Chapter 2

68 3 0
                                    

STELLA

May 2015

~~

Nasaan ako? Ang liwanag naman dito. Kulay puti lang ang nakikita ko e.

Patay na ba ako?

"May tao po ba rito?" Wow. Hindi nag-echo 'yung boses ko. So meaning, wala ako sa langit, at mas lalong hindi ako patay. Hahaha. Kung ano-ano na ang naiisip ko e.

"Hi." Boses lang nakinig ko. Hinahanap ko kung saan nagmumula 'yung boses, pero 'di ko mahanap kung saan.

Biglang tumalikod ako at may nakita akong isang lalaki.

Pero hindi ko makita 'yung mukha niya. Blurred eh. Nakaputi siya na damit at pants.

"Sino ka? Asan ako? Bakit puro puti ang nakikita ko? Tapos ikaw nakaputi na damit..." Bigla akong napaisip..."NASA LANGIT NA BA TALAGA AKO? NO. WAIT. MULTO KA BA?! OMG. PLEASE, WAG MO AKONG PAPATAYIN OR SOMETHING. PLEASE LANG. TAKOT AKO SA MGA MULTO, PERO ITO AKO NGAYON KAUSAP ANG ISANG MULTO, HINDI KO PA MAKITA ANG ITSURA. MAMAAAA!!" Nag-papanic talaga ako e. Syempre, sino ba namang matataranta, naliligaw tas may stranger ka pa na multo na kinakausap.

Hinawakan niya 'yung kanang braso ko. Napatigil ako.

"Huy, kalma. Wala akong masamang balak sa'yo. Wala ka rin sa langit. At mas lalong hindi ako multo." Umm, to be honest, kumalma ako nung hinawakan niya ako sa braso. I just feel something...like electricity flowing through my body.

"So. Kung wala ako sa langit, nasaan ako? Nasaan tayo? Anong ginagawa natin dito? At tska sino ka ba? Kilala ba kita?"

"Ang dami mong tanong. Mas maiging 'wag mo na lang alamin."

"Bakit? May karapatan naman akong alamin ah." Medyo naiinis na ako. Kasura naman si Kuya oh. Ay, alam ko na.

"Alam mo, dahil hindi kita kilala, tatawagin kitang 'Kuya Unknown'. Para naman may ipan-tatawag ako sa'yo. Hahaha." Natawa rin naman siya sa sinabi ko. Gumaan 'yung loob ko bigla sa kanya.

Napatahimik ako. Siguro, na-akward lang ako after kong mag-panic kanina. Hehehe.

"Oh bakit ka tumahimik?" Fudge. Napansin niya.

"Aaa, ano..Um.."

Hala, anong sasabihin ko?

"Alam mo, maglakad-lakad na lang tayo."

Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Wait lang ha. Naguguluhan kasi ako. Ano bang meron?" Natanong ko sa kanya at patuloy pa rin kaming naglalakad.

"Siguro, may balak si Destiny."

Wait ano raw? Destiny?

"Ano? Destiny?" Ge lang Kuya Unknown, mas nagugulhan ako. "Kung i-direct to the point mo na lang Kuya."

"Di naman kasi lahat ng mga sagot sa tanong mo kailangan mong malaman kaagad. Minsan kailangan din na ikaw mismo ang makakasagot nun, kasi hindi ka matututo kung ako o ibang tao ang magsasabi mismo sa'yo ng sagot." Napatigil lang kami sa paglalakad namin, at humarap ako sa kanya. Di ko pa rin makita 'yung mukha niya.

The HopeWhere stories live. Discover now