to myself that I deserve the spot in this business.

Saktong natapos na ang presentation nang dumating ako. At palakpak ang bumalot sa loob ng kwarto. Maagap akong bumalik sa unahan at ako na mismo ang nagpatay ng powerpoint. At muling nagliwanag sa loob ng kwarto. Agad nang nagtama ang mga paningin namin. Kumalabog ng sobra ang puso ko ngunit hindi ko iyon ipaparamdam sa kanya. Nag iwas ako ng tingin at mabilis na ibinalik ang sarili sa realidad ngayon.

Walang may alam dito sa nakaraan namin kaya I need to act as if he's just a random guy I met on every corner of this industry.

"I hope you enjoyed our little presentation." komento ko.

"That was impeccable, Ms. Sarmiento! And my highest admiration to Mr. Velez. He's really a one great man for this kind of job." masiglang wika ng pinakamatandang Herrera.

What Happened To Us?Where stories live. Discover now