Chapter 3

51 1 2
                                    

STELLA

~~

Ugh. Ang sakit ng mata ko. Ang liwanag naman kasi. Wait, nandito na naman ako?! Naman oh!

"Hi."

"Ikaw na naman?" Si Kuya Unkown na naman?! Pero this time, parang hindi na masyasong blurry 'yung mukha niya.

"Oh bakit parang galit ka sa akin?"

"Wala lang. Nagtataka lang talaga ako."

"Naiintindihan mo na ba ang mga sinasabi ko sa'yo? Pero kung may mangyari man sa'yo ngayon, maiintindihan mo na kaya?"

Magsasalita na sana ako, biglang nahulog ako. Damn. May trap pala ha. Nakakasura!

~~

Bigla akong bumangon sa higaan ko.

Nakakasura naman eh! Feeling ko talaga nahulog ako. Trap ba talaga 'yun o hindi? O trip niya lang 'yung sa akin?

Pero kung may mangyari man sa'yo ngayon, maiintindihan mo na kaya?

What does he means? Nahulog ako. That's it. Oh, anong connect?

"Ughh!!!" Nairita na lang talaga ako.

6:01 am. Iniisip ko, bike or jogging? Para naman mawala-wala itong bad mood ko dahil dun sa panaginip ko. Hmm. Kapag bike, kailangan kong linisin 'yung bike ko after kong gamitin para raw hindi magkaroon ng rust. Kapag jogging....

Jogging na lang. Tinatamad kasi akong linisin 'yung bike ko after gamitin, tutal nag-bike na rin na naman ako kahapon, right? Este kami pala.

Naghilamos ako ng mukha ko. At nag-suot ako ng sapatos ko na pang-jogging. Syempre, hindi ko kinalimutan ang phone ko at ang bluetooth earphones ko. Para soundtrip habang nag-jojogging ako. Oh, diba, edi na-eenjoy ko 'yung exercise ko. Hahaha. Lumabas na ako ng kwarto.

"Ma! Mag-jojogging lang akooo."

"Sige. Magdala ka ng tubig mo at towel ha. Ingat." Mama.

"Nakagayak na." Ako.

"Sige. Bye!" Mama.

"Byeee!" Medyo may pagka-"Mama's girl" ako. Pero minsan asal lalaki ako. Depende lang naman sa mood ko.

So, nagsimula na akong mag-jog. I planned na tatakbuhin ko simula dito sa bahay namin hanggang sa may hill dito sa amin. We called it as the "Greenland." Walang bahay ang nakatayo dun, para walang disgrasya ang mangyari. Pero madaming pumupunta dun dahil ang ganda ng view dun.

Mga 3 kilometers ang layo nun sa amin. Medyo malayo, pero worth it pa rin naman.

In the behalf of my jogging, tumigil muna ako nang saglit para mamahinga muna at uninom ng tubig. Then I started to jog again. May asthma kasi ako, kaya medyo hinay-hinay lang ako sa mga activities ko. But I have something more than asthma but I can't tell.

Livin' in my own world
Didn't understand
That anything can happen
When you take a chance.

Ohh, I never believed in
What I couldn't see

Unti-unting bumabagal ang takbo ko nang marinig ko 'yung kantang nag-play sa phone ko. Anong nangyayari sa akin? Bakit parang nag-iba 'yung mood ko nung nakinig ko ang kantang ito?

Ugh. Never mind. Siguro, nabigla lang ako kasi ngayon ko lang ulit nakinig ang kantang ito.

Finally! Natatanaw ko na ang Greenland!

The HopeWhere stories live. Discover now