Chapter Seventeen

33.3K 755 26
                                    

Attorney Ruth Rosales held his hand. But she refused to accept it. Humakbang siya palayo dito. "It's alright, Ms. Victorio. You can't force yourself to remember it. Ang mahalaga you will start coping with your tragic memories."

Kahapon sila dumating mula Winnipeg. At nakipagkita na siya agad kay Attorney Rosales sa opisina nito. She can't declare everything that happened years ago. Para bang pilit na kikipaghabulan ang alaala niya sa kasalukuyan. Sabi ng psychiatrist niya, Post traumatic stress disorder daw ang tawag dito. That defines in short term memory loss. "It's normal para sa gaya mong dumaan sa isang sexual trauma Ms. Victorio. I will not force you to tell me everything. All you need now is to rest and relax. Soon, mareregain mo muli ang memories mo."

Pinahid niya ang luha niya. Hindi naman totoong nakalimutan niya ang lahat. Sa katunayan naaalala niya. Pero bakit kapag iisipin na niya at uumpisahan na niyang ikwento sa iba ay saka sila biglang parang nawawala. "I want to.. H-Heal."

Tumayo ito. Ilang dipa ang layo s akanya. "Soon Ms. Victorio. Sa ngayon, willing akong hawakan ang kaso mo. But for the meantime you need to seek for a new psychiatrist. Matutulungan ka nilang makabalik sa normal. Not totally healed but at least makakacope up ka kahit paaano. And when you remember everything. Makakatulong iyon para mataas natin sa husgado ito."

Tumango tango siya. Naaalala niya ang mukha ng lalaking iyon pero bakit nakakalimutan niya? Gusto na niya ng normal na buhay. Iyong hindi siya natatakot maglakad sa dilim dahil baka may biglang humablot sakanya at tuluyan na siyang patayin. Gusto na niyang mamuhay nang hindi nagaalala na baka balikan siya ng lalaking lumapastangan sa kanya.

Nang bahagya siyang kumalma ay muli siyang umupo sa visitor chair at inabot ang tissue box na binigay ni Attorney Rosales. "I'm sorry attorney. I'm sorry sa behavior ko." Sabi niya.

Sumandal ito sa pagkakaupo. "It's okay Ms. Victorio. Hindi lang ikaw ang kliyente kong may ganyang kaso. I must say, yung iba naghihysterical pa everytime we had a talk about the situation and the past. Hindi pa rin kasi sila nakakamove on gaya mo."

"N-Nanalo ba sila?" Halos pabulong niyang tanong.

Tumango ang batang abogado. "Yes. Ginawa ko ang lahat para ibigay ang tulong na dapat ay para sa kanila. But in your case, gusto kong ihanda mo ang sarili mo. Hindi magiging madali ang laban mong ito. Lalo pa't statement lang ng mga taong tumulong sayo noon ang hawak natin. What we need now is a concrete evidence that will pin point who is the mastermind behind your Rape Case." Nanginginig ang mga daliri ngpilit niyang inalala ang mukha ng lalaking iyon.

Kapag nakapagbigay siya ng cartographic sketch ay malaking tulong iyon para umusad ang imbestigasyon. Mapapangalanan na ang taong sumira ng buhay niya.

Naramdaman yatang abogado ang panginginig niya kaya hinawakan siya nito sa kamay na naging dahilan para mapakislot siya at magsisigaw sa takot.

Mabilis na tumakbo siya sa isang sulok ng silid. "Huwaaag! Huwaagg!" Umiiyak na sigaw niya.

"Ms. Victorio si attorney Ito. Hindi kita sasaktan." He tried to reach her pero mas lumayo siya. Tinabig na niya ang vase na malapit s akanya.

Kasabay ng huling sigaw niya ay ang pagbukas ng pintuan. Mabilis siyang tumakbo papalapit doon nang makita niya si Mr. Jorge at yumakap siya dito. "What happening here Ruth?" Tanong nito. Humahagulgol siya sa bisig ng binata. Tila nakaramdam siya ng konting kapayapaan doon. Sandaling nawala ang takot niya.

"I think you better send her home now. Saka na muli kami maguusap para sa updates. I suggest that you have to find her a psychiatrist. Makakatulong iyon sa kanya. " Narinig niyang sabi ng abogado.

Ito ang unang pagkakaktaon na naghisterikal siya. Dati kapag nagkukwento siya sa tita niya ay umiiyak lang siya. Iba marahil ngayon dahil lalaki ang kaharap niya. Pero kailangan niyang harapin ang takot niya. Dahil hindi siya makakalaban kung natatakot siya. Inakay siya ni Mr. Jorge palabas ng opisina ng abogado. Nakayuko lang siya at nakapikit ang mga mata.

Bumabalik ang takot sa puso niya. Bumabalik ang bangungot na akala niya'y nakalimutan na niya.





To be continued...




------

Magnilay ngayong Semana Santa. Matutong magparaya at magpatawad.

Happy Holy Thursday.

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now