Chapter Twenty Three

33.6K 751 31
                                    

Bahagyang napaigtad si Dioann ng mapagbuksan niya ng pinto si Jorge. "Mr. Jorge!"

Isang malapad at mapang akit na ngiti ang ibinigay nito sa kanya. "Hi." Bati nito. Nilinga niya ang paligid. Napakatahimik. Masyado pang maaga.

"A-Anong ginagawa mo dito? M-Maaga pa." Aniya.

Ngumiti lang muli ito sa kanya. "Dinadalaw kayo. Yayayain ko sana kayong mamasyal." Nagulat pa siya sa sinabi nito. Makalipas ang ilang araw ay ngayon lang ulit ito nagpakita sa kanya. Bakit obligasyon ba niyang magpakita sayo?

"I'm sorry Mr. Jorge pero may lakad kami ni onie ma---."

"Mr. Jorge!" Sabay silang napalingon nito sa likuran. Pupungas pungas pa si Onie. Suot ang kanyang dark blue pair of cotton pajamas. Mabilis itong lumapit kay Mr. Jorge at yumakap. "Hello Mr. Jorge. Bakit ngayon ka lang po?"

Kinarga ito ng binata. "Sorry little Man. Busy lang e. Dami kasing kailangan gawin. But I'm here now para ipasyal kayo." Napairap siya ng kumindat ito sa kanya. Bakit ba biglang nagiging papansin ang lalaking ito sa kanya?

Namilog ang mga mata ni Onie. "Talaga po? Papasyal tayo?" Di makapaniwalang sabi ng bata.

Tumango si Mr. Jorge. "Oo naman. Di ba nagpromise ako sayo? Kaya tutuparin ko iyon."

Bumaling si Onie sa kanya. "Mommy narinig mo po 'yon? Papasyal daw po tayo. Tara na mommy magbreakfast na tayo." Alanganing tumango nalang siya sa bata. Masyado na kasi itong nagtatanong tungkol kay Mr. Jorge na hindi naman niya alam kung paano sagutin kaya hahayaan nalang niya.

Isinalo na nila si Mr. Jorge sa hapag. Mabuti na lamang at sobra sobra ang niluto niya para sa almusal. Maagang umalis kasi ang Auntie Precy niya, nag paalam sa kanya na sasama itong magbeach kasama ang mga kaibigan nito. Hinayaan nalang niya. Simula kasi noon ay ito na ang tumayong nanay niya. Wala na itong oras para sa sarili nito at sa sariling pamilya. Siya nalang lagi ang iniintindi dahil sa kondisyon niya.

"Do you like it Mr. Jorge? Si mommy po ang nagluto niyan." Masayang tanong ni Onie.

Pinamulahan siya ng mukha ng bigla na namang kumindat si Mr. Jorge sa kanya. May sakit ba ito sa mata? Saka muling nagsalita. "Yes, super sarap. Ito na yata ang pinakamasarap na almusal na natikman ko."

Obvious ang pambobola nito. "Hotdog at bacon lang yan. Anong nakakaamaze sa lasa niyan?" Masungit na tanong niya. Halata naman kasing nambobola lang ang lalaki.

Bumungisngis si Onie. Halatang pinagtatawanan nito si Mr. Jorge. "Sabi ko naman po kasi sa inyo Mr. Jorge.. Ayaw ni mommy sa mga bolero!"

Ngumuya pa muli si Mr. Jorge. "Masarap kaya. Sobrang sarap!"

Umismid lang siya. Akala yata ng lalaking ito ay hindi niya napupuna ang pambobola nito. "Sige lang Mr. Jorge kain ka lang ng kain." Aniya na may sarkasmo sa tinig. "And you onie.. Finish your breakfast. Di yung tawa ka ng tawa d'yan." Sabi naman niya sa anak.

Nang matapos ang bata sa pagkain ay lumapit iyon sa kanya. "Mommy, pwede po bang dito matulog si Mr. Jorge mamaya. Maglalaro po kami ng PlayStation plus." It's too much. Ano ba ang ipinakain ni Mr. Jorge sa anak niya at habol na habol ito.

"Anak, nakakahiya kay Mr. Jorge kung dito natin siya patutulugin. Iisa lang ang room natin. Hindi naman siya pwede sa room ni auntie." Pagpapaunawa niya sa bata.

"edi doon nalang po kami sa floor sa salas. Di po ba pwede naman matulog doon." Malamnan ang mga matang tinignan siya ng anak.

"Onie!" Napabugtong hininga nalang siya.

"Please mommy.. Please.. " Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at saka tumango dito. "Yehey! Thank you Mommy."





To be continued...




--------

Sorry po kung ganyan lang. Di ko kasi alam kung paano pakiligin ang mga ganitong eksena.. Ang hirap kasi lalo na kapag may mga sekreto ang kwento nila.

GENTLEMAN Series 10: Jorge FelipeWhere stories live. Discover now