Chapter Thirty Six

31.1K 666 81
                                    

Isang kawaksi ang nagbukas ng gate para sa kanya. Sumungaw ito at saka nagtanong. "Kayo diba po ang nagpunta dito noon?" Tanong nito. Natatandaan niya ito. Tinawag itong Pining ng kanyang ina ng una siyang beses na magpunta dito.

Tumango siya. "Nariyan ba si Mrs. Andres? Pwede ko ba siyang makausap?" Luminga siya sa paligid. Walang Security guard na nasa guard house. "Naku ma'am pasensya na po kayo. Wala pa po si Ma'am Selena. Kahapon pa po sila hindi umuuwi." Nanlumong napayuko siya. Kaya ba hindi tumatawag ang kanyang ina sa kanya ay dahil wala ito?

"Saan naman kaya sila nagpunta?" Nasisiguro niyang kasama nito ang asawa nito.

Nagkibit balikat ang katulong. "Ang alam ko lang po. Umalis sila dito noong hapon. May pupuntahan po silang dinner party po yata sa kabisera."

Tumango tango siya. Sinabi ni Jorge sa kanya na tatakbong Mayor ng San Agustin si Martin Andres. Marahil ay nagpunta sila sa mga kaalyansa nito. Pero bakit hindi pa umuuwi? "Babalik naman na siguro sila hindi ba?" Tanong niya muli.

Niluwagan ng kasambahay ang pagkakabukas ng gate. "Pwede ko po silang tawagan at sabihing narito kayo. Sa loob nalang po kayo maghintay."

She's a bit hesitant. Hindi niya alam kung tutuloy ba siya. Simula nang tangkain ng asawa ng kanyang ina na pagsamantalahan siya ay nagkaphobia na siya kay Martin. Na para bang hindi niya kayang makasama ang lalaki sa iisang lugar. Pero kailangan niyang makausap ang kanyang ina. Ano ba ang mas mahalaga sa kanya? Ang takot niya o ang oras para magkausap silang mag ina? May pagkakataong gusto niyang magalit sa nanay niya. Hindi kasi niya lubos maisip kung paano nito nagawang ipagpalit ang kanyang ama sa isang walang kwentang lalaki.

But seeing their house now, mukha namang naibigay ng asawa nito ang pangangailangan nito. Pinaunlakan niya ang paanyaya ng kasambahay. Iminuwestra nito sa kanya ang malambot na upuan sa salas. Napapalibutan ng makakapal na kurtina ang paligid. Ay mga antic na muwelbes din siyang nakikita. Tunay na marangya nga ang bahay na iyon miski sa loob man.

Nagpaalam ang kasambahay na tatawagan lang daw nito ang mag asawa. Pagbalik nito'y may dala na itong juice na nasa isang mataas na baso. "Thank you." Usal niya.

"Hintayin niyo lang daw po sila. Pauwi na daw po." Tumango nalang siya. Tumayo siya sa pagkakaupo at nagpalakad lakad sa paligid.

Ganoon ang Ginagawa niya sa loob ng mahigit kwarenta'y singko minutos pero wala pa rin ang hinihintay niya. Magiisang oras na siyang naghihintay.

Nasisiguro niyang naiinip na ang mag ama niya. Mag ama? Natigilan siya. Ang sarap palang banggitin ang salitang iyon. Kusa siyang napangiti. Jorge never failed to lighten her day. To pamper her. At miski si Onie. Todo effort ito sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang mag ina. Na para bang sila ang pinakamagandang bagay sa buhay nito. Kaya alam niya. Walang masama kung sasagutin na niya ng binata. Alam niyang magiging masaya si Onie para sakanila. Nakikita naman niyang mahal na mahal ni Jorge ang anak niya. Noon iniisip niya, sino nga ba ang tatanggap sa isang gaya niya. Na may anak mula sa pagkakagahasa? Pero totoong mayroon nga. Dahil may isang Jorge ang dumating sa buhay niya. O mas tamang sabihing matagal nang nasa buhay niya. Ngayon lang nagkaroon ng pagkakataong mapansin.

Agad niyang kinuha sa likod ng Pantalon ang cellphone niya. Tumutunog kasi iyon. Agad niyang sinagot ng makita ang numero ng ina. "Ma!"

Walang nagsasalita. Pero malalalim na paghinga lang ang naririnig niya. "U-Uma-lis.. Ka-n-na d-dya---."

"Mama nasaan ka?" Tanong niya. Tinatambol ng kaba ang dibdib niya. Tila nahihirapang huminga ang kanyang ina. "Mama? Mama? Ma.. Please magsalita ka." May masasaganang luha ang tumulo sa mga mata niya. Alam niyang may di magandang nangyari dito base sa tinig nito at sa kabang nararamdaman niya. Isama pa ang takot na di niya alam kung para saan.

"U-Umalis na.. Ka-ayoo.. Ng a-apo----ko." Naguguluhang hinawi niya ang buhok.

Bakit ganoon ang sinasabi ng mama niya? "Alright mama. Aalis na kami ni Onie. Pero isasama ka namin. We will escaped together. Doon na lamang kayo sa bahay namin sa Manitoba. Mas okay doon. If you worried about the place? Madali naman kayong makakapag adjust. Just go with us mama."

Pero ungol lang ang itinugon nito sa mahabang sinabi niya. "A-Alis na---."

Kumunot pa lalo ang noo niya ng mawala ito sa kabilang linya. Napamura siya ng makitang namatay na ang aparato niya. "Shit!" Hinanap ng mga mata niya si Pining. Baka makakahir siya ng charger dito. Kailangan pa naman niyang tawagan si Jorge. Sinubukan niyang muling buhayin ang cellphone pero empty battery na talaga. Bakit ba kasi nakalimutan niya iyon icharge kaninang umaga?

Ugong naman ng sasakyan ang sunod niyang narinig. Pagkatapos ay ang nagmamadaling yabag. "Pining! Pining!" Narinig niya ang pamilyar na tinig ng asawa ng kanyang ina. Mabilis na tumakbo ang kasambahay. "Maghanda ka ng damit. Damit ni Selena! Ngayon din."

Tila hindi nito napuna ang presensya niya dahil nagmamadaling naguutos ito. Pero nang lumapit siya sa harapan nito ay saka lang nito nakita siya. "D-Dioann!"

"Si mama? Nasaan siya? Bakit hindi mo siya kasama?" Sunod sunod na tanong niya. Sobrnag kinakain na ang takot ang dibdib niya. Hinawakn siya nito sa braso sa gulat niya.

"Buti pa sumama ka nalang sakin." Sabay bawi niya sa kanyabg braso.

"Bakit ako sasama sayo? Nasaan si mama?" Ulit na tanong niya.

Lumapit si pining at inabot ang di kalakihang bag. "Dadalhin kita sa kanya. Nasa ospital siya. Malubha ang lagay. Ikaw ang hinahanap niya. Gusto ka raw niyang makita."

Nanlambot ang tuhod niya. Kaya ba kinakabahan siya? May nangyaring masama nga s akanyang ina.

Hold on mama.. Pupuntahan na kita.





To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now