Thirty Seven

13.3K 445 14
                                    

Nasa hapag kainan na kami ni Samie at kumakain kasama ang mga magulang ko at kapatid ko. Tulad noong unang punta dito ni Samie halos sia lang ni Papa ang mag uusap ang pinag kaiba lang noon galit siya sa'kin ngayon dahil sa sinabi ko sa kanya.

Alam kong palpak 'yun, sobrang palpak talaga 'yun pero anong magagawa ko eh nasabi ko na. Hindi ko na magagawang mabawi pa.

Sa pagtapos naming kumain hindi namin pinahalata kay Papa na may sama ng loob sa'kin ngayon si Samie. Si Mama naman kasi alam kung anong sitwasyon namin. Dahil magiinuman pa si Samie at Papa kaya naisip kong umakyat nalang muli ng kwarto ko habang hinihintay na matapos silang mag inum.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nag hintay na matapos si Samie at Papa sa pagiinum. Hindi ko namalayan ang oras basta bigla nalang nag bukas 'yung pinto at si Samie ang nakita ko.

"Uwi na tayo?" Tanong niya. Ni wala manlang kalambing-lambing sa tono niya.

"Sige." Pagsangayon ko.

Lumabas na 'ko ng kwarto at dumiretso sa sala kung saan nandun silang tatlo.

"Uuwi na po kami." Pagpapaalam ko.

"Dalasan mo na ngayon ang pag bisita dito para ma-monitor ko din ang pagbubuntis mo." Mama said.

"Opo." Matipid kong sagot. Tumingin ako kay Kevin. "Kev, mag behave ka. Okay?"

Tumango lang siya bilang sagot habang nakangiti. Ginulo ko ang buhok niya dahil da ka-cute-an niya.

"Uuwi na po kami Tito, Tita." Pagpapaalam ni Samie sa kanila. Bumeso muna ako sa kanilang tatlo tsaka namin sinimulanh mag lakad palabas ng bahay.

Kahit galit sa'kin si Samie hindi pa din naman nawala ang pagiging gentleman niya, pinag buksan pa kasi ako ng pinto ng kotse eh. Pagsakay ko ng passenger seat turn naman niya na sumakay sa driver's seat. Agad niyang ini-start 'yung makina at sinimulan namin ang byahe.

Habang nada kalagitnaan kami ng byahe, ibinabaling ko ang tingin sa kanya baka sa kaling suklian niya ng tingin peri hindi, dedma talaga siya. Until now hindi pa din niya 'ko pinapansin kahit wala na kami sa bahay ng magulang ko.  Naiintindihan ko naman kung bakit.

'Yung mga sinabi ni Mama sa'kin kanina nung nag usap kami medyo tumatak sa isip ko. Siguro nga dapat hindi ko ikumpara ang lahat ng Marriage sa nangyari sa kanila ni Papa. Dahil sa negatibo kong pag iisip, pati 'yung sa'min ni Samie na apektuhan.

Nakarating kami sa parking ng tahimik lang. Sabay na din kaming bumaba ng kotse. Sabay din kaming nag lakad papuntang elevator pero kahit hawakan manlang ang kamay ko hindi niya ginagawa.

He's really mad at me.

Nag patuloy ang pag dedma sa'kin ni Samie hanggang sa pag dating namin sa Unit. Dumiretso ako sa sala habang siya dumiretso sa kusina.

Haay! Hindi ako sanay ng ganito. Hanggang kailan niya ba 'yan gagawin? 'Wag naman sanan niyang tagalan.

Pumunta nalang ako ng kwarto ko. Kinuha ko 'yung towel at pumasok ako ng bathroom para makapag shower.

Sa pag tapos ko namang mag shower nakita ko si Samie na nag bibihis. Pero kahit alam niyang lumabas na 'ko ng bathroom hindi parin niya 'ko pinapansin, ni hindi nga ako tinitignan eh.

Nakakainis na! Hindi ko naman magawang ilabas 'to sa kanya dahil una sa lahat alam kong ako ang mali.

"Sam pwede na ba tayong mag usap?" Tanong ko. Tumingin siya bahagya sa'kin tsaka umiwas din naman agad.

"Mag bihis ka muna." Pagkasabi niya nun nag lakad na siya palabas ng kwarto

Tulad ng sabi niya, nag bihis nalang ako para makapag usap na kami at matapos na 'tong malamig niyang trato sa'kin. Gusto kong maglambing ulit siya sa'kin, na mimiss ko na 'yun ngayon.

Nang makapag bihis ako lumabad agad ako ng kwarto at nakita ko siya sa sala na seryosong nakaupo sa couch.

"Mag usap na tayo." I speak making him looked at me.

"Anong pag uusapan natin?"

"Tungkol kanina-"

"Kel, kung hindi ka handang pakasalan ako hindi na kita pipilitin. Kung 'yun lang pag uusapan natin matutulog na 'ko." Pagpuputol niya sa pagsasalita ko.

"Hindi sa ayaw kong magpakasal sa'yo, mahal kita at syempre gusto ko ring makasama ka ng mas matagal pa, mas matagal pa kesa sa kaya ng iba. Sa'yo ko lang 'to naramdaman Samie, bago ang lahat nang 'to sa'kin alam mo 'yan at naging mabilis ang mga pangyayari. Sa sobrang bilis hindi ko na namalayan na mahal na kita hanggang sa aabot na mapaguusapan na pala ang kasal. Wala sa kahit na sinong ex ko ang naisip kong pakakasalan ko dahil wala talaga sa isip ko ang mag pakasal pero iba ka. Hindi mo lang ako napapasaya sa kama pati sa bawat oras na kasama kita, sa bawat segundo at minutong kasama kita lagi akong masaya. Mahal kita sobrang mahal na mahal kita at kung mag papasaya sa'yo na magpakasal tayo, sige gawin natin 'yun. Magpapakasal na 'ko sa'yo."

"T-talaga?" Gulat niyang tanong.

"Oo! Kaya please, 'wag ka ng magalit."

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa couch at lumapit sa'kin. Hinawakan niya ako sa pisnge at hinalikan sa labi ko ng matagal lalo na't nag respond pa 'ko.

"Hindi ka na galit?" Tanong ko after ng halik namin.

He shakes his head. "Hindi na. Pakakasalan mo na 'ko eh." Nakangiti niyang sabi.

Niyakap ko siya sa bewang niya at sinuksok ang mukha ko sa dibdib niya. "Salamat naman. Ayoko ng nagagalit ka sa'kin hindi ka kasi namamansin."

"Ayoko lang na magkasagutan pa tayo kaya mas gusto kong tumahimik."

"Mmm." I just hummed.

"Inaatok ka na?" Tanong niya.

"Mmm.hmm." I hummed again, saying yes.

Binuhat niya ako na parang newlywed para dalhin sa kwarto. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama tsaka siya humiga sa tabi ko. Iniyakap ko sa kanya 'yung braso ko at tumanday din pagkatabi niya sa'kin.

"Ang haba ng confession." Biro niya kaya dinibdiban ko siya ng mahina. "Aww!" Pagaangal niya habang natatawa.

"'Wag mo ngang pagtawanan confession ko." Minsan ko na nga lang gawin pinagtawanan daw pa? Pasalamat siya miss ko 'tong yakap ko sa kanya kundi tinalikuran ko na siya.

"Sorry." He apologized laughing.

Tss. Kanina lang ang tahimik niya ta's ngayon tumatawa na.

"But seriously, I'm happy dahil pumayag ka ng pakasalan ako." He said.

"Kailangan ko lang sigurong matauhan ng kunti."

"What do you mean?"

"Nakausap ko kasi kanina si Mama. She advices me to follow my heart not my mind. Heart ang ginamit ko kaya pumayag na 'ko."

"Salamat sa payo niya."

I chuckled. "Oo nga."

"Saan gusto mong makasal?" Tanong niya.

"I uh.. honestly don't know. Hindi kasi talaga pumasok sa isip ko 'yan."

"Gusto mo ba sa Church, Beach or Garden?"

"Hmm... ayokong ikasal na malaki ang tyan ko. Ayos lang bang civil muna tsaka na 'yung bongga kapag nanganak na 'ko? Para kasama na din sa marcha ang baby natin."

"Oo naman, gusto ko rin 'yun." Hinalikan niya 'ko sa ulo ko. "Civil muna tsaka na 'yung Church, Beach at Garden Wedding natin."

"What?" Natatawa kong tanong. "Ang dating sa'kin ng sinabi mo Apat na beses mo 'kong gustong pakasalan."

"Why not? Masaya kaya 'yun."

I giggle. "Sira!"

--

Keep voting. ☆

Play With KellyWhere stories live. Discover now