Chapter 15

17 0 0
                                    

STELLA

Intramurals Week namin ngayon. Madaming mga activities ang ginaganap.

Basketball, Volleyball, Patintero, Badminton, Chess, at may mga iba pa. Kahit isa, wala akong sinalihan, wala naman dyan 'yung mga nilalaro ko eh. Soccer at Tennis, wala. Pero hindi naman talaga kasi ako athletic person.
Pero itong mga kasama ko, puro Patintero at Badminton ang sinalihan nila. Syempre, kasali si Adrick sa Badminton.

"Huy tara maghahabulan." Akit ni Ava. Wala kasi kaming magawa, tinatamad naman kaming manood ng Basketball.

Nagkumpulan kami nina Ava, Camila, Israel, Neil, Justine at Flor.

"Ge. Game." Sabi ni Israel.

"Game." Sabi naman ni Neil.

"Sali akooo! Stella, sali ka rin. Diba, mabilis kang tumakbo?" Mag-dedeny sana ako sa sinabi ni Camila, kasi ayokong maglaro, pero inunahan ako niya ako. "'Wag ka nang mag-deny nakita kitang tumakbo nung labasan. Naulan pa nga nun, wala ka atang dalang payong kaya tinakbo mo na 'yung kabilang kanto at nakita ko na sobrang lapit na sa'yo nung kotse, pero nalagpasan mo." Nakita niya pala 'yun?! Para ngang magpapakamatay ako nung araw na 'yun eh. Hahaha.

"Nakita mo pala ako. Hehe." sabi ko.

"Laglag ang puso ko sa'yo eh. Akala ko'y mababangga ka na kaya sisigawan na sana kita." At least I'm still alive today.

"Tumingin ka ba sa kalye kung may padating na kotse?" Tanong sa akin ni Israel.

"Hindi." Sabi ko. Yeah, basta-basta na lang ako tumakbo dahil nagmamadali talaga akong umuwi nung time na 'yun.

Nagulat sila.

"Seryoso?! Langya. Magpapakamatay ka yata eh. Susumbong kita kay Adrick." Subukan mo lang Neil. Mapapatay kita. Joke lang 'yun.

"Che. Manahimik ka nga. Sige na. Sali na ako."

"Ayown! Ge. Ikaw taya, Stella." Okay, ako na naman ang taya. Ako naman 'yung maghahabol.

Okay, wala akong ibang ibig sabihin dun. Hehe.

"Ge. Get ready. 1, 2, and.......3!" Nagsitakbuhan na sila. At ako naman, nag-iisip pa ako, kung sino muna ang uunahin ko. 'Yung mahirap muna ang uunahin ko, si Camila at Ava.

Dahil magkakahiwalay sila ng way, nagtago muna ako. Hinihintay ko na magtagpo 'yung dalawa saka ko sila huhulihin.

I'm waiting....Tik tok...Tik tok....Beng! Hinabol ko sila! Huli kayong dalawa!

"Yano. Nahabol agad tayo eh. Di ako aware dun." Sabi ni Camila.

"Hahaha. Ge. Latur, arat sa canteen pagkatapos ng laro natin." Sabi ko at sabay tumakbo ako para hanapin 'yung tatlong lalaki. Neil, Israel and Justine.

Nasa may canteen sila. Bigla nila akong nakita at sabay tumakbo. Syempre, hinabol ko rin naman sila.

Kahit napapagod na ako, tinodo ko pa rin 'yung pagtakbo ko.

Una kong naabot si Neil, tapos si Justine.

Pero hindi ko talaga maabot si Israel. Mas mabilis kasing tumakbo kaysa sa akin. Oh well, si Flor muna.

Habang tumatakbo ako papalapit kay Flor, muntikan ko nang mabangga si Adrick.

"Uy."

"Ay sorry. Hehe. Naglalaro lang kami ng habulan." Hinihingal ako. Shet. Lagot.

"Nako naman. Pawisang-pawisan ka na. Baka hikain ka naman." Pinusan niya ako ng pawis.

"Okay lang. Pupunasan ko rin 'yan mamaya."

The HopeOnde histórias criam vida. Descubra agora