Chapter Twelve

34.7K 895 98
                                    

Unconscious pa rin ang bata matapos ang operasyon nito. Na ang sabi ng doktor ay normal lang. Maghihintay lang sila ng ilang oras at baka magising na ang bata.

Tinawagan na niya si Auntie Precy niya. Iyak ng iyak ang tita niya dahil sa nangyari. Mas lalo siya tuloy naguilty at sinisisi niya ang sarili.

Hinaplos niya ang buhok ng batang tila natutulog lang. May benda ang ulo nito at may ilang aparatong nakakabit sa katawan. "Matapang ka diba?" Pagkausap niya dito. "Diba gusto mo pang mamasyal kasama si mommy? Play with mommy. Watch movies with mommy. Then, why you still sleeping?" Pinahid niya ang luha niya.

Hindi pala niya kaya. Akala niya, kapag nawala sa buhay niya ang bunga ng mga maling panahon sa kanya ay babalik siya sa dati. Magiging normal ang buhay niya. Pero hindi pala. Parang mas magiging magulo pa ang lahat. Bakit ba kailangang may mga bagay na mangyaring masama muna bago malaman ang halaga niyon?

Marami siyang bagay na hindi nagawa para kay Onie. She does not experienced to change his diaper. Ang ipagtimpla siya ng gatas kapag nagugutom siya. Ang ipaghele siya kapag nagigising siya sa hating gabi. Ang paliguan siya.

Hindi niya naranasang samahan ito sa unang hakbang niya. Hindi niya naranasang makipaghabulan dito sa gitna ng park. Hindi niya naranasang gamutin ang sugat nito sa unang pagkakadapa. At hindi niya narinig ang unang salitang binigkas nito noon.

Ngayon niya napagtanto na naparaming panahon ang sinayang niya. That she shouldn't blame him for what happen to her. Tama ang auntie niya. Hindi kasalanan ni Onie na nabuhay ito sa mundo. Marahil ay nilamon lang siya ng matinding galit at poot sa taong sumira ng buhay niya. "I'm sorry Son.. Mommy is here now.. Gaya ng pangarap mo.. " Bulong niya.

She just wished na sana ay magising na ang anak niya. Babawiin pa niya ang anim na taong ipinagkait niya dito. Six long years na binura niya sa isip niya na isa pala siyang ina. Ina na may anak na matagal na siyang hinihintay.

Ano pa nga ba ang pinagkaiba niya sa sarili niyang ina na kinalimutan siya? Hindi ba't ginawa din niya kay Onie ang ginawa sa kanya? Maling sinisi niya ang bata at idinamay sa maling nangyari s abuhay niya.

Parang namamaga sa hapdi ang puso niya kapag naiisip niya kung paano ito umiiyak sa harapan niya. His first tooth ache na binalewala niya. His first burn dahil iniwan niya ito sa high chair noong bata pa ito. His first wound dahil pinipilit nitong matutong maglakad.

Those First are like a Television shows na patuloy na nagpapalabas sa isip niya. She misses a lot of important events in his life. His first step. His first M-Maama. His first teeth. His first fruit na kinain niya. His first vaccine.

Maraming bagay siyang binalewala bilang isang ina. Kaya paano siya ngayon magiging ina sa sarili niyang anak kung ang mga bagay na dapat ay alam niya'y hindi niya naranasan? "Gising na anak... " Hinaplos niya ang kamay nito. But still, hindi pa rin iyon gumagalaw.

"Coffee?" Napalingon siya ng marinig niya ang tinig ni Mr. Felipe na siyang nagbigay ng dugo para sa anak niya.

May inabot itong styro cup sa kanya. May umuusok na kape doon. "T-Thanks."

Naramdaman niya ang pag upo nito sa paanan ng kama. Akala niya ay kanina pa ito nakauwi. Iyon pala'y naroroon pa rin ito. Hindi siya makapaniwalang sinalba nito ang buhay ng anak niya. "Your Son is a fighter. Alam kong magigising din siya." Sabi nito.

Napakunot noo siya. Paano nga ba pumasok ito sa buhay nila? Nang maalala niya ay saka siya nakaramdam ng hiya. "I-I'm sorry.. For being rude to you.. "

Gumalaw lang ang ulo nito. "It's okay."

Pinahid niya ang luha sa mga mata. Sandali niyang tinitigan ang mukha nito. There's a familiarity that drawned in his face. Bakit parang nakita na niya ang mga matang iyon? Those almond dark brown eyes. Ipinikit niya ang mga mata at saka pilit na iniisip kung saan nga ba niya ito nakita.

She tightly closes her eyes when... "M-Mommy.. "





To be continued...

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now