Sixteen

16.3K 515 19
                                    

Nag patuloy ang pasimpleng tingin ni Samie kay Amber- i mean ang pagsasaya pala namin kasama ang mga kaibigan ko.

Sa totoo lang hindi ko nalang sana sinama dito si Samie dahil imbes na magsaya ako nababadtrip na ko sakanya. Hindi dahil nagseselos ako sa mga pasimpleng tingin niya kay Amber sadyang hindi ko lang gusto yung ginagawa niya dahil kung makatingin siya sa babae akala mo walang kasamang asawa yung babae.

I stand making them all looked at me. "Sinong gustong sumayaw?" Tanong ko. Dahil badtrip ako, sasayaw nalang ako. Baka sakaling may mahanap pa kong aawrahin at gumanda na yung mood ko.

"Pass muna Kell, di pa kami tinatamaan eh." Sagot ni Rafraf.

"Sige ako nalang muna." Uminum muna ako ng beer tsaka ko sinimulang pumunta ng dance floor at di na nagabalang tignan pa si Samie.

Hindi pa man ako nag sisimulang sumayaw may lumapit na agad sakin na cute guy. Akalain mo nga naman oh! Mas mabilis pa to sa iniisip ko.

"Hi, beautiful." He greeted flirty as puts his hands on my waist and started to dance. Abat, ako talagang hinamon nito sa landian ah.

"Hello, handsome." I greeted back, flirty. Hindi naman siga ganun kahandsome like my boyfriend but since landian lang to pagbigyan na. Sinimulan na naming sumayaw ng very sexy, magaling siyang sumayaw buti naman dahil baka iwan ko agad siya dito.

"Kelly.." I heard Samie's called. Great! I face him and give him with what look. Hinawakan ako niya ko sa kamay at sinimulang hilain pero hinawakan din ako sa kamay nitong kasayaw ko kaya nahinto si Samie sa paglalakad.

"Anong problema mo dude? Sumayaw kami hindi mo ba nakikita?" Inis na sabi nitong kasayaw ko.

"Una sa lahat wag mo kong tawaging dude. Pangalawa, girlfriend ko siya. Pangatlo, bitawan mo siya!" Samie said glaring.

"Boring ka siguro kaya mas gusto niyang makipag sayaw nalang sa iba."

Binitawan ni Samie ang pagkakahawak sa kamay ko at kwinelyuhan yung kasayaw ko kanina dahil malamang hindi niya nagustuhan yung narinig niya.

"Samie, tama na yan." Pagpipigil ko sakanya. Patulak niyang binitawan yung kasayaw ko kanina at hinawakan ako sa kamay tsaka ako hinila palabas ng Club.

"Teka, sandali kung uuwi ka na umuwi ka magisa!" Sabi ko sabay hila sa kamay kong hawak niya. Akala ko pa naman babalik kami sa mga kasama namin yun naman pala hihilain niya ko palabas. "Nandito pa yung mga kaibigan ko kaya kung uuwi ka na, mauna na ka na lang." Dagdag ko tsaka tumalikod at aakma sanang maglakad pabalik sa mga kaibigan ko pero pinigilan niya agad ako.

"Mag uusap lang tayo." He explained, annoyingly.

I rolled my eyes. "Fine."

Naglakad ulit kami ng hawak hawak niya yung kamay ko hanggang sa makarating kami kung saan nakapark yung kotse niya. Sumandal ako dito at nag cross arms habang siya nakatayo sa harap ko.

"Anong paguusapan natin?" Tanong ko.

"Pwede bang itigil mo na yung mga pakikipag sayaw mo sa ibang lalake, o kahit makipag usap manlang."

"Woe, what? Tama ba ko ng dinig pinagbabawalan mo ko?"

"Oo dahil boyfriend mo ko!"

"Exactly, boyfriend ka lang! Kaya wag mo kong pagbawalan sa mga gusto kong gawin. Tsaka simula palang naman alam mo ng playgirl ako diba? Kaya bakit parang nabibigla ka pa?"

"Dahil iniisip ko na kahit papaano maisip mong irespeto ako, kasama mo ko Kell pero nakikipag landian ka parin sa ibang lalake!"

I chuckled bitterly. "Pwede ba, wag ka ngang magmalinis. Eh ikaw nga puro ka pasimpleng tingin kay Amber."

"I was just happy for her."

"Happy? Oh baka hanggang ngayon kasi gusto mo pa rin siya, pwede ba mag move on ka na may asawa na siya!"

"Tapos na ko na sakanya, at sana naman mag mature ka na din at isiping maging stick to one nalang!"

"Gusto mo ng matured? Edi maghanap ka ng babaeng matured! Wala kang aasahan sakin!"

"Ano namang ibig sabihin mo dyan?"

"Ibig kong sabihin, break na tayo!" Hinawi ko siya sa harap ko at nag simulang mag lakad.

"Ganun nalang yun?" Pahabol niyang sabi.

Hinarap ko siya at minalditahan ng tingin. "Oo ganun nalang yun!"

"Kaya naman pala walang tumatagal sayong lalake ang bilis mong bumitaw. Kaya ko sinugal yung feelings ko sayo kahit na alam kong masasaktan lang ako ay dahil inisip kong natatakot ka lang mag mahal at matulad sa mga magulang mo at gusto kong mawala sayo yun para sana maisip mo na hindi lahat ng couple magiging katulad nila, gawin mo nalang example yung mga kaibigan mo. Kung binuksan mo lang sana yang utak at puso mo, sana wala tayo dito ngayon. Sayang Kell, sayang minahal pa naman kita." Pagkasabi niya nun nag simula na siyang maglakad papasok ng kotse at sinimulang mag maneho paalis habang ako nakatayo lang dito at pinagmasdan ang paglayo ni Sam.

Another failure relationshit, what's new?

Huminga ako ng malalim at binuga to ng malakas, ewan ko pero parang ang bigat sa dibdib ng nangyari. Siguro dahil hindi ko ngayon ineexpect na ngayon pala kami matatapos akala medyo matatagalan pa ng kunti.

Nag simula na lang akong maglakad papasok ng Club at pinuntahan na yung mga kaibigan ko. Sa pagupo ko, hindi ko pinansin yung mga tingin nila at uminum nalang ako.

"Nasaan na yung b-"

"Wala na kami." Pagpuputol ko sa tanong ni Rafraf. "Sabi ko naman sainyo eh, maghihiwalay pa kami, ngayon nga lang nangyari."

"Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Luisa.

"Masyado lang siyang nag expect na hindi naman dapat." Sagot ko.

"Iinum nalang natin yan." Lucas said.

"Agree ako dyan dude." Pinagtama namin yung mga beers namin bilang pag cheers tsaka ko tinunga yung alak ko.

Sa alak lang ako may forever.

--

Okay, sorry for the short update babies, yan lang kinaya ng utak ko eh. 😄

Keep voting. 😁

Play With KellyWhere stories live. Discover now