Chapter 7

12 1 0
                                    

New  Life

"Eli! Bilisan mo diyan. Meron pang umoorder sa kabilang table." sigaw sa akin ng manager ng bar kung nasaan ako ngayon.

One week pa lang ako dito pero ramdam ko na agad kung gaano kahirap ang magtrabaho sa ganitong lugar. Maliban na lang sa puyatan at pagod, sadyang ang pinakamahirap na parte ay ang pakikisama sa mga tao.

"Miss! Ano ba yan? Tatlong beer lang hindi mo pa mabigay dito?" nagsisimula ng mamula sa galit ang mukha ng mukhang goons na customer. E kung sa tutuusin maliban sa beer ay isang mangkok lang ng mani ang inorder niya kanina pa.

"Opo! Andiyan na po." umirap ako sa kawalan kahit hindi man nito nakikita.

Kung minsan talaga hindi ako naniniwala sa kasabihang 'The customer is always right'  dahil ang iba sa kanila ay sadyang abusado at mababa ang tingin sa mga kagaya ko na waitress.

Pumasok ako sa loob ng bar kung saan doon nakalagay ang mga alak.

"Kaya pa?" nakangiting tanong ni Warren. Mas matagal na siyang nagtatrabaho sa akin dito kaya sa ilang pagkakataon ay inaalalayan niya ako sa mga gawain na hindi ko pa alam at hindi kaya.

Siya ang isa sa mga bar tender sa bar na ito.

Ngumiti lamang ako. Sa una, syempre ay hindi ko maitatanggi na hindi madali ang magsilbi sa mga customers. Kinakaya ko lang ito para kumita ng pera para makaipon ako para makapag enrol ngayong semester. Gusto ko talagang ipagpatuloy ang aking pag aaral.

At sa isang linggo na iyon. Dalawang semester na lang kasi ay pwede na ako makagraduate.

Nilagay ko ang ilang takas ng buhok ko sa likod ng aking tenga. Kumuha ako ng tatlong beer sa loob ng ref at inilagay iyon sa isang tray.

"Kaya mo ba, Eli?" tanong ni Warren bago ako makalabas sa bar.

"Oo naman. Salamat." tumango ako. Hindi na bago sa akin ang pagtatrabaho. Kahit noong nasa probinsya ay nakapagtrabaho na ako.

Tumigil ako ng pag aaral simula ng magkasakit si Mama. At dahil din doon kinailangan kong magtrabaho sa isang palengke. Mabuti na lang ay kaibigan ni mama ang may ari ng tindahan ng mga karne kaya hindi naging ganoon kahirap ang pagtatrabaho ko. Pagiging tindera ang naging trabaho ko doon.

Sa dalawang linggong pananatili ko dito sa Metro, may mga bagay pa din talaga akong gustong ipagpasalamat kahit sa totoo lang ay nahihirapan akong makaadjust sa pamumuhay dito.

I gave out a loud sigh.

Matapos kasing mamatay ni mama isang buwan pa lang ang nakakalipas ay kinuha na ako Tiyo Arnel para dito na sa Metro manirahan kasama nila. Si Tiyo Arnel lang kasi ang kaisa isang kapatid ni mama kaya wala na akong alam na pwede kong malapitan matapos akong maulila ng lubos.

Namatay ang aking ina dahil sa breast cancer. Si papa naman ay namatay na noong limang taong gulang pa lang ako dahil sa isang engkwentro habang nasa trabaho dahil sa pagiging pulis nito.

Dahil wala na akong alam na ibang kamag-anak na pwedeng puntahan kaya si Tiyo Arnel na mismo ang kumupkop sa akin at kasalukuyang sa kanila na ako ngayon nakatira.

"O, Eli kay Warren ka na lang sumabay. Ipinagbilin na lang kita sa kanya na idaan ka na lang sa bahay para mas sigurado. Hindi natin alam ang panahon ngayon, maraming tarantado." paalala sa akin ni tiyo bago siya umalis sa bar.

Siya ay isang security guard dito sa bar. Siya din ang nagpasok sa akin sa ganitong trabaho. Ang pagiging waitress.

Tapos na ang oras ng kanyang duty dito sa bar kaya sa isang mall na medyo may kalayuan dito ang susunod niyang trabaho bilang security guard din at bukas na ng umaga ang kanyang uwi.

What Happened To Us?Where stories live. Discover now