Chapter 16

23 1 0
                                    

STELLA

Ano ba ito? Bakit parang may gumagapang sa mukha ko?

Parang...Parang mga tali 'to. Kasura naman. Sinong naglagay nito sa mukha ko? Yano, natutulog 'yung tao eh!

Minulat ko ang mga mata ko.

"AHHHH!!!!!" Punyeta! Umagang-umaga, tatakutin ako! Halos tumalon na ako sa sobrang takot.

Nagising tuloy ako.

May nakita ba naman ako na picture ng isang batang mutlo na sobrang creey nung mukha! Nakakasura!

Para akong inatake sa puso eh. Lumingon ako sa paligid ng kwarto ko. Punong-puno ng mga pastel baby blue at pastel royal blue na balloons ang kisame ng kwarto ko.

Ang cute tingnan nung mga balloons. Hihi.

Sa mga dulo ng tali ng bawat balloons, may mga pictures ko, mga kaibigan na kasama ko sa ibang pictures, at 'yung mga family ko na kasama ako sa pictures. May mga messages din na nakasulat. Hindi ko muna binasa, mamaya ko na lang babasahin.

Pero, ang iniisip ko, sino ang gumawa at nagbigay nitong mga ito? Este, sino ang may kapakana nito?

Ay, hindi pala sino, sino-sino. Hmm...

Pagkatingin ko sa harapan ko, ang daming mga regalo. Wow. Grabe ha. Sobrang effort naman ng mga gumawa at gumastos nito para sa akin.

May nakalagay na isang flag na katamtaman lang ang laki sa ibabaw ng mga regalo. Blue flag siya. Sa dulo nito, may tali. Umalis ako sa higaan ko at may mga blue, yellow, green at red or maroon ata na mga flags sa sahig ng kwarto ko. May mga logo ang bawat falgs, kaso 'di ko makita eh, medyo malabo kasi 'yung mga mata ko kaya hinanap ko ang salamin ko at sinuot ito.

Pagkasuot ko ng salamin ko, laking gulat ko na ang mga nakatatak pala dun sa bawat flags ay mga houses ng Hogwarts--Ravenclaw, Hufflepuff, Slytherin and Gryffindor.

"OMGG!!!" Napa-face palm ako dahil sa sobrang tuwa.

"Ano 'to?" Nabasa ko 'yung nakasulat sa blue flag na hawak ko. Follow the flags and you will arrive at Kings Cross Station for a trip to Hogwarts.

Nako, 'pag hindi lang ito totoo, babatukan ko ang nagsulat nito! Joke lang. Napatawa na lang ako. So, as said on the blue flag, follow the remaining flags. Connected ang mga flags dahil dun sa tali. Kinukuha ko 'yung mga flags na nadadaanan ko.

Pagkalabas ko sa kwarto ko, no sign of everyone or anyone. Wala rin si Mama. Asan kaya siya? Sinundan ko na lang talaga 'yung flags. Pumunta ako sa kusina namin, tapos sa likod namin na garden, then pumasok ulit ako sa loob, umikot pa ako sa dining area namin, tapos lumabas ako, umikot ako papuntang garden....teka, pinapaikot lang ako nitong mga nag-ayos ng flags na 'to eh! Kakasura, nakakahilo and at the same time, nakakapagod din kahit walang second floor itong bahay namin.

Sinisilip ko kung saan ba magtatapos itong pag-follow ko sa mga flags na ito...ah, okay.

"Ah ganun pala ha. Kailangan kong ikutin ang garahe namin tapos paaakyatin lang naman pala ako sa terrace namin. Pwede namang deretsyo umakyat na ako. Sino bang may kapakana nito? Pinapagod ako eh." Asar kong sinabi. Napakamot na lang ako sa ulo ko. I really appreciate who did these to me. Yeah, I really do. -_- Pero, nagustuhan ko talaga 'yung mga flags and 'yung set-up sa kwarto ko. Hihihi.

The HopeWhere stories live. Discover now