Chapter 10

9 1 2
                                    

STELLA

Ugh. Bat ba hindi ko matanggal sa isipan ko 'yung pagmumukha nung nakatabi ko kanina?

Biglang tumibok nang mabilis 'yung puso ko nung tumabi siya sa akin.

May kamukha talaga siya e. Or nakita ko na siya? Ugh! Basta! Maloloka na ako nito e.

Nakahiga lang ako sa kama ko. Tapos na naman ako sa mga assignments ko.
*buzzz*

Nag-vibrate 'yung phone ko. Tiningnan ko ito. May nag-friend request lang naman pala sa akin sa Facebook.

Tinatamad kasi ako minsan mag-accept ng mga friend requests. Pagka-confirm ko nung isa or dalawa, may bago na namang mag-add sa akin. Jusko. Kaya medyo nakakatamad din.

Pero dahil may gana ako ngayon, tiningnan ko kung sino 'yun.

Adrick Vince Mercado.

Familiar sa akin 'yung pangalan ah.

Ay! Gracious! Siya 'yung tinutukoy nina Lyn kanina! Oww.

Hindi na ako nag-dalawang isip pa. Inaccept ko 'yung friend request niya. Pagka-accept ko bigla siyang nag-chat sa akin. Pasalamat siya at inaccept ko 'yung kanya, 'yung iba hindi ko muna i-aaccept. Hahaha.

Wow ha, ang bilis naman. Instant. Hahaha.

Adrick: Hellow.

Ako: Hahaha. Hi!

Adrick: May crush ka ba?

Teka. Teka. Nakinig ko na 'yang tanong na 'yan. Kay Steph. Bago ako umuwi kanina, tinanong niya ako kung may crush daw ako. Sabi ko artista crush ko. Hihi.

Ako: Huh? Uhh..e. Oo.

Adrick: Sino??

Ako: Nakakahiya e. Di mo pati kilala 'yun.

Adrick: Dali na plss. Ok lang.

Ako: Uhh. Sige. Pero artista siya. Si John Bermundo.

Adrick: Ahh. Ganun ba. Pwede ba kitang tawagan?

Uhhh?...

Ako: Um. Sige.

Dahil mabait ako, papayag ko. Yano naman.

*riiiiing- Adrick Vince Mercado is now calling you*

ACCEPT.

Hello?

(Hi.)

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung nakinig ko 'yung boses niya.

Shemays! Ba't parang familiar 'yung boses niya sa akin?! Damn. Saan ko nga ba nakinig itong boses na 'to?

(Sorry kung naisipan kong tawagan ka.)

The HopeWhere stories live. Discover now