Chapter 12

20 1 4
                                    

VANESSA

Naglalakad ako papunta sa bench sa tapat ng chapel ng school namin. Nakita ko si Stella na tulala at medyo maganda ata ang mood niya ngayon.

Teka, babasagin muna natin ang daydreaming nito. HAHAHA.

"HUY!" Hinampas ko siya gamit ang mga libro na dala ko. HAHAHA.

"YANO KA! PAPATAYIN MO BA AKO? KAKAGITLA KA E." HAHAHA. Langya. Natatawa ako e.

"Umagang-umaga! Tula na tula ka. At pangiti-ngiti ka pa dyan. Anong meron?"

"Kakasabi ko lang sa'yo kagabi kung anong nangyari." Kagabi? Ay oo nga pala. 'Yung tungkol sa kanilang dalawa ni Adrick.

Wait. Teka. 'Di ko kasi masyadong maintinidhan kagabi nung tumawag siya sa akin. Kinikilig e.

Teka. Teka.

"Kayo na ba ni Adrick?!"

Tumingin siya sa akin nang nakangiti.

"Huh? Ano nga?!"

"Hahaha. 'Di pa kami. M.U. pa lang kami. " Jusko. Sinasabi ko na nga ba.

"Ano?! Kagabi lang?! Langya! 'Di mo kaagad sinabi sa akin!"

"Oy! Sinabi ko ba! Tumawag ako sa'yo kagabi ah!"

Sinamaan ko lang siya ng tingin at napa-isip siya.

"Ay! Na-call ended nga pala kaagad dahil nawalan ako ng signal. Hehe. Tas 'di ako makapagsalita nang maayos kagabi dahil kilig na kilig ako. HAHAHA. Sorry na. Sige, kwekwento ko sa'yo."

Kinuwento niya sa akin kung paano siya nagka-feelings para kay Adrick.

"Wow ha. Sa isang araw mo na lang nakasama 'yung tao, bigla kang na-inlove." 'Di talaga ako makapaniwala. Seryoso, hindi siya love at first sight. Parang katulad dun sa panaginip ni Stella nung summer.

"Ewan ko nga e. Bigla bigla na lang. At handa na nga ako ulit ngayon."

"Pero sana, sana, hindi ka niya sasaktan tulad ng ginawa sa'yo ni Jerome." Ayokong masaktan na naman ito e.

"Alam mo. Ang mga lalaki kasi, iba-iba 'yan. May mga lalaki talaga na matigas ang puso, madaling sumuko, at naghahanap pa ng iba. Pero meron pa rin naman 'yung loyal, kakaiba kung magmahal, seryoso, at 'yung hindi ka lolokohin." Wala akong masabi sa sinabi niya.

"Medyo komplikado talaga ang pag-ibig. Kaya kailangan mong maging mainggat palagi. Parang Math lang kasi 'yan, you must be careful with the signs."

Kahit may love life ito o wala, malalim pa rin ang pinaghuhugutan nito.

-------------------
STELLA

*recess*

"Okay ka lang?" Sabi sa akin ni Adrick. Hinihika na naman kasi ako. Yano naman. Wrong timing 'to.

"Uh. E, ano kasi, hinihika ako." Nahihilo na ako. Kailangan na kailangan ko talaga ng hangin.

"Huh? Ano?! Namumutla ka na. Dadalhin kita sa clinic." Ayoko sanang pumunta ng clinic, pero dahil siya ang kasama ko, baka magalit sa akin dahil pasaway ako.

The HopeWhere stories live. Discover now