Twenty Two

16.5K 504 17
                                    

Samie is cooking habang ako ini'enjoy lang panuorin siya sa pagkilos niya sa kusina. Gustuhin ko mang tulungan siya ayaw naman niyang pumayag, bisita daw kasi ako at umupo nalang daw muna ako dito.

Habang busy siya sa pag luluto, narinig kong nag ring yung cellphone ko, bitibit ko lang naman yun dito sa kusina kaya madali ko lang nasagot yung tawag na mula kay Damian..

"Damian, bakit?"

"Kelly Babe, pwede ka ba bukas?"

"Bakit anong meron?"

"Nakalimutan mo na? Birthday ko." May pagtatampo sa tono ng boses. Oh!! Oo nga pala, birthday niya. Nawala sa isip ko.

"Hindi nu!" I lied.

"So, pupunta ka sa Club? Exclusive ang Club bukas para lang sa mga bisita ko."

"Uh... hindi ko alam, tatanungin ko muna yung boyfriend ko." Pagkasabi ko nun, binaling ko yung tingin ko kay Sam na mukhang kanina pang nakatitig sa'kin.

"May boyfriend ka ulit? Sino?" Damian asked.

"Nagkabalikan kami ni Sam." Sagot ko.

"Woe! Bago yan ah."

"I know! Itetext nalang kita kung pupunta ako."

"Ayoko nang ganyan sagot, dapat ang sagot mo pupunta ka. Isama mo na boyfriend mo para sigurado."

I rolled my eyes. Kung makapag request naman 'to, pasalamat siya kaibigan ko siya. "Oo na sige na."

"Good. See yah, bukas Kelly babe."

"Yah! See yah." Ibinaba ko na yung tawag kasi humahaba na ang usapan eh. Ayaw ko nga kasi ng mga phonecalls. Haha.

"Uh... si Damian yun." Pagpapaliwanag ko sa kanya kung sino yung kausap ko.

"Narinig ko nga." Tumalikod na siya at nag focus ulit sa niluluto niya. Hindi ko gusto yung reaksyon ng mukha niya parang may uh... selos.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa silya at lumapit sa kanya. "Birthday niya bukas, gusto niya tayong pumunta."

"Tayo o ikaw lang?" He dryly asked.

"Tayo."

"Sige." Pagsangayon niya kahit na halata namang labas sa ilong. Haay! Paano ba mag handle ng boyfriend na nagseselos? Malay ko ba sa mga ganito, pag ganito kasi dati yung jowa ko hinihiwalayan ko agad eh nakakabwiset kasi.

Tinangal ko ang focus niya sa pagluluto at binaling ko sa'kin sa pamamagitan nang pag yakap sa kanya mula sa likod. "Hindi naman ako nag yosi ah bakit parang ang cold mo?" Tinangal niya yung mga kamay kong nakayakap sa kanya at humarap sa'kin tsaka ako hinawakan sa mag kabilang pisnge.

"Tingin ko dapat mo nang malaman na seloso ako."

"Kaibigan ko na lang si Damian." I explained.

"Hindi lang kay Damian, pati dun kay Elliot."

"What?" Natatawa kong tanong. "Okay, explainable pa yung kay Damian dahil close talaga kami pero kay Elliot? Dude, kahit pa mag hubad pa sa harap ko yun di ko na papansinin yun."

"Kahit maganda ang katawan niya?"

I laughed, loud. "Oo! Kahit maganda ang katawan niya." Maganda naman talaga ang katawan ng mokong na Elliot na yun, pero... wala eh. Hanggang one night stand lang ako sa kanya.

"Lakas maka gay nung tanong mo ah." I added, laughing hard.

He grins. "Dala ng selos, kaya kung ano ano nang sinasabi ko."

Play With KellyWhere stories live. Discover now