Epilogue

19.1K 628 69
                                    

Nagising ako mula sa pagpapahinga sa pagire dahil sa narinig kong pagiyak ng baby. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa direksyon ng baby na umiiyak, nakita ko si Samie na karga-karga ang baby namin habang sinusubukan na pinapatahan ito. Sa wakas na tapos din ang pagire ko ng bongga.

"Shh. Daddy is here don't cry my love." He said making me smile. Tatay na tatay na ang dating niya at masasabi kong bagay sa kanya.

"Give her to me." I said. Tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti.

"Buti nagising ka na, hindi ko alam kung paano siya patatahanin."

"Sumusuko ka na ba? Second day palang niya." Biro ko.

He chuckled. "Hindi. Nag iisip na nga ako ng paraan para mapatahan siya."

"Habang wala ka pang naiisip, akin na muna siya." Umupo ako mula sa pagkakahiga tsaka siya lumapit sa'kin para ibigay sa'kin si Baby Samatha. Kinarga ko siya at tinitigan sa mukha niya at sa pangalawang pagkakataon napaluha na naman ako nang makita ko siya. Sobrang, ganda niya. Mas maganda siya sa'kin.

"Kamukha mo siya." Samie said.

"You're right." Pinunasan ko ang luha ko tsaka hinalikan sa forehead ang maganda kong baby na sa wakas ngayon ay tumahan na. Halik ko lang ata ang mag papatahan. Haha.

"Ang daya, paano mo nagawa 'yun?" Samie asked making me laughed.

"Baka hinahanap lang 'yung amoy ng Mama niya."

"Mmm. Dapat malaman din niya ang amoy ng Papa niya."

I giggle. "Masasanay din siya, relax ka lang."

"Gising ba ang apo ko?" Dinig naming boses ni Mama sakto sa pagbukas ng pinto.

Tumingin kami sa direksyon ng pinto at nakita ko siya kasunod lang si Papa at Kevin.

"How is she?" Mama asked looking directly at her apo.

"She's behave, so far." I said.

"Pwede ko ba siyang kargahin?"

"Opo." Kinuha siya sa'kin ni Mama. Ni wala pa nga atang limang minuto na karga ko siya kinuga na agad siya ng lola niya.

"She's really beautiful." Mama said.

"May i see." Kevin said. "She's very small."

"Ganyan ka din dati, sweetie." Mama told Kevin.

"Hello." Dinig naming sabi ng isang pamilyar na boses. Tumingin kami sa direksyon ng pinto at nakita ko si Jess at John.

"Hi." Sabay nilang bati sa'min.

"Hi guys." Bati ko.

"Sorry ngayon lang kami nakadalaw, busy sa trabaho eh." Jess said.

"Ayos lang." I reassured. Bumeso lang si Jess sa mga magulang ko bilang pagbati din siguro sa kanila tsaka niya binaling ulit ang tingin sa'min.

"How's my inaanak?" Tanong niya habang nakatingin sa anak ko.

"She's now sleeping." Sagot ni Mama.

"Oh my G. Kamukha mo siya beb."

"Salamat."

"Anong pakiramdam ng manganak?" Tanong niya tsaoa tumingin sa'kin.

"Well ang masasabi ko lang sobrang sakit. Gusto mo na bang sumunod?" Biro ko.

"No!" She shakes her head.

I giggle. "Akala ko pa naman bibigyan mo na siya ng kalaro."

"Shut up, beb!"

Naramdaman ko ang pag tapik ni Samie sa braso ko kaya nabaling ang tingin ko sa kanya. "Gusto mo munang kumain habang karga ni Mama si Samantha?" Tanong niya sa'kin.

"Hindi na muna, hindi pa naman ako nagugutom eh."

"Ikaw ang bahala." Umupo nalang muna sa tabi ko at inakbayan ako tsaka kami sabay na tumingin sa direksyon ng anak namin. Na kahit natutulog na ayaw pa din bitawan ni Mama.

"Pwede na tayong magpakasal." Bulong ni Samie sa'kin kaya naibaling ko tingin ko sa kanya.

"Lumabas na si Samantha at may flower girl na tayo." Dagdag niya.

I giggle. "Tama ka."

"Pagnakasal na tayo, sundan na agad natin siya." Biro niya kaya hinampas ko siya sa dibdib niya ng mahina. Loko talaga!

"Aww!" Natatawa niyang sabi.

"Ang hirap kayang umire!"

"Alam ko, nakita ko naman eh."

"Tapos mag re-request ka agad ng kasunod, sapakin kita dyan eh."

He laughed. "Biro lang naman, pero syempre depende na sa'yo kung se-seryosohin mo."

"Tsaka na natin isipin 'yan kapag five years old na si Samantha."

"Okay." He kissed my hair.

"Siguradong magiging marami siyang manliligaw." Kumento ko sa anak ko habang naka tingin sa kanya.

"Woe Kel, 'wag muna natin pag usapan ang manliligaw niya. Hindi pa 'ko handa sa ganun."

I laughed. "Okay, oh-so-strict-daddy-Samie."

He shrugged. "Just sayin." Hinawakan ni Samie sa kamay ko at hinalikan ito. "Thank you for giving Samantha."

"Hindi lang ako 'yan nu, may contribution ka din sa kanya. Hindi naman siya mabubuo kung wala ka."

He laughed. "Sabi ko nga eh."

"Bakit kayo nagtatawanan dyan?" Pagtataka ni Jess.

"Private joke." Sagot ko sabay baling ng tingin sa kanya. Pinoke ni Samie ang cheek ko kaya sa kanya na naman ako tumingin.

"I love you." He mouthed.

"I love you too, pogi."

--

⇨END⇦

Sorry sa maiksing Epilogue, yan lang kinaya ng utak. ✌😁

Salamat sa pagbabasa, babies.
😘

Play With KellyWhere stories live. Discover now