Eleven

19.1K 555 8
                                    

Tubig!

Yan agad ang unang pumasok sa utak ko pagkagising na pagkagising ko. Sobrang sakit ng ulo ko na talaga namang iniexpect ko dahil sa dami ba naman ng ininum ko kagabi.

Kinapa ko si Samie sa tabi ko pero di ko siya naramdaman kaya minulat ko yung mga mata ko at inilibot ang paningin sa kwarto niya pero di ko siya nakita.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at para akong pinupukpok ng kaso sa sakit ng ulo ko. Urgh! Langyang alak yan, nilasing ako!

I look down at myself, im still naked. Then suddenly panicked strikes me remembering we didn't use any protection last night.

Oh Shit!!!!

No! Ayokong maging nega, maingat naman siguro si Samie. But still, shiiit!!

Biglang nag bukas yung pinto mula sa kwarto ni Sam at naglakad siya papasok tsaka ngumiti ng very sweet sakin ng wala manlang saplot pang itaas nito.

"Good morning Kel." He greeted kissig my head. "Are you okay? Ang putla mo." Tanong niya pagkaupo niya sa tabi ko.

"Ayos lang ako. Pwede mo ba kong ikuha ng tubig?"

"Oo naman sige pero sigurado kang ayos ka lang?"

"Oo nga!" Di ko napigilang lumabas ang irita sa tono ng boses ko. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. "Sorry." I quickly apologized.

Shemay naman! Bat ba kasi di ko manlang naisip yun kagabi? Dala na ba ng kalasingan o pagkaexcite sa ginagawa namin? Pero kahit ganun, never kong kinakalimutan ang condom!!

Urgh!! I'm now starting to freak out.

"Mukhang hindi maganda ang gising mo." He comments. Hindi nalang ako nag salita at inilagay nalang yung mga kamay ko sa ulo ko at kunyaring masakit ang ulo- wait masakit nga pala talaga ang ulo ko. Dinagdagan lang ng hindi namin pag gamit ng protection.

"Ikukuha na kita ng tubig." Pagkasabi niya nun nag lakad na siya palabas ng kwarto niya.

Pagkalabas niya dali dali akong umalis ng kama at nag suot ng underwear. Nakita ko na yung dress ko na nakasabit sa upuan kaya kinuha ko to at isinuot ulit, pero bago ko pa buong maisuot ito dumating na si Sam bitbit ang isang basong malamig na tubig.

"Bakit nag bibihis ka na?" Pagtataka niya.

"Bakit hihingi ka pa ba ng round two?" Pabalang kong sabi. Haay! Pambihira! Zinipper ko lang yung dress ko at lumapit sakanya tsaka kinuha yung tubig. Inunum ko agad to at nagawa ko siyang maubos.

"Masama lang ba talaga gising mo o badtrip ka sakin?" Tanong niya.

"Uuwi na ko Samie." Pagiiba ko ng usapan. Hinanap ko yung pouch ko at nakita ko to sa side table niya.

Kinuha ko lang yun at lumapit ulit sakanya para halikan siya ng mabilis sa labi bilang pagpapaalam. Lumabas din naman agad ako ng kwarto niya at hinanap ang daan palabas ng Unit pero di pa man ako nakakalayo ng kwarto niya naramdaman ko ang pag hila niya sa braso ko at pilit akong pinaharap sakanya.

"Kelly ano bang problema bakit parang nag mamadali kang umalis?" Pagtataka niya na may halong inis sa tono ng boses.

"I just want to go home!" I freak out.

"You're obviously lying! Kumalma ka nga muna pwede tsaka mo sakin sabihin kung anong gumugulo sa isip mo!"

"Fine, you really want to know.." Hinila ko yung braso kong hawak niya. "Wala tayong ginamit na protection sa pagtatalik natin kagabi, natatakot ako na baka di ka nag ingat at.." I paused. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba tong sasabihin ko.

"Mabuntis ka?" He finished my sentence. "Ano naman kung mabuntis ka?"

"Whaaaat? Bakit plano mo bang buntisin ako?!" Gulat kong tanong na may halong galit.

"No hindi yun ang ibig kong sabihin.." He runs his fingers through his hair. "..ang akin lang, walang issue sakin kung mabuntis ka. Pananagutan naman kita eh."

"Alam mo hindi mo naiinitindihan eh. Kung ikaw may issue sa sigarilyo ako may issue sa pagbubuntis."

"Look.." Huminga siya ng malalim. "..Okay, i understand na hindi ka pa handa sa mga ganung bagay. Pero wala ka namang dapat ikafreak out eh, ngayon lang naman tayong walang ginamit kaya may chance na wala pang mabuo."

"Sana lang talaga!" Haay! di ko alam kung bakit inis na inis ako sakanya samantalang may kasalanan din naman ako dito dahil pumayag naman akong mag talik kami kagabi.

Hinawakan niya ko sa magkabilang braso at pilit na pinapakalma ako sa pag haplos niya dito. "Kalmado ka na ba ngayon?" Tanong niya.

Huminga ako ng malalim at umiling sakanya.

Iniyakap niya ko sakanya at this time likod ko naman ang hinaplos niya. "Talaga bang uuwi ka na? Amoy alak ka pa." Bulong niya at naramdaman ko ang pag amoy niya sa ulo ko.

Haay! Oo nga dahil sa pag freak out ko, nakalimutan ko munang mag shower.

"Bakit ka pa nakayakap sakin kung amoy alak naman pala ako?" Pagpapatuloy ko sa pagtataray.

I heard him chuckled. "Dahil baka mapakalma ka ng kunti sa yakap ko, tsaka i don't mind kung amoy alak ka." Naramdaman ko ang pag halik niya sa ulo ko. "Mabango ka pa rin." Dagdag niya.

Mokong na to naglalambing, palibhasa hindi gumamit ng protection!

"Eh pag amoy yosi ako?"

"Pag iisipan ko."

I just laughed, softly. Ang laki nga talaga ng issue niya sa yosi.

"Ahh, finally tumawa ka din." Bumitaw siya sa pagkakayakap at hinawakan naman ako sa mag kabilang pisnge. Hinalikan niya ko sa noo, sa ilong at sa labi pero syempre dahil nasa labi na siya ibinalik ko din naman yung halik niya pero di naman matagal na halik yun.

"Gusto mong kainin yung niluto ko?" Tanong niya.

"May niluto ka?"

"Oo, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataong sabihin kasi naman ang taray taray mo agad."

I laughed again. "Sorry ha! Kung sana bumibili ka ng isang box ng condom, hindi sana ako nag freaked out!"

Finally my mood changed!

Napakamot siya sa likod ng ulo niya. "I uh.. i'll try to buy."

"Sige na, kainin na natin yung niluto mo para makapag shower na din ako."

Inakbayan niya ko. "Okay."

--

Keep voting babies. ☆

Play With KellyWhere stories live. Discover now