Chapter 2

25 1 0
                                    

Beast of the Past

I need to calm down myself. Mula sa sasakyan ay tanaw ko na agad ang matayog na G.I. Velez Advertising building. Meron itong 24 floors. Masasabi mong isang malaking achievement na ito sa isang kagaya ni Gabe. Ngunit hindi lang ito ang pagmamay-ari na meron siya. At kapag nilitanya ko ito kasabay ng yaman ng kanyang pamilya ay paniguradong aabutin tayo ng next year.

Paglabas ng kotse ay binati agad ako ng valet. Mula sa guard hanggang sa reception area ng building ay panay ang bati at ngiti nila sa akin. Agad ko din naman ito sinusuklian. Nang makarating sa elevator ay may ilan pa akong nakasabay at tumigil sa pagchichismisan nang makitang nakasakay ako sa elevator.

"Good morning po, Mam Eli." bati ng isa sa akin tila nahihiya pa.

Ngumiti lamang ako.

"Did you heard the news?" tanong nito sa isang kasamahan. Hininaan pa nito ang boses para hindi ko marinig.

"What?"

"Active na ulit si Mr. Perfect sa social media. Sa instagram pa lang, diyos ko po! Katawan niya agad ang bubungad!" pigil na tilian ang umalingawngaw sa loob ng elevator.

"Bes, he's definitely back!"

"Ssh. But hindi na yata siya kakanta. That's what I learned." nalukot bigla ang mukha nilang kanina lang ay excited sa balita.

I dont know who are they talking about. Hindi ako ganoon ka aktibo sa social media kaya malay ko sa mga pinaguusapan nila. Well, may kanya kanya siguro tayong mundo and Im not part of 'that' kind of world because I'm focusing on my work right now hanggang nandito pa ako sa Pilipinas.

Nasa pinakahuling palapag ang opisina ng CEO kaya ako ang huling lumabas sa elevator.

"Good morning, Miss Eli." bati sa akin ni Mrs. Hilda. Siya ang sekretarya ni Gabe at ito ang pinakamatagal ng nagtatrabaho dito. She's a big help ever since na magsimula ako dito last week. Hindi ko maaayos ang lahat ng trabaho na naiwan ni Gabe kung wala si Mrs. Hilda.

"Mam Hilda, good morning din po. Are we all set?" pumasok ako sa loob ng CEO's office at sumunod naman ito.

"Naku Miss Eli, Hilda na lang po. Malalagot ako kay Mr. Velez kapag tinatawag po ninyo ako sa ganang paraan." nahihiya pa ito. May hawak itong mga folders at unti unti ko namang kinuha sa kanya. I don't want to see an old lady like her to do the hard works.

"Don't mind him. Plus, he's not around." ngumiti ako. "By 9:30 nga po pala dapat ay nandito na ang mga taga finance section. Paki remind na lang po ulit sila." I'm talking about the other departments of Gabe's company. Of course, I can't do it alone. Kaya kelangan kumpleto kami sa pag asikaso sa mga bisita mamaya.

"Yes, Miss Eli. And may pinapakuha nga po pala si Mr. Velez diyan sa cabinet." tinuro nito ang cabinet sa tabi ng lampshade.

I got curious. He never mentioned anything about this kanina. Baka nakalimutan niya lang. Bigla akong kinabahan dahil I know by this time dapat ay naaral ko na ang mga proposals at strategies na ipepresent sa mga darating na clients.

"Maiwan ko na po kayo. Just call me if you need anything." at lumabas na siya sa kwarto na may kakaibang ngiti. Tsaka pa lang ako naglakad at lumapit sa may cabinet.

Napairap ako sa kawalan at napahawak sa magkabilang pisngi.

"Oh my god!." nanlaki ang mata ko sa bouquet of red roses na nasa loob ng cabinet. Agad ko iyong kinuha habang umiiling.

Good luck on your first adventure, my future CEO.
-Gabe

Iyon ang nakasulat sa maliit na note.

What Happened To Us?Where stories live. Discover now