Seventeen

16.8K 521 12
                                    

School days starts..

Urgh! Pasukan na, happy naman akong start na ang school dahil hindi nalang ako magiistay dito sa Unit ko kaya lang ang mga morning kasi ang schedule ko so no choice kundi ang gumising ng maaga.

Nakapag ready na ko sa pagpasok sa school at naka preppy clothes lang ako. Kinuha ko lang yung bag ko, pinasok dito yung wallet at cellphone ko. Yung susi, bitbit ko lang para di io na kailangan kunin pa to mamaya pag dating ko ng parking.

Naglakad na ko palabas ng ng Unit ko at nag hintay na mag bukas yung elevator. Sa pag bukas nito, i saw Elliot. Pumasok nalang ako at hindi siya pinansin.

"Long time no see ah." He said.

"Mm.." I just hummed. Wala ako sa mood makipag pansinan sakanya, inaantok pa 'ko.

"Nasaan yung lagi mong kasamang lalake?" Tanong niya. Tsismoso ang peg? Kailan pa to natutong manismis ng tao? Yung tinutukoy niya atang lalake ay ang huli kong jowa na si Samie.

It's been.. what? Hmm.. matagal tagal na din simula nung mag hiwalay kami. Yun na din ang huling beses na nagkita at nagkontakan kami. Wala naman na 'kong ibang dinala dito sa Unit ko after niya and aaminin ko minsan pumapasok padin siya sa isip ko. Lahat naman siguro na pumasok sa buhay mo maiisip mo padin kahit ilang lingo mo na siyang di nakikita.

Until now nga feeling ko nasa tenga ko padin yung mga huling sinabi niya sakin na.. Sinugal niya yung feelings niya para sakin kahit na alam niyang masasaktan lang siya sakin dahil inisip niyang takot lang akong mag mahal at matulad sa mga magulang ko pati yung panghihinayang niya dahil sayang minahal pa naman niya 'ko. Kabisado ko diba? Haha!

Minsan napapaisip ako sa sinabi niya, natatakot nga lang ba 'kong magmahal at matulad sa mga magulang ko kaya until now wala parin akong sineseryosong lalake? Ewan, siguro.. di ko alam.

Wait may sineryoso naman ako ng very light pero di ko naman naramdaman yung love.

"Kelly.." Elliot called kaya parang bigla kong naisip na kasama ko pala siya.

"What?"

"Nasaan na yung lagi mong kasama?" Tanong niya ulit.

"Wala na!" Irita kong sagot. Finally nag bukas yung Elevator kaya nagmadali na kong umalis dahil baka chikahin pa ko nun ni Elliot. Pumunta na ko ng kotse ko at sumakay dito tsaka to inistart para masimulan na ang byahe.

Halos binibilasan ko ang byahe ko dahil wala ng fourty minutes bago ang klase ko pero ang pagkakataon nga naman kung kailan first day of school yung kotse ko parang biglang nagloko.

Itinabi ko muna to sandali at bumaba ng kotse tsaka ko tinignan yung makina at puro usok bumungad sakin.

Are you fucking kidding me?

Shit! Paano na? Paano na? Isip Kelly Garcia, isip! Urgh! Wala akong maisip na pwedeng gawin, hindi ko naman pwedeng iwan to dito at magtaxi nalang. Langya naman oh! Kakasimula palang ng araw, sira na agad.

"Kelly.." dinig kong tawag sakin ng isang pamilyar na boses na biglang nag patibok sa kaba, nerbyos? Ewan, bakit ako kinakabahan?

I face him and i saw the Samie 2.O, i mean nag level up ang kagwapuhan niya siguro dahil yun sa mga patubo niyang balbas na mas lalong nag pa hot sakanya.

Kita mo nga naman hindi pa sira araw ko, may maganda pang nangyari.

"Is everything, okay?" He asked.

"No." I said shaking my head. "First day of school tapos ito.." I pointed my car. "..nasiraan ako."

"Ganun ba, kung gusto mo.. ako ng bahala sa kotse mo dadalhin ko kay Mark." He offered. Oh! Oo nga pala may kaibigan siyang mekaniko.

"Hindi ba abala sayo yun?"

He shakes his head. "Hindi naman."

"Uh.. sige, salamat." Naglakad ako papunta sa pinto ng kotse at binuksan ito para kunin yung bag at susi ko tsaka ako lumapit kay Samie at inabot sakanya yung susi. "Salamat ulit, pogi."

Ngumiti lang siya ng bahagya. "Sige na, baka malate ka pa sa school."

"Okay." Ngumiti lang ako sakanya tsaka ako nag simulang mag lakad para makapara ng taxi na masasakyan ko.

Wow, just wow! Akalain mo nga naman, hindi ko akalaing magkikita pa kami after nung hiwalayan namin. Sa ganitong sitwasyon pa, ni hindi manlang kami nakapag kamustahan. Baka kapag pinuntahan ko na sa Shop yung kotse ko wala na siya dun, dahil malamang dadalhin niya yun dun tapos aalis na. Tsk. Bakit ba di ko muna siya kinamusta?

Tumingin ulit ako sa direksyon niya at ng kotse ko. Busy siya sa cellphone habang tinitignan yung makina ng kotse ko, siguro kausap niya na sa cellphone si Mark.

Tsk, ang gwapo pa din niya.

Haay, focus nga Kelly, malalate ka na. I scolded myself.

Nagpara na ko ng taxi at sumakay dahil malalate na talaga ako. Dahil sa pagtitig ko kay Sam, nabawasan ako ng oras sa byahe.

Nang sa wakas makarating ako ng school, limang minuto nalang late na ko kaya tumakbo na ko papuntang classroom ko. May mga nakabanga pa nga kong students dahil sa pagmamadali ko, hanggang sa wakas nakarating ako ng classroom at kasabayan ko lang yung professor ko sa pag dating.

Medyo pamilyar na yung iba kong classmates, pero yung iba hindi. Sa mga pamilyar kong classmates wala manlang akong kaclose kaya wala manlang akong makakadaldalan.

Humanap nalang ako ng silyang pwedeng upuan, may nakita akong bakanteng upuan sa dulo kaya dun ako umupo. Buti nalang sa dulo yung may bakante dahil gustong gusto ko talagang sa likod umuupo.

Sa pagupo ko, ramdam ko yung pagod at hingal ko. Grabe! Gigising na ko ng mas maaga bukas.

Sa pagsisimula ng klase, sinulat lang ng prof. namin yung mga pagaaralan namin this sem kaya kumuha lang ako ng notebook ko na gamit ko pa noong last sem, wala kasi akong nabiling bago eh.

At dahil yung cellphone ko nagpapansin sakin sa pagkuha ko nung notebook, kasi nag vibe siya. Kinuha ko to at binasa ang text na mula kay.... Samie. Napangiti ako nang makita palang na mula sakanya yung text. So, di pala niya binura yung number ko.

** Kell si Sam to, i just want to inform you na nadala ko na sa talyer ni Mark yung kotse mo. **

Bakit pa siya nagpakilala? Baka akala niya binura ko yung number niya. Hmm.. makikita ko pa kaya siya dun?

** Salamat, Sam. ** i replied.

--

Keep voting. 😁

Play With KellyWhere stories live. Discover now